Muntik na siyang ma-late sa kahihintay kay Andrew nang araw na iyon pero hindi ito dumating para sunduin sya. Hindi ito tumawag man lang. Sinubukan nyang tawagan ito pero walang sumasagot sa phone. Nag-aalala siya dahil hindi naman ito ganun. Nag-aalala man ay pumasok pa rin siya ng school baka kasi andun na din si Andrew. Kinakabahan pa siya nang parang may hindi magandang balita na pinag-uusapan ang mga kaklase nya lalo na at hindi din nya makita si Andrew sa upuan nito. " Bakit? Ano'ng nangyari?" nababahalang tanong nya. " Si Trixie nasa ospital ngayon. Nagtangka siyang magpakamatay," sabi ng tsismosa nyang kaklase. Na-guilty siya dahil medyo nakahinga siya ng maluwang nang hindi tungkol kay Andrew ang masamang balita. Pero nagtaka din sya, di ba't nagawa pa nitong tumawa nung last n

