Second Date

2010 Words
Pagbaba nila ng escalator ay Jollibee na naman ang unang kainan na nakita nila. Not that she doesn't know about the place at wala siyang maisuggest na mas maayos na kainan. Hindi lang talaga siya gutom at gusto lang niya na kumain na din ang lalaki dahil baka ginugutom na ito. Masamang ginugutom ang mga thunders baka di matunawan! Nag-order na lang siya ng spaghetti. Nagrice naman ito at burger steak. Tahimik lang silang kumain. Pandalas ang pagtingin nito sa kanya at pagtanong kung ok lang ba siya na sa bilang niya eh nakatatlumpong beses na higit na nitong itinanong iyon. Natatawa na lang siya sa sarili. Para kasing ayaw nitong makaramdam siya ng pagkabagot habang magkasama sila. "Are you trying to impress me or what?" tanong niya na siya lang ang nakadinig. Hindi naman kasi niya isinatinig. "Baka may magagalit sayo na sinasamahan mo ko ngayon mamasyal? " bigla ay tanong ng binata. "Weh.. Koooyyaaa mapagpretend ka din eh. Alam ko naman na binigay na sayo ni ate Kharlyn ang info ko beforehand. " aniya sa sarili. "Are you fishing for information just now? " nakangiti pero tahasang sabi niya dito. Ayaw niyang magpaka-assuming pero kung may binabalak ito sa kanya na kung anuman, mabuti na na maaga palang ay magkaalaman na sila agad. Keber kung masyado siyang direct to the point. She's just looking out for herself. Ayaw niya na sa katagalan saka na naman niya malalaman na niloloko pala siya. Praning na kung praning. Minsan na siyang niloko at nadala na siya. Ayaw niyang maulit iyon. Natawa na lang si Roswald sa kaprangkahan niya. "I like you..-" "I mean, I like that you're being up front." pagtatama nito sa unang sinabi. "So, tell me more about yourself. " nakangiting anito. "What is to say? Oh, well, sa tanong mo kung may magagalit ba o wala? Wala. Wala naman. Nanay ko siguro kapag ginabi ako ng uwi. " medyo relax na sagot niya. Relax lang siya dahil hindi naman niya gusto ang lalaki. She's being herself. Kahit anuman ang sabihin niya, hindi siya nababahala na baka hindi nito magustuhan iyon. She's not trying to impress the man. Ang kanya lang din naman kung magiging kaibigan niya ito eh wala naman din masama. Naisip niya na bakit nga ba hindi niya na lang ito kaibiganin? Kilala ito ni Kharlyn at siguro naman may mga bagay silang pagkakasunduan din. Hindi naman din siguro siya nito gogoyoin lang. Yes, why don't we be friends? Tanong niya sa sarili. Walang mawawala sa kanya kung pakikisamahan ng maayos ang lalaki. Lalawak pa ang circle of friends niya pag naging close niya ito. Baka oras na para baguhin niya ang sarili at maging bukas sa pakikipagkaibigan sa ibang tao. Napatawa niya ang binata sa sagot niya. At mukhang naging at ease na din ito sa presence niya. He just keeps on looking at her na wari bang hinihintay kung ano pa ang gusto niyang sabihin. "Hindi ka pa satisfied sa sagot ko?" pinanlakihan niya ito kunwa ng mata. Saka pinasingkit ito. Natatawang umiling si Roswald. "No. Ano pa? Wala ka na bang masasabi pa tungkol sa sarili mo? " animo interviewer na anas nito. Siya naman ang napabunghalit ng tawa. "Luh. Ano 'to? Interbyu? Startalk ba ito? Boy Abunda? Ikaw ba yan? Nasan ang mahiwagang salamin?" patuloy na biro ng dalaga. Nagtawanan silang dalawa. Akalain ba naman niyang magagawa pala nilang magbago ng mood sa loob lamang ng ilang oras na pagsasama. "Hindi ka ba nainform ni ate Kharlyn na pasaway ako? Maldita ako?" siniraan niya ang sarili. Umiling lang ang lalaki. "Ay naku, sinasabi ko na sayo agad. May pagkamaldita ako. Nanunusok ako ng tinidor. " yun lang at nagkunwari siyang tutusukin ito. Natawa na naman ito. "Hindi nga niya nasabi sakin na maldita ka. At kinakabahan na ko sa hawak mong tinidor. Baka bigla mo na lang akong tusukin nyan. Naku.. Maitext nga si Khar. Sasabihin ko na "ano ba naman itong pinag-iwanan mo sakin, takas pa ata sa mental".. Nakipagbiruan na din ito sa kanya. Kunwaring kinakabahan na nagpunas pa ito ng tisyu sa noo. Nagkatawanan silang dalawa sa mga kalokohan