"Anyone that really gets to know me, either falls in love with me or ends up wanting to murder me. Sometimes both. "-anonymous
Matuling Lumipas ang dalawang Linggo. Halos wala naman nang ipinag-iba ang araw-araw na buhay para kay MJ. Papasok sa trabaho at uuwi sa bahay pagkatapos. Kakain, maliligo, matutulog. Nakasanayan na niya iyon at wala naman siyang reklamo. At least hindi na gaanong magulo ang buhay niya di gaya noong nakaraang mga buwan.
Ang kaibahan lang sa ngayon ay araw ng pahinga niya. Wala siyang choice kundi magday off dahil tiyak na kakagalitan na naman siya ng supervisor niya kapag nalamang straight duty siya sa buong dalawang linggo. Mandatory para dito ang paggamit ng day off dahil ayaw na ayaw ng amo nila ang magdagdag ng bayad sa tao.
Silaw ang matang napadilat siya. Nasisinagan na ng araw ang mukha niya dahil sinadya niyang buksan ang bintana nang nagdaang gabi sa sobrang init. Maliwanag na. Nakatulugan niya ang pagbabasa kagabi dala na din ng pagod sa halos labindalawang oras kada araw na trabaho bilang sales lady. Mabuti na din ang nagkaroon siya ng pahinga kahit papano. Naisip niya.
She grabbed her phone on the table and checked if there were messages. Wala naman text na importante. Puro text ng 8080, 2344, 4438 na padala lang naman ng network provider. Naghihikab na bumangon na siya. Diretso sa lababo upang maghilamos at magsepilyo ng ngipin. Iniisip niya kung ano ba ang maaari niyang pagkaabalahan sa maghapon. Kung may mga dapat ba siyang gawin o puntahan? Kung may babayadan ba siyang monthly bills? Wala siyang maisip. Nabayadan na niya ang kuryente at tubig noong isang araw pa. Nakapagpadala na din siya sa pera sa kanyang ina sa Bulacan. Hindi naman ito nang-oobliga na padalhan niya, pero para walang masabi ang ibang kaanak at bilang isang mabuting anak na din ay ginagawa niya iyon para sa mga ito.
Umikot ang maghapon niya ng mabilis. Wala naman siyang ginawa kundi maglaba lang ng uniforms, magbasa ng mga librong nabili niya sa booksale at kumain. Alas-tres ng hapon ng makatanggap siya ng text mula kay Kharlyn. Nangungumusta na naman ito. Ilang araw din silang di nagkikita dahil nanghiram ang Our Tribe SM Fairview branch ng tauhan at ito ang ipinadala. Normal lang naman na magkatext sila. Ilang palitan lang sila ng text ng babae. Maya-maya ay nagtanong ito kung meron ba siyang ginagawa at kung nasa bahay lang ba siya? Na sinagot naman niya ng, "wala at oo".
Naging hudyat iyon para simulan nito ang totoong pakay nito sa kanya. Kinukumusta daw siya ni Roswald. At kung wala naman daw siyang gagawin ay pwede daw bang makipagkita siya sa lalaki para samahan itong bumili ng panregalong pabango sa tiyahin nito na nalalapit na ang kaarawan. Tatanggi sana siya kundi lamang nakiusap daw ang lalaki dahil walang alam sa pabango, baka daw mapeke ito ng bibilhan. Samantalang yun ang expertise niya dahil na din sa ilang taong pagtatrabaho sa perfumery.Hindi niya nagawang isuhestiyon na sa kanilang store na lang sana bumili ang lalaki para makasigurado dahil ayaw naman niya lumabas na naghahabol ng benta saka naisip niya baka maging isyu na naman yun kung sakaling magpunta ang lalaki sa store at siya ang hanapin gayong hindi naman siya nakaduty. Pagsimulan na naman ng tsismis. Napilitan na naman siyang pumayag dala ng kagandahang loob. Napahinuhod siya ni Kharlyn na makipagkita kay Roswald bandang alas singko y medya.
Mabilisang gumayak si MJ dahil ayaw naman din niyang nagpapaimportante pa. Saktong trenta minutos pagkalabas ng lalaki sa trabaho ay pababa na siya ng bus na sinasakyan niya. Apura na din ang text sa kanya ni Kharlyn kung nasaan na siya. Wala pa din kasi silang numero ni Roswald ng isa't isa kaya nagmistulang "tulay" pa din ang kaibigan sa kanila. "Funny, hindi niya talaga kinuha ang phone number ko. " aniya sa sarili.
"Pababa na ko ng bus 'te. Chill lang haha. Sa gate 3 ang baba ko. Dun na lang kamo siya maghintay." sagot niya sa text nito.
Nakababa siya ng bus at kinakabahang tumawid. Nakita naman niya agad ang binata. Nakatalikod ito at nakasandal sa railings. Gugulatin niya sana ito pero bigla itong lumingon. Nahuli siya sa akto. Nangingiting tinaasan siya nito ng kilay.
"Hi! Kanina ka pa naghihintay? " bati niya dito.
"Ikaw ha. Gugulatin mo pa ata ako? tila amused na turan ng lalaki. "Sayang umalis agad sila ate Ana, gusto ka nila makilala. Di na nakahintay eh umuwi na".
"Sinong ate ana?"
"Kaopisina ko. Mabait yun. Nasabi ko kasi na may hihintayin akong friend. Nag-assume siya at ang iba ko pang kaopisina na may date daw ako. Di ko na kinontra para di na humaba pa. Saka kung ikaw naman ang ka-date, tatanggi pa ba ko? "
Ngumiti si Roswald at lumabas ang puti at pantay-pantay na mga ipin. Napadako ang mata niya sa manipis at mapula nitong labi. "In fairness ah. Mukhang masarap makahalikan ito." sabi niya sa isip. "Heh! Magtigil ka Ma. Janella! Ang laswa ng naiisip mo! Wala ka pa ngang first kiss!"
Tumikhim ito para kuhanin ang naglalakbay niyang isip.
"So, pano? Tayo na ba at nang hindi tayo gabihin masyado sa lakad natin?"
Napapahiyang tumango siya. Bakit ba naman kasi ngayon pa siya natulala sa pagkakatingin dito. Pumara sila ng taxi at nagpahatid sa Trinoma. Saglit lang at naroon na sila. Di naman din kasi kalayuan ito mula sa City hall. Nag-ikot ikot sila sa mga boutiques. Titingin daw muna ito ng damit, baka may magustuhan daw ito na pasadong panregalo sa tiyahin. Para may option bukod sa pabango. Umaagapay lang siya kung saan ito nagsususuot na boutique. Kalaunan ay wala itong napili. Pumunta sila sa Landmark at dumiretso na lang sa perfume section. Muli pumasok sa isip niya ang idea na bakit di na lang kasi niya ito sinamahan sa store nila para hindi na sila mahirapan maghanap. Mas gamay niya syempre ang sariling binabantayang tindahan ng pabango. But she dismissed her thoughts immediately. "Di ba nga ayaw mong matsismis na naman MJ? "
Inassist naman sila ng nakatalagang sales lady sa perfume section. Nagsuggest din siya ng pabango na naaayon sa edad ng tiyahin ng lalaki at sinunod naman nitong subukan ang sinabi niya. Mukhang nagustuhan naman nito iyon at satisfied na binayadan sa cashier pagkatapos.
"I must say, maganda din ang taste mo sa pagpili ng perfume ah."
"Hindi naman. Bentahe lang sakin na sa kaparehong trabaho kasi ako nakaassign kaya may alam ako kahit papano sa gusto ng karaniwang customer. "
"Kapag panlalaking pabango, ano ang maisasuggest mo sakin? "
"Clinique happy for men". Di na nagdalawang isip na sagot niya sa tanong ng lalaki. Paborito kasi niya ang pabangong iyon at kung magkakanobyo siya, malamang iyon ang isuggest niya. "Huweyyyyytttt!! Ma. Janella!!! Boypren kaagad?! Are you saying you consider Roswald to be your future boyfriend?!? " natitilihang kastigo niya sa sarili. "Teka, teka lang. Wag ka excited dyan, brain! Masama ba isuggest ko din sa kanya ang paborito kong pabangong panlalaki?"
"Hmmm. Clinique happy for men. Mukhang pangalan palang mabango na. Maiinlove na ba sakin ang mga babae pag gumamit ako nun? Parang sa kanta, "humanap ka ng papa, papa, papa cologne"." nagpapatawang kanta pa ni Roswald.
"Oo, pwede." natatawang sagot niya.
"Hmmm. Eh ikaw? Magugustuhan mo ba ko kapag bumili ako nun?"
Napatingin si MJ sa binata. Tinitimbang niya kung serysoso ba ito o nagbibiro lang. Nakatitig lang din naman ito pabalik sa kanya. Naiilang na nagbaba siya ng tingin.
"Bakit naman napasali pa ako? Yung ibang babae na lang painlabin mo sayo. Immune na ko sa pabango. Wa-epek na sakin yun! " iwas tingin na aniya.
Paano ba naman ay tila nanunuot sa kaloob-looban niya ang paraan ng pagtingin ng lalaki? Tila magneto ang mata nitong nang-aakit. At naaapektuhan siya. Lalong nahahawig nito si Paulo Avelino sa paningin niya ngayon.
"Ganun ba? Sayang naman. Ikaw pa naman ang gusto ko na magkagusto sakin."
Titig na titig pa din ito sa kanya saka kumindat ang isang mata.
"Tigilan mo ko Roswald. Hindi ako nakukuha sa pagpapacute!" natatawang inambaan niya ito ng kamao. Apektado naman talaga siya sa ginagawa nito. Pero nuncang aaminin niya yun sa harap ng lalaki. Lalo at alam naman niyang may "someone special" na nga ito sa buhay. Sa naisip ay napasimangot siya. "Bakit nga ba ako pa ang kasama nito ngayon at hindi ang babaeng iyon? Ah is it just because I'm more familiar with scents? Or Am I the only one available at the moment? Nagiging panakip-butas ba ko ulit?"
Nagbago ang mood niya. Mukhang nakahalata naman ang lalaki at di na nangulit. Hindi man niya sinasadyang makaramdam ng sakit ay ganoon ang naramdaman niya sa isiping heto na naman siya at nagiging outlet ng isang lalaki dahil may isang babaeng wala sa tabi nito. Sinadya man iyon ni Roswald o hindi, ganoon ang nagiging dating sa kanya ng mga pangyayari. Ayaw naman niya na kastiguhin ito dahil wala naman silang usapan. Baka masabihan siya ng "assumera" kapag ginawa niya iyon dahil malinaw naman na nagpasama lang ito sa pagbili ng panregalo. She doesn't even know kung idea nito mismo iyon o sadyang pinaglalapit lamang sila ng kaibigang si Kharlyn. She sighed.
Oo nga pala. Baka wala naman din alam ang lalaki. Baka nga si Kharlyn lang ang gumagawa ng ways para magkakilanlan sila nito. Medyo gumaang na ang loob niya. Nayakag siya ng lalaki na kumain na muna bago sila umuwi ng kanya-kanyang bahay.