"Hi. How are you? It's nice to see you again!" cheerful na bati nito sa kanya.
Kumikinang ang mga mata nito. Siya lang ba nakakakita noon? O talagang parang binuhusan ng glitters ang mata nito at tila nagsasayaw pati sa saya? "No, it can't be. Masyado ka lang mapag-isip MJ. Mukhang kakanuod mo ng koreanobela yan. " saway niya sa sarili.
Nginitian niya ito. Tila sinusuri naman siya nito. Pakiramdam niya para siyang isang organism under a microscope na masusing pinag-aaralan ng lalaki. Naconscious tuloy siya sa suot.
She's wearing a maroon colored 3/4 blouse. Medyo mababa ang neckline nito sapat lang para lumitaw ng bahagya ang maputi niyang dibdib. Hindi naman mabobosohan. Safe pa din kumbaga. As if may makikita naman sayo bruha ka! Flat chested ka inday! Flat! Flat! " pang-aasar niya sa sarili.
Yun lang at pinarisan niya ito ng maong pants at sandalyas na pangyapak.
She knows she looks good. Confident na ingos niya sa isip. Kahit pa nga di talaga kalakihan ang dibdib niya. Hindi naman siya totally walang "future". Sadyang malala lang siya mang-okray kahit sa sarili niya. Iniipit niya sa tenga ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.
"Hello po. Kumusta?" kiming sabi niya dito.
"Oh, so you guys know each other already?" manghang ani Leo.
"Actually, kaya kami andito. Dinadalaw namin si Roswald. " singit ni Kharlyn.
Sa nadinig ay tila nanunukso ang mga matang binalingan ni Leo ang binata.
"Naks naman p're. O, pano ba yan mauna na ko sa inyo." tumalikod na din ito para umalis. "Mag-ingat kayo dyan kay Roswald, maloko yan!" pahabol nito bago tuluyang umalis. Nakangiti naman ito nang sinabi yun. Kaya ang dating sa kanya ay nagbibiro lamang ito.
"Kanina pa ba kayo?" baling ni Roswald kay Kharlyn
"Medyo. Naharang na nga kami ni kuya Leo. Mukhang type niya si MJ." nanunuksong turan nito. Kita sa mata ang kapilyahan. Tinitingnan siguro how the guy will react.
"Naku. Lahat naman ng babae tipo nun eh. Nagbabakla-baklaan pa nga. Istilo niya para makapanantsing." pagbubuko ng lalaki kay Leo. Siya lang ba yun? O himig nagseselos ito kay Leo?
Nginitian niya lang ito. Pinalis niya ang pag-iisip ng ganoon.
"Pano ba yan Khar? Eh wala pang 5pm. Hindi ako pwedeng magundertime. Magagalit si boss." apologetic na anito.
Sa loob-loob niya, "It's ok. Take your time. Hindi mo naman obligasyon harapin kami. Saka di naman kami magtatagal ni ate Khar. Dadaan lang daw. Ibig sabihin aalis kaagad. " nagmamalditang tugon ng kanyang isip.
Mataman siyang tinititigan ng lalaki. Nakakahalata na siya ah. Kanina pa ito wagas makatitig. "Ano? Gandang-ganda ka dyosa na nasa harapan mo nuh? Hmmm wala pang make up yan. Powder lang yan boy! " nag-uumirap na anang isip.
"Ok lang ba kung sa Mcdo muna kayo? Mainit din dito sa labas. Ayoko naman na putaktihin kayo ng mga tsismosa sa loob kaya di ko kayo mapapasok." si Roswald muli.
Sinang-ayunan naman ito ni Kharlyn. Inaya siya nito na sa Mcdo sa likod ng City hall na lamang maghintay kay Roswald. Nakita niyang inabutan ng lalaki ng perang pangmerienda ang kaibigan. Kaya siguro hindi na din nakatanggi ang babae. Nakahiyaan na lang siguro magpaalam na uuwi. Nagpatianod na lamang siya sa pag-anyaya nito.
Pinaupo na siya ni Kharlyn sa pwesto habang ito naman ay pumila para umorder ng makakain. Burger with fries at drinks ang order nila. Nakaubos na sila ng pagkain bago pa man dumating ang humahangos na si Roswald. Pasimple niyang tiningnan ang oras sa cellphone. 5:15 pm ayon dito. Hindi naman late ang lalaki. Natural na may 15 minutes na late ito dahil lalakadin pa mula opisina nito hanggang sa Mcdo. "At least hindi paimportante! " positive na bulong ng isip.
Hindi naman sila nagtagal sa Mcdo. Nagkaayaan ang dalawa na pumunta na lang sa Fairview terraces. Doon naramdaman lang daw magka-catch up ang dalawa. Pabor sa kanya dahil walking distance lang ang bahay niya sa mall na mismong pinagtatrabahuhan niya. Pwede na niya iwan ang dalawa pagkatapos. Hindi naman na siguro siya pipigilan ng mga ito. Tutal nandito sila para magkita ang dalawa. Di naman siya talaga kasali. Sabit lang siya. Salingpusa.
Nag-fx na sila byaheng SM Fairview kung saan dumadaan din naman sa katapat na mall. Kandauntog siya sa sikip ng fx. Medyo mababa ang bubong nito sa normal. Matangkad pa naman siya kaya feeling niya pag hindi siya yumuko ay mabubutas ang fx at lalabas ang ulo niya sa sasakyan. Syempre eksaherada lang ang pag-iisip niya noon. Malamang bumbunan niya ang unang mabutas sa halip na ang sasakyan. Kaya kanda-uklo siya sa pagkakaupo. Medyo mataba pa ang katabi niya sa likurang bahagi ng fx kaya ipit siya. Magkatabi naman si Kharlyn at Roswald sa tapat ng upuan niya. May nauna na kasing sakay kaya di siya nakatabi ng mga ito. Bentahe din sa kanya. Ayaw naman niya mapatabi din kay Roswald. Baka matsansingan pa siya. "Ulol. Ang assuming mo talaga 'te! " nang-aasar na namang sigaw ng isip niyang pagkakulit at pagkamaldita.
Nag-uusap ang dalawa ng mahina. Hindi niya masyado maintindihan dahil may kahinaan talaga ang pandinig niya at talaga namang maingay sa kalsada ang mga sasakyan. Hindi na niya tinangkang madinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Pagkaminsan ay nagtatama ang mga mata nila ng lalaki at nginingitian siya nito. Kiming ngiti lang din ang ibinabalik niya dito. Wala namang dahilan para simangutan niya ang lalaki. Wala itong ginagawang masama sa kanya. The guy is actually being friendly. Nagpapakagentleman din naman ito base sa mga ikinikilos.
Pinagmasdan niya ang lalaki habang abala lang itong nakikipaghuntahan kay Kharlyn.
The guy looks better than the first time they met. Refreshing ang bagong gupit nitong buhok. "Hindi halata na napapanot! Isang malaking check!" He's wearing a black shirt and maong pants halos kagaya ng pormahan ni Leo kanina. Nakarubber shoes din. Pero mas bata naman ito tingnan kay Leo at para sa kanya mas bagay kay Roswald ang ganoong pormahan. "Lakas maka-bagets!"
Kasalukuyan nyang inaassess ang kabuuang gayak ng lalaki ng magtama na naman ang kanilang mata. Nahuli ata siyang nakatingin nito. Napapahiyang nagbaling siya ng tingin sa unahang bahagi ng sasakyan. Nagpatay malisya. Itinago niya sa mahabang buhok ang mukha niya sa bahagyang pagkakayuko. Nagkasya na lang siyang tingnan ang dinadaanan ng sasakyan. Hindi heavily tinted ang fx kaya tanaw na tanaw naman ang mga tao at paligid kahit nga papadilim na din.
Nakangiting tinapunan ng tingin ni Roswald si MJ. Kanina pa nagtatama ang mga mata nila ng dalaga. At tuwing mangyayari yun ay nginingitian naman siya ng babae. Kiming ngiti. Labas ang dimple nito. Nakadadagdag sa appeal nito ang biloy. Ang sabi ng mga scientist ang dimple daw ay isang muscle deformation. Pero para sa kanya kung magkaganun man, hindi naging flaw sa kabuuang anyo ng dalaga ang muscle deformation na yun. Bagkus naging asset pa nito iyon. Pinag-uusapan nila ni Kharlyn kung paano ito magpapaalam sa babae na mauuna at maiiwan sila sa mall nang di makakahalata si MJ na pinlano nila itong magkaibigan.
Muli siyang nagkaroon ng pagkakataon pagmasdan ito ng maige ng kumiling ito patagilid at tumingin sa labas ng bintana. Tinitingnan ang mga nasa labas. He thinks he was smitten when he saw her earlier. Tila kumikinang sa kaputian ang babae kanina habang nasa labas ng opisina nila. Angat ang puti nito. Mukha siyang modern snow white sa haba ng itim na itim na buhok at sa tabas ng damit nitong pang itaas na animo nang-aakit dahil mapapatingin ka talaga sa dibdib nitong, oo nga at hindi naman nakasilip at hindi naman din kalakihan ala Rufa mae Quinto pero takaw tingin pa din dahil sa kaputian nga nito. Hindi naman mukhang bastusin ang babae kahit ganoon ang suot. Desente pa din naman kung titingnan. Sadyang malikot lang mag-isip ang kagaya niyang lalaki. Tingin niya ay yun din naman ang tinitingnan ni Leo nang maabutan niya ang mga ito. "Kupal na yun. m******s! Eh ano naman tawag sayo? Magkatulad lang din kayo eh! Kastigo sa kanya ng kanyang kunsensya. "Humahanga lang naman ako! " paliwanag niya sa sarili.
Hindi na naulit na magtama ang mga mata nila ng dalaga hanggang sa makababa na sila ng sinasakyan. Mukhang iniiwasan din nito mapadikit sa kanya. Si Kharlyn ang laging nakagitna sa pagitan nila. Hindi na siya makapaghintay na magpaalam na muna ang kaibigan para masolo niya muli si MJ. Para mas magkakilanlan na sila agad. Sisimulan na niyang kilalanin ito at magpapakilala na din siya unti-unti. Yun ang nabuo niyang plano sa isip.
Naglibot sila sa Fairview terraces mall. Dito nagtatrabaho ang dalawang babae. It's his first time to be in this place. Kung hindi lang dahil kay MJ ay baka di niya maisipan man lang dumayo doon. Nalalayuan siya sa naturang lugar. Halos dalawang oras na byahe mula sa trabaho niya. Iniisip niya kung mas mahaba din ba ang byahe kung manggagaling pa siya sa San Mateo.
Naisip niyang doon na lang sila magpunta dahil nung nakaraan ay halos takasan na siya ng dalaga pauwi. Ayaw yata nitong magpahatid. Pabor dito na malapit lang sa tinutuluyan nito ang pinuntahan nila. Para kahit di magpahatid, hindi din siya mag-aalala na baka hindi ito makauwi ng maayos. Then it struck him. "Masyado naman ata siyang concerned sa babaeng halos kakikilala palang niya? Iba na ata yan Roswald."
Napalusutan nila ni Kharlyn na kailangan sa bahay ang babae dahil masama daw ang pakiramdam ng anak nitong si Eli. Pabalik-balik daw ang lagnat kaya nagpaalam na itong mauna nang umuwi. Ibinilin siya nito kay MJ para hindi siya basta iwan na lang ng dalaga. Laking pasalamat niya kay Kharlyn sa ginawa nitong pag-papaubaya muna upang magkasolo sila ni MJ. Hindi naman tumanggi ang dalaga sa idea ng kaibigan nila. Kaya napagkasunduan na lang nila na magstay pa sa mall at inaya niya itong kumain na muna. Gabi naman na din at nakakaramdam na siya ng gutom.