nila. "Teka muna, wag mo muna itetext si ate. Ano ba naman yan. Isosoli mo na ko kaagad." kunwang histerya niya. "Bakit ka nga pala interesadong malaman kung single ako? Ikaw? Ako ang natatakot baka biglang may manghaklit ng buhok ko sa sabunot. " curious na aniya. "You're asking kung single ako o hindi, tama ba? " ganti nito sa diretsahang pagtatanong niya kanina. "Yes, may mananabunot ba sakin? Kinakabahan ako. Ang haba pa naman ng hair ko. Baka malagas lang. Uy, mahirap ito imaintain. " hinaplos pa niya ang buhok at iniangat. "Ahmm. I have someone special." pag-amin ng lalaki. Tila nananantiyang tinitigan siya. Nag-aabang sa kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito. "Special huh.. How special? Anong klaseng special ba yan? Siopao asado o bola-bola? Special child? Authistic ba ini? " biro niya. Mukhang bumalik naman sa pagiging relax ang lalaki dahil sa reaksyong natanggap. Pero hindi pa din ito nagbigay agad ng sagot. Waring tinatantiya kung ano ba ang tamang sabihin sa kanya. "Err.. Uhm.. Pano ba? Special siya. Special friend. Parang ganun." sambit ni Roswald. "Ah.. Hulaan ko ahh. Si special friend, babae yan nuh?" Tanging tango lang ang isinagot ng lalaki. "Luh. So, alam na niya itong paglabas natin? Baka bigla na lang may sumabunot sakin dito. " luminga siya sa paligid habang nakahawak sa buhok. Nagpapatawa lang naman siya. Gusto niya pagaangin ang atmosphere. Nag-iba kasi. Mukhang hindi kumportable ang lalaki sa pinag-uusapan. Malay ba naman niyang may matutumbok siya. Ang buong akala niya ay single na single din ito kagaya niya. Kaya nga sila minamatch ni Kharlyn di ba? Mukhang wala ding idea ang babae na may "special siopao ay este siomai ay este someone" pala ang lalaki. "Ah nope. Hindi niya alam ito." napakamot sa ilong si Roswald. "Ah ok. So, ano itong ginagawa natin? Is this cheating or what? " half-meant na sabi ng dalaga. Ayaw din naman niya na yung idea na nagloloko ang lalaki on her expense. Ayaw niya magamit ulit sa kalokohan. Umiling ang lalaki. Nagmumukha na naman itong stressed. Hindi maipinta ang itsura. "It's complicated kasi. We're not in a relationship but we're dating before. Exclusively dating, but.. right now wala kaming communication. So, I guess that's just what it is. She's a special friend. Special "girl" friend." Nilagyan nito ng emphasis ang word na "girl" as if sinasabing may space between those two words at hindi niya nga nobya ang special someone niya. "Yun, yun lang masasabi ko." pagtatapos nito sa usapan. Hindi na din niya inungkat. It's not like she's interested to gossip about his past and present relationships. Wala naman ata siya sa lugar magtanong. Kakikilala lang naman nila ng lalaki. Wala naman din itong sinasabing pakay sa kanya. Wala din siyang maramdaman na kakaiba sa kanila. She thinks the guy is just looking for a companion. Baka naiinip lang ito mag-isa. Kaya naghahanap ng kausap. Nang makakasama, kaso siya ang naging proxy ni Kharlyn. Itong mga ito naman talaga ang may usapan na magkita eh. Napanatag na siya. Walang intensyon sa kanya ang lalaki. Mabuti kung magiging magkaibigan na lang din sila gaya ng nasa isip niya kani-kanina lang. Nag-ikot ulit sila sa mall. Nakarating sila sa roof top kung saan may garden. Umupo sila doon at nagpahangin. Sa ilalim ng mga bituin. Mahamog daw sabi ng lalaki. Baka daw magkasakit siya. Kaya ipinahiram nito ang dalang balabal sa kanya. Parang alampay ni Alwina o Angel Locsin sa palabas na Mulawin kapag nasa anyong tao ito. May naisip na naman siyang kalokohan. Ibinalabal niya ito hanggang ulo. Saka siya ngiting-ngiting humarap kay Roswald. "Ano? Pasado ba ko maging kasapi ng Abusayaff? Mukha na ba kong terorista?" sinabayan pa niya ito ng acting na animo goon. Napabunghalit na naman ng tawa ang lalaki sa ginawa niya. Ngayon lang niya napansin. Mas gumagwapo pala ito kapag ganoong nakatawa. "Weh, madilim lang 'day. Madilim kaya akala mo lang na gwapo siya. " kontra ng isip niya. Biglang tumunog ang telepono nito sa