Part 8

1749 Words

“DIYAN ka nakatira?” sabi ni Lance nang ipahinto niya ang sasakyan nito sa harap ng isang bagong gusali sa Ortigas Avenue.             “Yes. Nasa eight floor ang unit ko,” kaswal namang tugon niya. Hindi niya gustong magmukhang nagmamalaki subalit alam niya, sa itsura pa lang ng matayog na building ay parang sinagot na niyon ang kayabangang sinisikap niyang huwag mahalata sa tinig.             Sa likod ng isip niya ay nais niyang magdiwang. Alam niyang gulat na gulat ang lalaki—na bagaman tila mayroon na silang silent agreement na magkaroon ng truce, tila ramdam pa rin naman niya ang malaking diprensya nila sa isa’t isa. Ewan niya, subalit sa kabila ng pabor na ginawa sa kanya ng binata, ang ihatid siya ngayon ay hindi pa rin niya magawang ilapat ang loob dito.             Ang dapat ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD