Hindi man nya narinig dito ang mga katagang hinihintay ay kuntento na sya dahil parang pinaparamdam naman nito sa mga kilos. Wala na syang mahihiling pa. Lumalim pa lalo ang nararamdaman nya kay Andrew. Akala nya di na matatapos iyon pero mali pala siya. Papunta siya ng gym dahil may practice si Andrew nang araw na iyon. Naging routine na nyang panuorin at antayin ito kapag may practice sa basketball ang mga ito. Absent ang teacher nila sa last subject nya nang araw na iyon kaya dumiretso na siya sa gym at hindi na niya ipinaalam kay Andrew. Nagtaka siya nang wala siyang naabutan na naglalaro dun. Maaga din siguro silang natapos, naisip nya. Pero nakita nya ang gamit ni Andrew sa bench kaya naisipan nyang silipin if andun ito sa locker. Papaliko na sana sya nang marinig nya ang pamilyar n