bulsa. "Munchkin" ang nabasa niyang nakarehistro sa hawak nitong cellphone. Hindi naman nito agad sinagot. Nagexcuse ito sa kanya at medyo lumayo habang kinakausap ang nasa kabilang linya. Hindi naman niya mawawaan ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi naman din nakaloud speaker kaya di niya mahulaan ano ang topic. Puro "oo, yes ma'am, ok" lang ang sinasabi ng lalaki sa kausap. Pero napaisip siya kung sino yung munchkin na yun? Siya ba si special someone? "Eh ano bang paki mo kung siya nga?" epal ng isip niya. Oo nga naman. Ano bang pakialam niya kunt sinuman ang katawagan ng lalaki? Hindi naman sa cellphone niya nakikitawag ito. At lalong di naman niya load ang gamit nung nasa kabilang linya. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang pangyayari. Minasdan ang lalaki habang nakatalikod sa gawi niya. Nalingunan siya nitong binibistahan niya ang binata. Nginitian naman niya ito para di halata na kanina pa niya ito pinagmamasdan. Nagpaalam na ito sa kausap sa telepono. Mabilis na lumipas ang mga sandali. Nagkwentuhan sila ng kung anu-ano lang naman na hindi masyadong personal. Iniiwasan din siguro nito ang ganoong topic dahil baka may maungkat na naman ang matabil niyang dila. Magaan lang sa pakiramdam ang naging kabuuan ng pag-uusap nila ng lalaki. Mali naman pala ang first impression niya dito na mayabang at antipatiko. Sadya lang na nagkahiyaan sila sa unang pagkikita. Masarap naman pala ito kausap at kahit papano ay nalibang din naman siya. Hanggang sa di na nga nila namalayan ang oras. Magsasarado na pala ang mall at isa-isa nang sinisita ng panggabing gwardya ang mga taong nasa loob pa ng mall. Nagdesisyon na silang umuwi. This time, nagpahatid na siya sa bahay. Tutal malapit na lang din naman ang lalakadin nila. Hanggang sa gate lang ito at hindi na niya inanyayahan pumasok sa loob ng apartment niya. Hindi din naman ito naginsist pa na magtagal. Baka daw wala na itong masakyan pauwi sa kanila kaya matapos siyang ihatid ay mabilis din namang nagpaalam pauwi. Tinanaw na lang niya ito hanggang sa mawala sa paningin niya ang likod nito. Pumasok na siya sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Ipapahinga na muna niya ang mga mata bago maghilamos. Diretso sa kwarto si Roswald. Tila hapong ipinikit ang mga mata bagaman at nakangiti. He had a good time. Akalain ba niyang sa pangalawang pagkikita ay lalabas ang kakwelahan ni MJ. Ang lakas pala ng sense of humor ng babae. Nakikipagsabayan ito sa mga pambubuska niya kanina. Masarap itong kausap sa mga bagay-bagay. May sense. Hindi basta nasabing may masabi lang tungkol sa topic. Nakakapagbigay ito ng opinyon ng hindi nakakasakit o natatapakan ang sarili niyang opinyon. Very neutral. Ayos na sana ang mga pangyayari kanina kung hindi lamang naungkat nito ang kung anong meron siya at si Celestine. Well, hindi nito alam ang pangalan ng babae. Pero ito ang tinutukoy niya sa "special someone " na nabanggit niya dito. Mabuti na din lang at hindi na ito gaanong nag-usisa. Sa kabuuan, positive naman ang mga nakita niyang ugali at kilos ng dalaga. Walang halong kaplastikan sa katawan. Sinasabi kung ano ang nasa isip. May kaprangkahan. He likes that. Ayaw niya na nanghuhula kung ano ba ang iniisip ng isang tao. May pagkamisteryosa pa din ito sa paningin niya pero sumasagot naman once na tinanong. Bigla niyang naalala si Celestine. Tumawag ito kanina. Ito yung kausap niya sa telepono habang kasama si MJ. Nakaalala na naman ito. Nangungumusta. Lagi namang ganoon ang babae. Tatawag lang at mangungumusta kung kelan lang gusto. Kung kelan lang walang ibang kasama. Kinapa niya sa bulsa ang cellphone. Tinitigan ito. Pinag-iisipan niya kung tatawagan ba niya si Celestine. Sasagutin ba naman nito ang tawag niya? Itinapon niya sa kama ang cellphone. "Hindi niya ko kailangan sa buhay niya. Mukhang masaya naman siya kung nasan man siya ngayon. "may pait na aniya sa sarili. Nakatulugan na niya ang pag-iisip sa dalawang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD