Could it be L.O.V.E at second sight?

1573 Words
"I do not think that I'm easy to define. I have a wandering mind. And I'm not anything that you think I am. "- anonymous Araw ng Biyernes. Alas dos ng hapon nang magkita sila ni Kharlyn sa FCM. Dun na sila sasakay ng bus papuntang SSS malapit sa Quezon City hall kung saan nagtratrabaho si Roswald. Mabilis lang ang naging biyahe nila. Tumagal lang sila sa haba ng pila sa tanggapan ng SSS. Madaming nag-aasikaso ng kanya-kanyang papel. May nagpapaupdate ng information, may kukuha ng id, may nagchecheck ng contributions gaya niya at meron din naman na sinamahan lang ang kakilala na katulad din naman niya. Hindi naman kasi gaanong importante sa kanya ang magcheck ng contributions niya, but since nandun na siya eh yun na lang ang ginawa niya. Mabilis lang naman. Hinihintay na lang niya si Kharlyn. Hindi siya sigurado kung ano talaga ang pakay nito sa lugar. Pero nabanggit nitong tungkol sa pangalan ng dating asawa ang aayusin. Gusto ata nitong gamitin na lang ang apelyido nito noong dalaga pa siya at ipabago ang dala nitong apelyido ng napangasawa. Wala din siyang kaalaman tungkol sa pag-aayos ng mga bagay na yun dahil di pa nangyari sa kanya ang maikasal at makipaghiwalay to the point na gusto na burahin lahat ng alaala ng dating asawa. Hiwalay na kasi ang mga ito. Ilang taon na din. Hindi naman na din nagsusustento ang ex-husband nito maging sa dalawa nitong supling kay Kharlyn. Kaya siguro ayaw na din nito dalhin ang pangalan ng lalaki. Gustong putulin lahat ng kaugnayan na magpapaalala sa dating asawa. Hindi naman din niya ito masisisi. Ayon dito puro hirap lang ng loob at sakit sa ulo ang ibinigay niyon sa kaibigan noong nagsasama pa ang mga ito. Ang tanging konsolasyon ng babae ay ang dalawang anak na lumalaki namang mabubuting bata. Iyon lang ang souveniere na gusto at mahal na mahal ng kaibigan niya. "Emjiii!" tapik sa balikat niya ang nagpanumbalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. "O, 'te Khar. Tapos mo na yung inaasikaso mo? " nginitian niya ito. "Naku, ang habang process pala nun. Kulang kulang din ang dala kong papers. Hinahanapan pa ko ng marriage contract. Hindi ko na maalala san ko yun nailagay sa tagal na din na di ako naging interesado sa affairs ng ex-hubby ko. Hindi ko naman alam na darating ako sa puntong ito na mag-aayos ng mga ganyan ganyan.. " mahabang litanya nito. "Owkay.. So, ano na next agenda natin? Uwi na tayo? " tanong ni MJ. "Hindi pa. Punta muna tayo NSO. Ikukuha ko kasi ng birth certificate yung dalawang bata. Requirements sa school. Ang aarte na nga ngayon. May birth certificate naman na galing sa munisipyo, ang gusto pa authenticated by NSO. Napapagastos tuloy ako. Ang hirap na walang katuwang sa buhay. Pero naku, hinding-hindi na din ako makikipagbalikan sa hinayupak kong ex-husband! " nakasimangot nitong sabi. Naalala siguro lahat ng pinagdaanang hirap sa kamay ng dating asawa. Inaya na siya nito pumunta ng National Statistics Office. Pagdating nila sa lugar, labas palang ng tanggapan ay sobrang kapal na agad ng tao. Parang mga itik na nakapila. Babad sa araw. She can't imagine how those sweaty people smells. Nanlalagkit na sa pawis ang karamihan. Bilang nagtatrabaho siya sa perfume store, parang nangangati siya magspray ng pabango sa paligid. Natawa siya ng mapakla sa ganung isipin. Mukhang kahit makailang bote kasi siya ng spray, wala siyang panama sa tindi ng sikat ng Haring araw. Iniwan siya pansamantala ni Kharlyn sa gate lang. Ito na lang ang pumasok sa loob dahil nga sa kapal ng tao baka magkahiwalay pa sila at hindi magkita kaya pinaiwan na siya nito doon. Maya-maya pa ay bumuglaw na itong muli sa kinaroroonan niya. Patak patak na din ang pawis nito sa noo. "Maygasss emjii ang haba din ng pila sa loob. Kahit makakuha ko ng number ngayon, tiyak na papabalikin din ako sa susunod na araw, sa Lunes pala dahil Biyernes na nga pala ngayon.. Hindi ako papayagan ni witch na magoff nun. Alam mo naman yun si "hadlang" sa lahat ng plano ko sa buhay. " tila hapong litanya nito. "Mabuti pa, halika na muna sa City hall. Wala na eh, di na din ako makakapila dyan. Puntahan na lang natin si Roswald sa opis niya. Alam niya din kasi na pupunta ko dito, baka sabihin hindi ko man lang siya sinilip." yakag nito sa dalaga. Sunud-sunudan na lang si MJ sa mga pangyayari. Mainit nga. Baka medyo malamig sa gusto nito puntahan kaya di na din siya nagreklamo. Isa pa nabanggit naman na nito na baka nga magpunta sila doon matapos ang mga aasikasuhin nito. Napaaga nga lang. Pasado alas kwatro palang ng hapon. Ang alam niya alas singko ang uwian ng mga nagtatrabaho sa gobyerno. Maaabutan pa nga nila ang lalaki kung ganun. Ipinagwalang bahala lang niya. Ilang araw na din naman ang nakaraan mula nung huli silang nagkita ng lalaki. Baka nga di naman siya matandaan nito. Dinismiss niya ang idea na yun. Imposible naman na isang linggo palang ang nakakaraan eh nagkaamnesia na ito bigla at di man lang siya matandaan. Kahit naman siguro sampung taon ang tanda nito sa kanya eh malayo pa naman ang edad nito sa pag-uulyanin. "And why are you thinking of him suddenly, Ma. Janella? Hmmm? Why do you care kung matandaan ka niya o hindi? Type mo ba yung bansot na gorilyang iyon? " kastigo sa kanya ng isip. Kandadilat na nilakihan niya ng mata ang isip. As if, may sarili itong buhay at nasa harapan lang niya. "Uy brain, umayos ka dyan.. Hindi ko type yun nuh! " Napalingon sa kanya si Kharlyn habang nakikipag-away siya sa sarili. Kandatawa ito ng makitang nanlalaki ang mata niya. "Ano ba yan, jay. Naaaning ka na naman dyan. Haha! " anito. Natawa na lang din siya sa sarili. Kung alam lang nito kung anu-ano ang tumatakbo sa isip niya simula palang nung makilala niya ang kaibigan nito. Baka tumambling din ito kakatawa sa wagas niyang pang-ookray sa lalaki. Hindi nga ba't mula ulo hanggang paa ay kinilatis na niya ito? Walang nakaligtas sa mapanuri niyang mata. Matang lawin ayon kay Kim Atienza. She composed herself ng makarating sila sa building kung saan nandun din ang opisina ni Roswald. Hindi pa man sila nakakarating sa mismong opisina nito nang maharang si Kharlyn ng isang dating kakilala. Nakalimutan niya. Dati nga palang doon ito nagtatrabaho. Kaya malamang madami itong kakilala sa lugar na iyon. At di maiiwasang magkamustahan sa tagal na din na di doon nagtatrabaho ang babae. "Kharlyn, is that you?!" masayang bungad bati ng isang lalaking nasa mid-40s sa tantiya niya. Nakasuot ito ng black t-shirt, maong pants at rubber shoes. Rugged-looking, or trying hard at that kasi di naman ito mukhang bagets. Malaking lalaki ito na di mo malaman kung bakla ba o hindi. Sa tingin niya may bahid kasi ng kabaklaan ang pagpihit ng ulo nito pati na din pilantik ng kamay. "Ang sagwa. Laking bakla!" aniya sa isip. Well, she has nothing against LGBT people but the way this man in front of her acts, yaikss. Weird. Bakla ba ito? Eh bakit parang tsinatsansingan na ang kaibigan niya sa paghawak hawak ng kamay? Tumahimik lang siya sa tabi at nakikinig sa usapan ng mga ito. At baka kung saan pa lalo makarating ang lagi niyang nagmamalditang utak. Lahat na lang napapansin. Buti na lang hindi niya nasasabi kung ano ang laman ng isip niya. Kung hindi, naku.. "she and her wicked brain" plus her mouth.. Yari na siya. Madami siguro siyang makakaaway once ibinuka niya para magsalita ang bibig niya. Kaya mabuti na din na tahimik talaga siyang tao. Matagal na silang nakatayo sa labas, malapit sa hagdan at nasa bandang likod lang siya ng kaibigan nang pansinin siya ng lalaking humarang kay dito. Leo daw ang pangalan. Base sa pagkakadinig niyang itinawag dito ng kaibigan. "Well, who's this beauty? Kasama mo ba siya Kharlyn? Kapatid o pamangkin mo?" nakatuon na ngayon ang buong pansin nito sa kanya. Nakangiti. She smiled back. Pero deep inside, awkward na awkward siya sa klase ng pagkakatingin at pagkakangiti nito. Parang gusto na siya lunukin ng buhay. "Yaikss!" "Ah, kuya Leo, si MJ. Kasama ko sa bago kong trabaho. MJ, si kuya Leo. Isa ito sa mga close ko dito noon pa man. " pagpapakilala ng babae sa kanya kay Leo. Inilahad nito ang palad para makipagkamay. Tinanggap naman niya iyon. Kabastusan naman kasi kung iignorahin lang niya. Kahit na hindi niya feel ang lalaki. Nagshake hands sila. "Hello po! " tanging nasabi niya sa pagkailang. Iniiwas na niya ang kamay matapos makipagkamay nito. Mahirap na at baka pisil-pisilin din siya nito gaya kay Kharlyn eh masapak pa niya ito. Ayaw niya ng hinahawak hawakan siya basta lalo na at lalaki. Pinagbigyan lang niya ang pakikipagkamay nito dahil nakaharap ang kaibigan. Ayaw niyang napupulaan siya. Nasa ganoon silang posisyon nang nadatnan sila ng palabas sa pinto na walang iba kung hindi si Roswald. Ang lalaking pakay naman talaga nila puntahan. He smiled upon seeing her. O siya lang ba nag-iisip na sa kanya ito nakangiti? Baka naman kay Kharlyn, masyado lang siya assuming? Luminga siya sa katabi saka muling binalik ang tingin sa binata. Lumapit na ito at nakisali sa usapan ni Kharlyn at Leo. Mini-reunion nilang tatlo kumbaga. Nao-op na siya. Bago pa siya tuluyang ma-out of place ay binalingan naman siya ni Roswald.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD