6

2699 Words
"Alam mo naman na ayaw ko ng kahit anong koneksyon sa kaniya, Mom!" Remembering what happened last night, Madden me. Hindi ko iyon makalimutan. Napuyat pa ako kakaisip. "hindi ko iyon magagawa at kaibigan natin sila." Oh please! Naiintindihan ko naman na malapit sila, ng pamilya na iyon pero ayoko ng magkaroon ng ano man sa kanila. Even they're good to me. Even Tita and Tito treated me good. I don't want to see Alconso again. Hindi iyon maganda para sa akin. Bumalik lang sakin ang lahat. Feeling ko nabaliwala ang inipon kong lakas at pagmamahal sa sarili ng ilang taon. Ayoko na ulit maramdaman, ito. I love myself. Minahal ko ang sarili ko, all I know is that, he'll gonna break me again. "No, Mom. Kayo lang. Huwag na niyo ako idamay pa. Ayoko na ng kahit anong koneksyon sa lalaking iyon." We are on her office. Dito ako dumeretso pagkagaling sa bahay ko. Humalukipkip si Mama. Kahit na hawak ko ang ilang business namin ay tinutulungan niya parin ako minsan. Pero hindi ko naman alam na meron pa pala siyang office dito at madalas itong nandito. "We are thinking about partner ship. Matagal na namin itong gusto anak. At hindi mo maiiwasan ng matagal si Alconso dahil-" bigla itong napatigil at napatakip ng mata. Naningkit ang mata ko. A partnership? Bakit hindi ko alam? Bakit ngayon lang niya sinabi? "What the hell?" Hindi ko mapigilan, my emotion is getting high right now. This is what I get for coming home? "Ah… anak, we are friends… and uhm." Napapikit ako ng mata. "No, Mom. I will never approve it." Sa sobrang inis ko ay umalis ako. Dumeretso ako sa parking lot. I was about to get inside when a man's built stop me. Kunot noong binalingan ito. I was about to yell but I got cut off. It was Alconso. He is looking at me with a smirk. "Hi." Tumaas ang kilay ko, ganun din siya. What is he doing here? At bakit niya ako nilapitan? "I'm here to talk to your, Mom." He said. Umirap ako. Is this about their partnership? "Kung ganon, bakit ka nasa harap ko?" Mataray kong sabi. Doon ko lang napansin ang suot niya. He became more masculine and tall. Medyo mas nagkamuscle pa siya. He's a really good looking man. Maraming maghahabol at iiyak. I'm not surprised, ganon naman ang nangyari sakin. Noon. Whoever I was. Even my family is there friends. Hindi iyon naging dahilan para bigyan ito ng chance. "You look pissed, what happened?" Not minding my question, umirao ako. "None of your business. Aalis na ako." Hinawakan niya ang pinto ng kotse. Bumuntong hininga ako. "I'm here to talk about the partnership." My anger got back. "talaga? I'm not interested. Hindi din naman ako papayag." I said. Kumunot ang noo nito. " Why?" I smirk.. " dahil gusto ko." "okay." He said at tumalikod na. Pero papunta pa rin ito sa loob ng building. I have a bad feeling to that partnership they're talking about. At hindi iyon maganda. Hindi man lang nila iyon sinabi sakin, I'am The CEO, yet, I don't have any Idea of it? Matatalas na titig ang binigay ko kahit nakatalikod na ito sa akin. Huminga ako ng malalim at umalis na doon. Umuwi ako sa bahay. Naabutan ko si Dad. "What happened?" Nagtatakang tanong nito sa akin. "Did you approve the partnership?" Tumaas ang kilay nito. "Dad, tell me, anong plano niyo ni Mom?" Napanguso ito at nagpigil ng ngiti. "Remember, noong bata ka pa? I told you, I will do anything to make you happy… I will give you everything and your Mom wants." And? Inaalala ang sinabi niya noon. Pumikit ako ng mariin. "Dad, I have everything already. You and Mom are enough for me." He smirks. Nanonood ito sa sala. " You'll marry King Alconso Welba." Nanlaki ang mata ko. "What? No! Dad!" My eyes widened, I felt like my mind was floating. I can't process his statement. I can't understand what's really happening. Those years, nakita nila