Two strangers, two hearts

1358 Words
"The best love is unexpected. You just don't pick someone and cross your fingers it'll work out. You meet them by fate and it's an instant connection and the chemistry share is way above your head. You just talk and notice the way their lips curve when they smile and the color of their eyes. And all at once you know you're either lucky or screwed.."-anonymous Ayaw sanang magpaiwan ni MJ sa mall nang si Roswald lang ang kasama, pero nagsawalang-kibo na lang siya. Noong isang araw pa naman kasi talaga pabalik-balik ang lagnat ng bunsong anak ni Kharlyn. At kabastusan naman atang maituturing kung tatanggihan niya ang pakiusap nito na magproxy at mag-ala tour guide sa mall na pinagtatrabahuhan. First time daw kasi ng binata sa naturang mall at nagpapasama lang naman mag-ikot. Mas may idea nga naman siya kung saan ang masasarap na kainan at tambayan dahil halos sa mall na siya nakatira. Nag-ikot sila ng nag-ikot. Hindi niya ito dinala sa sariling store na binabantayan dahil ayaw naman niya pagmulan pa ng tsismis ng mga kapitbahay na tenants. Alam na alam niya ang likaw ng bituka ng mga ito. May makita lang na magkasama, "matic" na nangangamoy relasyon na agad ang kakalat sa buong mall. Wala siyang panahon para isa na namang kontrobersiya na kasasangkutan niya gayong ilang buwan palang na katatapos ng ningas ng nagdaan niyang affair kay Efraim Quirino. Kung affair nga bang matatawag ang kung anumang namagitan sa kanila ng lalaki. Gwardya ito sa mall. Ilang buwan na din na tahimik lang ang buhay niya. Malayo sa tsismis ng makakating dila. Hindi niya matatawag na ex-boyfriend ang lalaki dahil hindi naman naging sila. Ilang beses lang niya pinaunlakan ang imbitasyon nito sa labas. They dated for awhile. Nanligaw si Efraim sa kanya. Yes, aminado siya na type din niya ito noon na halos nagbubulag-bulagan at bingi-bingihan siya sa mga alingasngas na pinaglololoko lang siya nito. Todo effort pa ito sa pagbibigay ng kung anu-ano na kanya noon from flowers to chocolates, stuffed toys. Ito din ang laging taya sa mga paglabas-labas nila. Iniiwasan nga lang nila makita na laging magkasama noon sa loob ng mall dahil bawal sa mga ito magkaroon ng anumang ugnayan sa mga tenant. Doon daw kasi nag-uugat ang sabwatan at baka manganib ang buong mall kapag nagkataon. Bilang lang sa daliri na nakita silang nag-uusap sa loob ng establisimyento. Pero walang puknat naman ang pagtawag at pagtetext nito noon. Hinahatid din siya ng maaga tuwing lalabas sila. Ayaw kasi ng landlady na ginagabi ang umuupa sa bahay nila sa dati niyang tinitirhan. Which is good for her. Ayaw naman din niya na nasa lansangan pa ng gabing-gabi. Delikado sa syudad kahit sabihin pang padilim palang. Tumagal ng halos kalahating taon ang pakikipagdate niya sa lalaki. Plano na na sana niyang sagutin ang panliligaw nito nang maaktuhan niyang may kausap na babae sa pwesto nito sa perimeter. Umaga ang shift nito noon. Sasabayan sana niya itong kumain sa karinderya sa labas ngunit ganoon nga ang eksenang inabutan niya. Mukhang may pinagtataluhan pa ito at ang babaeng prente sa pagkakaupo sa loob ng ticketing booth sa paradahan ng motor. Sadyang may bait pa din ang manlilikha sa kanya at bago pa niya ibigay ang matamis na "oo" sa lalaki ay binuksan na ang mata niya sa katotohanan. Nalaman niyang may asawa at anak na pala ang lalaki. Nagkahiwalay lang daw ang mga ito dahil sa probinsya noon nakatira ang babae kasama ang anak ng lalaki dito. Asawa nito yung babaeng nakita niya na kausap nito sa labas. It seems that they were back together. Nakipagbalikan umano ang ina ng anak nito ayon na din sa impormasyong nakalap niya mula sa kaibigang lady guard. Mula noon iniwasan na niya ang hinayupak na malanding higad na lalaking guard. Hindi na niya ito hiningan ng kung anumang eksplenasyon at hindi naman na din ito gumawa ng paraan para magpaliwanag pa sa kanya. Nakarating na din sa kaalaman nito na nagpupuyos ang kalooban niya sa ginawang panloloko nito sa kanya kaya siguro umiwas na din ng tuluyan. To think na ilang buwan din silang nagsweet-sweetan? Hindi man lang nakuha ipagtapat sa kanya ang tungkol sa mag-ina nito. Balak pa ata siya gawing kabit. She hated the idea. Until now she hates it. She hates him. At noong akala niya na nakawala na siya dito totally dahil ilang buwan na din sila di nag-uusap ay bigla naman nagparamdam sa kanya ang asawa nito at inaaway siya sa social media pa. Bigla na lang may nagmessage sa kanya sa messenger at tinatanong kung ano ang relasyon niya kay Efraim. Kung kaano-ano ba siya nito at kung bakit halos langgamin ang mga palitan nila ng mensahe noon. From what the woman was acting and the way she confronted her, alam naman niya na nabasa na nito lahat ng messages nila ng lalaki. Ewan niya kung may katangahan lang talagang taglay ang hinayupak o ano. Gagawa na nga lang ng katarantaduhan ay nag-iwan pa ng ebidensya. Ebidensyang nagturo sa kanya upang usigin ng asawa nito. Inaway-away siya nito at pinagsalitaan ng masasakit na animo ba siya ang lumapit sa asawa nito gayong nananahimik lang siya at ito ang nanligaw sa kanya at nagpakilala. She despised Efraim more ng hindi man lang siya nito nakuhang ipagtanggol sa asawa at nagmalinis. Naghugas-kamay ang lalaki at binaliktad lahat ng pangyayari sa kanila. Siya daw ang kusang lumapit dito. Lalaki lang daw ito at mahina sa tukso lalo at may sisiw na kusang magpapatuka sa manok. Inakit daw niya ito. Nakuha pa nitong imessage siya sa messenger at pagsalitaan din na kesyo bakit ko daw sinabi sa asawa nito na nanliligaw siya? Bakit ko daw sinisira niya ang pamilya nito. Ito na nga daw ang kusang lumayo. Ang kapal ng mukha nito. Nagmalinis sa mata ng asawa, sa mata ng mga kasamahan sa trabaho, sa mata ng lahat. Pinasalo sa kanya lahat ng kasalanan gayong siya ang biktima nito. Muntikan na siyang matuluyang maging kabit kundi lang niya nadiskubre ang panloloko nito. Siya pa ang lumabas na masama. Ang mang-aagaw at maninira ng pamilya. Gayong nananahimik siya at ito ang maya't-mayang mambuliglig sa kanya noon. She blocked him after that incident. Not before telling him that starting that day, she no longer knows a man named Efraim. She no longer wants him in her life. Kalimutan na nito na magkakilala sila. At kakalimutan na din niya lahat pangyayari sa buhay niya na kasama ito. And that day, umiyak siya ng umiyak sa sama ng loob. Sa galit. Inilabas niya lahat ng pait na lumalason sa puso at isip niya ng magdamag na yun. Pasalamat na lang din siya na bago pa man lumalim ang namamagitan sa kanila ay nabuking na niya ang kagaguhan nito. Wala naman siyang buburahing masasayang alaala bukod sa paglabas labas nila. Ni hindi din ito nakafirst base sa kanya. Paminsan-minsang pagdadaop lang ng kanilang mga palad kapag aalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan o hagdan. Madali niyang nakalimutan ang lalaki. Pero syempre may mga oras na sumusulpot din ito sa isip niya gaya na lamang ngayon. "So, nagugutom ka na ba? San mo gusto kumain? " pukaw sa naglalakbay niyang atensyon na si Roswald. Alangang ngiti ang lumabas sa kanya. "Ano nga ba ang gusto niya kainin? Parang di naman siya nakakaramdam pa ng gutom. Sanay din kasi siyang late lagi ang oras ng pagkain." "Ikaw? Ano bang nasa isip mo? Ano bang gusto mo kainin? Yun na lang din sakin. " sagot niya. "Allergic ka sa manok kaya hindi ko isasuggest ang KFC o kaya'y Max. Ano bang gusto mo? Light meal? Heavy meal?" usisa nito. Ikinatuwa niyang naaalala nito na hindi siya kumakain ng manok dahil sa allergy. "Matalas naman pala ang memorya ni koooooyaaaa! Hindi pa ulyanin kahit malapit na maubusan ng buhok! " hirit niya sa isip. Napangiti siya sa kagagahang naisip. Lumabas ang biloy niya sa pagkakangiti. Dahilan para mahawa na din ng ngiti ang lalaki. Kung alam lang nito na masyado na itong bugbog sarado sa wagas niyang panlalait sa isip baka isoli na siya kaagad sa pundya ng kaibigang si Kharlyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD