PAGMULAT ng mga mata ni Ivy, sa halip na isipin niya ang oras at kung ano ang mga gagawin niya sa araw na iyon, kagaya ng nakasanayan niya, ang unang pumasok sa isip niya ay ang nagdaang gabi. At kasabay ng pagbabalik-alaala niya sa halik na iyon ay dinama pa niya ang kanyang labi. “s**t!” she muttered aloud at mabilis na bumangon. Tinungo niya ang banyo at mabilis na nagsepilyo. Kagabi ay masyado na siyang pagod at puyat para pag-isipan pa ang halik na iyon kaya mas nagtagumpay ang kanyang antok. Pero hindi na ngayon. Nakabawi na siya sa tulog at sa ayaw man niya at sa gusto ay bumabalik sa isip niya ang halik na iyon. “Damn you, Lance!” galit na wika niya habang inaabot naman ang Listerine. Matapos magmumog ng likidong iyon ay padaskol siyang lumab