kung paano ako nasaktan ng dahil sa kanya. Then this? I can't believe this? "This is not a good joke, Dad." Is it for the company? I'm sure he is not going to be happy about this, that man hates me so much. He can't even look and stand seeing me near him. Kaya nga lumipad pa siya sa ibang bansa, kaya nga nakipagtulungan pa siya sa babaeng iyon para paniwalain ako. "You're my princess. I want you to be happy." Oh? He's playing cupid now? "Dad, listen. We cannot control it. Please, don't meddle with my future, let it be. Matagal ko na pong natanggap Dad. You don't have to do this." He smiled at me sadly. " Do you still want him? Love him?" He asked. I pursed my lips, hindi naman na importante kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng maulit ang nangyari noon. Hindi na kailangan umabot sa kasalan ang lahat. Marami na ang nagbago, marami akong natutunan, dahil tama sila. I was a child, hindi pa alam ang meaning ng totoong pagmamahal. " No, D-Dad. Siguro nga t-tama kayong lahat. Masyado lang akong nadala noon sa nararamdaman ko. I'm selfish and I never think of his feelings. He doesn't want me. I accepted it. I just don't want to go back to that… Dad. Let's not forced this." Parang nagbara ang anumang bagay na iyon sa lalamunan ko. Nanginginig ang labi ko ng pumasok ako sa loob ng kwarto. Pumikit ako ng mariin. Napasandal ako sa pinto, hindi ko din namalayan na sunod sunod na pag agos ng luha ko. "Tangina! Diba sabi mo hindi mo na siya iiyakan? Walang kwenta! Putragis!" Marahas kong hinubad ang dress na suot ko at agad na pumunta ng banyo. Parang nakalutang ako ng buksan ko at lagyan ng tubig ang bathtub ko. Nilagyan ko iyon ng sabon staka ako sumulong doon. I stayed there for almost an hour. Sobrang bigat ng dibdib ko, I don't want to get up. Pero medyo nilalamig na ako at hindi ko na matagalan ang tubig. Sa pagod ko sa kakaiyak sa loob ng banyo ay natulog ako. Nagising ako ng madilim na, hindi pa pala ako kumakain kaya bumaba ako. Naabutan ko sila Mom sa sala, ngumiti ako at humalik sa kanila. Pilit kong pinasigla ang sarili. "Mom. Swimming tayo tom?" Nakatitig ito ng mariin, tila sinuri niya ako. Ngumiti ako ng malapad. "Baby ko! I'm sorry. Ayoko na pangunahan ka-" "Mom, I'm here for vacation. Para sa inyo dahil gusto ko na din kayong makasama. Let's not talk about business. Bakasyon ko to. Please." Sumilay ang ngiti sa labi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. " I love you, Baby. Don't forget that, lahat ng ginagawa namin ay para sayo." Ngumiti ako. I know Mom. " I love you too, Mom." Kinabukasan nga ay iyon ang ginawa namin, we are having a family day, and I'm so happy. Nasundan pa ang mga araw na iyon. Sa sumunod na mga araw ay sinulit ko kasama sila. We go shopping. Bumili kami ng damit, make ups. Lahat ng nagustuhan naming dalawa. "Isukat mo nga to, mukang babagay to sa'yo." Ani ni Mom kay, Dad. Nasa mall kami noon, namimili ng mga damit. Kakatapos lang ni Mom, at nagpasya na si Dad muna ang sunod. Wala naman akong masyadong bibilhin at medyo pagod na din, gusto ko din na ako ang huli pag nag s-shoping kami. Exciting kasi sya para sakin. Ng matapos kay Dad ay ako naman ang bumili ng gamit para sa sarili ko. Bumili ang ng mga dresses at blouse. Nasa fitting room ako, nagsusukat ng mga napili ko. I smile when I saw myself on the mirror. "Hmm. Like it." Natutuwang sabi ko. Habang hinihubad ko iyon ay, may pumasok na mga babae, hindi ko lang alam kung ilan sila. "Grabe! Ang pogi pogi talaga ni King no?" Napairap ako. "Oo nga, ang sarap sarap pa." Tsk, mga bunganga walang filter. Kala mo sila lang tao sa loob ng fitting room. Sinunod ko yung pulang dress na may slit sa bandang legs. Gusto ko man takpan ang tenga dahil sa mga naririnig ko tungkol sa lalaki, kung gaano nila iyon hinahangaan ay tiniis ko na lang. " Sinabi mo pa! Sarap mag pa churva at anakan. Hahaha" Nakakatawa yon? Mga malalanding nilalang. Sa pangalawang pagkakataon ay umirap ako. "Hindi ka papansinin noon. Taas kaya ng standard noon. Puro magagandang modelo ang rumored girlfriend or fling noon." Tumaas ang kilay ko. So, mahilig pala siya sa modelo? Ngayon ko lang nalaman. Wala akong balita doon. Simangot ang mukha ko ng tanggalin ang dress. Nawalan ako ng gana sa pagsusukat. "Sinubukan kong landiin kaso ang sungit. Pinadampot ba naman ako sa bodyguard." Hindi naman na bago yun, pero ginawa niyang ipadampot sa bodyguard? Ang sama! Nakakainis. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na tinapos ang pagsusulat, sinuuot ko ang damit ko at lumabas sa cubicle. Hindi naman ako napansin ng mga babae, nasa kanya kanyang cubicle din ang mga ito. "wala tayong pag-asa doon." And I agreed to that. "mangarap na lang tayo. Hahaha" Oo, libre pa. Umalis na ako, may naghihintay na sales lady binigay ko sa kanya lahat ng damit. Kukunin ko lahat iyon. " Oh? Bibilin mo lahat?" Si Mommy. Tumango ako. Nawalan ako ng gana pumili kaya bibilhin ko na lang. Limang dress lang naman iyon e. " 10,567 pesos, Ma'am." Dad gave his card, well sya lagi ang nagastos kapag namimili kami. Busangot ang muka ko. Habang binabalot ng cashier yung damit ko. " I'm hungry." I said to Mom. May ka text ito. Kumunot ang noo ko. Tinitigan ko si Mom, seryoso at busy. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. " Who's that? Mom?" It's weird na nag text ito. Bakit hindi na lang call? Napatingin siya, ngumiti siya, kita ko ang pagkatense niya. " Ahm. Si Grace… ugh. Nalaman kasi niya na nasa mall tayo. Papunta sila dito." Na ningkit ang mata ko. Agad kong kinalma ang sarili. Si Tita lang naman diba? "Are you okay, hija?" Sabi ni Dad. Tumango ako. Ang akalang ang matandang Welba lang ang dadating ay nag iba ng makita ko sa aking harapan ang lalaking iniiwasan. Nakatitig ito ng maraan sakin, inirapan ko ito at hindi na lang inintindi ang presensya. Bumaling ako sa Mamaniya. "Hi, Tita." Ngumiti ako, I kiss her cheeks. "You look stunning, my dear. Would you mind if we join you for dinner?" Tumingin ako kila Mommy, at nakatingin lang din sila sakin. Asking for approval. Medyo nahiya ako. "N-No problem, Tita. Why not." Nakahinga ito ng maluwag at niyakap siya. "Anu pang hinihintay natin? Let's go." Nasa tabi ko si Tita. Habang nasa likod naman si Alconso. Nasa unahan namin sila Mommy. "Hindi tayo masyadong nakapag usap, hija. Medyo naging busy ako sa Mansyon. Birthday ko na sa susunod na linggo. Pupunta ka ha " ngumiti ako dito. At tumango. She smiled back at me at nilingon ang anak. "Son, fetch Anijessa, okay." Napatingin ako sa likod. He is looking at me. Without emotion. "Hindi na kailangan, Tita. Sasabay ako kila Mom." Tanggi ko. "May dadaanan pa kami, anak. Pasundo ka na lang kay Alconso." Tumingin ako kila, Mom. "No. Kaya kong mag drive." But to my avail. Tita refuses. "No way. Alconso can fetch you, right son hindi ako papayag na wala kang kasama, hija. Mahirap na." I don't know what to say. Nagiisip ako. "Si Vince po. I call him." Kunot ang noo ni Tita. "Susunduin kita, 5pm." Malamig na usal ni Alconso. Napakagat ang labi ko. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Tita. "It's settled, then. Don't worry about him, hija." Tumingin ako kay Alconso at inirapan siya. Dapat hindi na lang siya um-oo. Mukang napipilitan lang naman ito. "Table for five." Ani ni Mom. Agad naman tumalima ang waitress. Sinundan namin ito. Pabilog ang mga mesa. Unang umupo sila Mom, at mukang sinasadya na magkatabi kaming dalawa ni Alconso. Medyo nailang ako dahil maraming tumitingin sa bandang amin. Hindi ko naman sila ma sisi. Especially those girls who's eyes Alconso. Wala naman paki ang lalaki. Kinuha ko ang menu. Tumitig ako doon. Hmm. Mukang masasarap ang pagkain dito. Sa kalagitnaan ng pagtingin ko sa menu ay ang biglang pag imik ni Alconso. "You want salad? It's your favorite right." He said coldly. Paano niya nalaman. Nagtataka man ay hindi ko iyon sinagot. "Roated beef, and pineapple juice." I said. Tumingin sakin sila Mom. "Your eating beaf now?" Tanong ng lalaki sa tabi ko. Tumaas ang kilay ko. "Yeah." "Kailangan pa? Anak?" Si Mom. "Matagal na, Mom. Nagbago na kasi ang taste ko. Hindi na katulad ng dati. I actually..." Tumingin ako kay Alconso."don't eat salad." Titig na titig ito sakin. It's a lie, though. Kumakain pa naman ako noon, pero marami na akong nasubukan na pagkain ng mag manila ako at nag iba na ako ng taste sa food. "Ehem." Ngumiwi ako, hindi ko napansin na natigilan pala sila sa sinabi ko. "Well, that's normal." Ani ni Dad. "Yes, changes is normal. Nothing serious." Tumawa ako ng pagak. Nag order na din sila, at nang si Alconso na ay nakita ko pang nagpacute ang babae sa kanya. Titig na titig ito, tila ayaw mawala sa paningin ang lalaki. "Give me Karekare." Tumambol ng malakas ang puso ko. Pinigilan ko ko ang sarili, hindi dapat makita na apektado ako. "Is that all sir?" "Yes." " Hindi kaba nagsasawa sa karekare? Lagi na iyon ang kinakain mo, walang araw na hindi kasali sa dish." Medyo na tatawa si Tita doon. Napayuko ako. A memory flash suddenly. "Masarap na ba?" Naisipan ko noon na ipag luto siya ng karekare. Ito ang unang niluto ko. Pinagaralan ko iyon ng mabuti para sa kanya. "Oo! Ang sarap sarap! Tiyak na maiinlove si sir niyan." Ngumiti ako ng malapad. "Dapat lang, pinaghirapan ko to no." Pero nalungkot ako ng hindi siya umuwi ng linggong iyon. Kaya napagpasyahan ko na pumuntang school niya. " Sir, naiwan kasi ng kuya ko yung baon niya. Ibibigay ko lang." Paalam ko sa guard, pumayag siya. Pumunta akong canteen. Lunch time nila, sakto ang punta ko. Agad ko siyang na kita doon, kasama niya ang kaibigan pati na si Dea. Napalunok ako. " Nicole? What the hell are you doing here." Si Dea. Inilapag ko ang dala kong baon. Buti at wala pa silang na oorder. Napatingin si Alconso at nangunot ang noo. "Tsk." Labis na pagkadisgusto ang nakita ko sa muka niya. "dinalan kita ng karekare, sinabi kasi ni… Tita. A-Ako nag luto niyan." Tumingin siya doon. Kaya agad agad ko iyong binuksan. Pumikit ito ng mariin. "hindi ako kumakain niyan." Sanay naman ako sa mga ganitong tagpo. Lagi niyang tinatanggihan ang mga binibigay ko sa kanya. " T-tikman mo lang…" tumingin siya sakin. Sobrang pula ng tenga niya. Sa galit siguro. "Oh! Sainyo na lang. Nawalan ako ng gana." Tinabig niya iyon. Medyo napalakas at nalaglag iyon sa sahig. Nanlaki ang mata ko. Nanginginig akong tumingin sa kanya. Kailangan ba talaga niyang gawin iyon? Yung pinag hirapan ko, nasa sahig. Madumi na. Tumayo siya at kinuha niya ang braso ko, doon lang sa pagkain ang tuon ko. Lalo akong nabigo ng matapakan niya iyon. "A-Alconso..." "Tsk." Hinila niya ako palabas. "I f*****g told you, not to show your face here right?" Galit na galit siya. Pinagtitinginan na kami, uminit ang gilid ng mata ko. Naluluha. "I'm sorry..." "Umuwi kana, dahil sayo nawalan ako ng gana kumain." Bumuntong hininga ako. What a cruel man. Akala ko ayaw niya ng karekare? Tapos ngayon? " It is especial to me, Mom." Especial? Maniniwala sana ako kaso na alala ko kung paano niya dinaanan ang karekare na niluto ko noon. "Wait, I remember. Is that the dish you prepared before for him, hija?" Ngumisi ako. "I can't remember, Tita. Matagal na iyon." "Ah." Tumango tango ito. "Kaya pala." Hindi na ako nangusisa dahil naguguluhan na ako sa pinapakita niya. Nila. Wala akong Ideya, kung bakit ganito sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD