Chapter 2 – Playboy

1541 Words
Ilang buwan pa ang lumipas ay naging maayos naman ang takbo ng pagtatrabaho ko rito sa Avaya Land Corporation. Sa tuwing may hindi ako maintindihan sa plates na ginagawa ko ay hindi naman ako pinagdadamutan ng tulong ng mga kaopisina ko, lalong-lalo na si Alice. Kakapirma ko lang kanina ng employment contract nang pagiging isang ganap na regular na empleyado ng aming kumpanya kaya naman nagkayayaan kami na mag-party night out sa LK Hub. Pinaghalong amoy ng usok ng sigarilyo, alak at pabango ang nangingibabaw sa paligid habang tinatahak namin ang mataong entrance. Patay sindi ang mga laser lights na tumatama sa kabuuan ng club. Nag-dinner na kami kanina nina Alice at ng iba ko pang kaopisina bago kami pumunta rito kaya naman dumiretso na kami agad sa lamesa na pina-reserve ni Jeremiah. "Ayan na pala ang mga girls! Party-party na!" excited na hiyaw ni Lester pagkakita sa amin. Umupo kami sa mga bakanteng upuan na nakapalibot sa pabilog na lamesa. Sobrang lakas ng trance music na pinapatugtog sa kabuuan ng club kaya hindi na halos magkarinigan ang mga nag-uusap naming mga kasama. May dumating na isang waiter na may dalang dalawang bote ng mamahaling brand ng alak. Agad na kinuha ni Jeremiah ang shot glass at inabutan ng tagay si Alice. "Ang aga naman ng tagay ko! Hoy bakit punong-puno 'yan?" palatak ni Alice kay Jeremiah na malaki ang pinapakawalang ngisi. "Simulan na para makarami! Ano Alice, huwag mong sabihin na sa isang shot lang tumba ka na?" utas naman ni Jeremiah. Mukhang na-badtrip yata si Alice sa kanya kaya naman padarag niyang kinuha kay Jeremiah ang shot glass at walang kakurap-kurap na sinaid ang laman ng baso. "Woohoo! That's my girl!" Napalingon kaming lahat sa gawi ng humiyaw. Si Dylan pala iyon. Hindi na ako magtataka sa presenya niya ngayong gabi. Tropa niya kasi sina Jeremiah at Lester. Naningkit ang mga mata ko pagkakita sa babaeng nakalingkis ang mga braso sa katawan ni Dylan. Kung hindi ako nagkakamali isa siya sa mga ka-batch ko na na-hired sa Avaya. Kahit na dim ang ilaw sa kinaroroonan namin ay kapansin-pansin pa rin ang kanyang makinis na kutis at magandang hubog ng katawan dahil sa suot na sweetheart top at mini skirt. Mukhang sinadya niyang maging kaakit-akit ngayong gabi. May ibinulong si Dylan sa kanya na naging sanhi ng kanyang pangisi. Panay pa rin ang pagbubulungan at paghigikhikan nilang dalawa hanggang sa makaupo na sila sa lamesa namin. Napatagal yata ang pagmamasid ko sa dalawa, hindi ko na namalayan na nasa tapat ko na pala ang shot glass ni Jeremiah. Maagap ko itong kinuha at mabilisang nilagok ang mapait na likido. Nalasahan ko agad ang Tequila. Kinuha ko mula kay Alice ang nilahad nitong platito na may lamang asin at lemon. Kaagad kong isinubo ang mga ito sa aking bibig. "Game naman pala ang lahat ng mga kasama natin ngayon! Ayos!" si Lester. Nag-appear pa silang dalawa ni Jordan pagkatapos ay hinitit na naman nito ang tangan na sigarilyo. Magmula pa noong college ay nakasanayan ko na rin ang night out. Masyado kasing stressful ang kurso kong Engineering kaya ang pagba-bar hopping ang isa sa mabisang paraan ng pag-chill out namin ng bestfriend kong si Noimee. Sa Dubai na siya ngayon nagtatrabaho. Kung makakaya ko lang sanang maiwanan ng mag-isa si Tiya Lumen dito sa Pilipinas ay nag-apply na rin ako roon. Isa sa mga talent ko ay ang matagal na tamaan ng pagkalasing. Kanina pa kami nagsasayaw sa dancefloor nina Alice. Mukhang nahihilo na sina Kelly at Karen kaya naupo na sila sa iniwanang lamesa. Samantalang kami ni Alice ay wala pa ring kapaguran sa pagyugyog ng katawan. "Yoohoo! Come on Audrey show me what you've got!" Sa sinabing iyon ni Alice ay mas ginanahan pa ako sa pagsayaw. I grinded my body alongside the rhythmic beat of the club's dj. I swayed my arms in the air. Sinabayan din ni Alice ang pag-indayog ko. Sa ilang minuto nang walang humpay naming pagsasayaw ay magkasabay kaming bumalik sa aming lamesa. Natatawa kaming pinagmasdan ang ilan sa mga tulog na naming mga kasama. So weak! Ang bibilis naman malasing ng mga 'to! Nang papaupo na kami ni Alice ay nasemento ang mga paa ko sa aking kinatatayuan dahil sa nahagip ng aking mga mata. Nakakandong na sa lap ni Dylan ang babaeng kasama niya kanina. Panay ang espadahan ng mga dila nila! Napapikit na lang ako at napabuntong hininga. Hindi naman ito ang first time ko na makapanood ng live make-out session sa loob ng isang club. Naiilang lang ako dahil doon pa talaga sila ngayon pumuwesto sa inupuan ko kanina. I mean, paano ko ngayon kukuhanin 'yong sling bag ko na nakalapag sa tapat nila. Mukhang hindi pa nakuntento si Dylan, inupo pa niya ngayon 'yong girl sa lamesa. Saktong naupuan na noong babae iyong bag ko. Shit! Iyong cellphone ko sa loob ng bag baka mabasag! Inumpisahan na namang halikan ni Dylan iyong babae, pinaglakbay pa niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang boobs nito. Kulang na lang talaga ay hubarin na niya 'yong blouse ng girl. Nagtuturuan kaming dalawa ni Alice kung sino sa aming dalawa ang kukuha sa mga gamit namin na ginawa ng sofa ng dalawa. Napapahiga na sa lamesa 'yong babae dahil sa intense na paraan ng paghalik ni Dylan sa kanya. Ako na ang naglakas loob. Agad kong kinalabit si Dylan mula sa likod. "Excuse me!" Nahihiya kong saad sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon. Bakas pa sa mga mata niya ang labis na pagnanasa. Iyong labi rin niya ay napuno na ng lipstick mark ng kaulayaw niya. "Kukuhanin ko lang sana 'yong mga bag namin. Nahigaan na kasi ng kasama mo." Sabay turo ko sa mga bag namin na nasa lamesa. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng magkabila kong pisngi habang kinukuha ni Dylan mula sa kinauupuan ng kasama niyang babae iyong mga gamit namin ni Alice. Marahan niya iyong inabot sa akin. "Salamat! Pasensya na sa istorbo," saad ko pa sa kanya. Hindi ko na sila nilingon habang humahakbang na kami ni Alice palabas ng LK Hub. For sure tuloy na naman ang fight nila ngayon! Tumambay muna kami ni Alice sa isang coffee shop bago umuwi. Kailangan niya raw muna ng caffeine dahil mahaba-haba rin ang ipagda-drive niya. Sinabay niya na rin kasi ako sa kotse niya pauwi. "May flavor of the month na naman si Dylan!" utas ni Alice pagkatapos inumin ang brewed coffee na inorder niya. "Maniac talaga 'yon. Kapag nahuli siya ng HR malalagot talaga siya! Cadet Engineer 'yon sa department nila!" Bahagyang nabigla rin ako sa sinabi niya. I creased my forehead. "Every month ba talaga siya kung magpalit ng babae?" kuryoso kong tanong. Lumagok ako sa inorder kong espresso. "Minsan every month, madalas every week. Pinakamatagal na siguro 'yong six month. Trip niyan 'yong mga bago sa company. Swerte kung mareregular 'yong babae. Kapag na-endo, endo na rin ang relasyon nila." Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig. "Well may itsura naman talaga si Dylan! c*m laude 'yan no'ng college. Kita mo naman ambilis ma-promote. Sa mga naging ka-batch niya siya pa lang ang naging bisor." *** Pagdating ng Lunes, medyo late na ako nakapag-out ng opisina. Past eight na sa aking relong pambisig. May tinapos kasi akong plate sa Auto CAD. Matagal pa naman ang deadline no'n pero nakasanayan ko na rin kasi na huwag na ipagpabukas pa 'yong mga trabahong kaya ko namang tapusin ngayong araw. Marahan kong nilakad 'yong kinaroroonan ng bus stop. Hindi ito kalayuan mula sa main gate ng building ng Avaya. Naupo muna ako sa bench na naroon sa waiting shed at prenteng hinihintay 'yong Grab taxi na nai-book ko sa App kanina. Nahagip ng mga mata ko sa di-kalayuan si Dylan. Nakasuot siya ng itim na longsleeve polo at black denim jeans. May ka-holding hands siyang isang babae na nakasuot ng puting lacey dress. At take note hindi siya 'yong babaeng ka-make out session niya last Friday sa LK Hub. Iba talaga ang kamandag ng Dylan na 'to! In fairness maganda 'yong babaeng kasama niya, model type. Pumasok sila sa loob ng pinara nilang taxi. Saktong dumating na rin 'yong Grab taxi na pina-book ko. Nagkataon din na 'yong street na tinatahak no'ng taxi ng dalawa ay iyong street na dadaanan ko. Halos kadikit na ng taxi na sinasakyan ko ang taxi nila. Tinted ang sasakyan nila kaya hindi ko na kita ang ginagawa nilang dalawa ngayon sa loob. I wonder kung kagaya rin ng nasaksihan ko sa LK Hub ang ginagawa ngayon ni Dylan at ng babaeng kasama niya sa loob ng taxi. Jusko! Magiging makasalanan pa tuloy 'yong mga mata ng driver nila! Medyo matrapik na pagdating ng EDSA. Pagsapit namin sa bandang Guadalupe biglang lumiko 'yong taxi na sinasakyan ng dalawa. Hindi na ako nagtaka nang pumasok iyong kotse nila sa loob ng isang motel. Hmm. Mukhang makaka-score na naman itong si Dylan ngayong gabi! Grabe talaga at ibang babae naman ngayon! Ano 'yon every week ba talaga dapat iba-iba? I mean, hindi ba napu-pudpod 'yong ano n'ya? Nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura nang nagsimula ng umusad ang aming sasakyan. Gutom lang siguro 'to kaya masyado akong napre-pre occupied sa s*x life ni Dylan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD