bc

Gusto Kita pero Mahal Ko Siya

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
sensitive
drama
comedy
gxg
bisexual
serious
ambitious
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang ay alam na ni Charity Caluzo na hindi siya straight na babae, pero itinanggi niya ito sa sarili dahil alam niyang hinding-hindi siya matatanggap ng kanyang ama, lalo na't nag-iisang anak siya na babae at bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. Matalik niyang kaibigan si Calvin Villa mula pa noong mga bata pa sila, dahil sa closeness ng kanilang mga magulang. Sa kanilang pagiging malapit, nagsimulang mapansin ni Calvin ang kakaibang kasarian ni Charity at unti-unting nakumpirma at nadiskubre na kinikilig si Charity sa mga babae pati na rin ang napansin niyang mas attracted si Charity sa mga babae. Hanggang sa mas lumakas ang pagkahumaling ni Charity sa mga babae matapos niyang makilala ang isang bisexual na nagngangalang Zyrah Natividad. Layunin ni Charity na matuloy ang relasyon nila ni Zyrah nang hindi nalalaman ng kaniyang mga magulang kung kaya't nais niyang umarte na parang may boyfriend siya sa harap ng publiko, kaya humingi siya ng tulong sa kaibigang si Calvin. Tinanggap ni Calvin ang hiling ni Charity kahit alam niyang masasaktan siya dahil sa pag-aalala at pagmamahal niya kay Charity ngunit, mananatili kayang masaya at payapa ang relasyon nina Zyrah at Charity? Paano na lamang kung mayroong magbalik na konektado sa buhay ni Zyrah, ang kaniyang ex-boyfriend na si Marco. Magkakaroon ba nang pagbabago sa pagmamahalan nilang dalawa dahil kay Marco? At paano na lamang kung malaman na ng mga magulang ni Charity ang patungkol sa tunay niyang kasarian? Matatanggap ba siya nito? o itatakwil at pababayaan na lamang.

Halika na! Samahan natin si Charity kung papaano siya patatatagin at gagawing matapang sa mga hamon ng buhay niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1- Unang Sulyap
Charity's POV "Ay! P*t*!" pasigaw akong napamura nang magkasalubong kaming dalawa nitong si Calvin. Nagka-untugan kasi kami sa noo. Paano ba naman paglabas ko ng pintuan ng kwarto ko ay nandoon na rin pala siya. Hindi ko man lang narinig ang paglalakad niya patungo rito sa kwarto ko. "Bunganga mo naman! Grabe ka ang aga aga mura mo agad ang almusal ko." kunot noong pag-angal niya habang sabay pa rin kaming naghahaplos sa pareho naming noo. "G*g* ang sakit kaya! Bakit ba kasi hindi ka man lang nagsabi na nandiyan ka na pala sa harap ng pinto. Ayan tuloy, magkakabukol pa yata tayong dalawa sa noo nito. Ang agang bukol naman nito." sagot ko naman. "Hay, tara na nga. Hindi 'yan magbubukol. 'Wag kang OA diyan. Ako nga may bukol na hindi man nagrereklamo." sabi pa niya sabay dahan dahang tumingin sa ibaba ang loko. "Hoy! Ang aga aga! Bastos!" sigaw ko sabay hampas sa kanya. Paano ba naman 'yung bukol na tinutukoy niya ay 'yung ari niya. Nasisiraan na yata 'to. "Hahaha. Pasensya ka na, nilalamig kasi eh. Alam mo naman, kakaligo ko lang tapos nakabukas pa aircon ng kwarto mo napakalamig." sagot naman niya sabay hawak pa rito. Dali-dali naman akong lumabas nv tuluyan sa kwarto ko sabay sarado ng pintuan. Paano ba naman kasi nasa mismong pintuan kami nag-uusap. "Hay nako." Buntong hininga ko sabay irap sa kaniya at sabay na rin kaming naglakad para bumaba na. "Mama! Alis na po kami ni Calvin!" sigaw ko nang makababa na ako sa sala at upang makapagpaalam na rin sa kaniya. "Alis na po kami, Tita!" sigaw din naman ni Calvin. Pero wala naman kaming narinig na sagot mula kay mama. "Hay, baka nasa banyo pa siya kaya hindi tayo marinig. Paalam na lang ako kay Kuya." sabi ko sabay pumunta ako sa kusina at nandoon pa naman ang panganay kong kapatid na si Kuya Charlie. "Kuya, alis na po kami. Hindi kami narinig ni mama eh. Baka ma-late na kami sa trabaho." pagpaalam ko. "Sige po, Kuya. Una na po kami." pagpapalam na rin naman ni Calvin sa kaniya. "Sige, sige. Ingat kayo." sagot naman nito sa amin. Lumabas naman na kami ni Calvin ng bahay at sumakay na sa sasakyan niya. Wala pa kasi akong sariling sasakyan kaya nakikisakay muna ako kay Calvin. I mean sa sasakyan niya. Nang makasakay naman na kami ni Calvin sa kotse niya ay sabay kaming napahawak sa ulo namin, partikular na sa noo naming dalawa. "Ang sakit naman nang ginawa mo, Char!" sigaw pa niya sa akin sabay nakatingin pa siya ng masama sa mga mata ko. Hay nako, akala mo naman siya lang nasaktan. "Okay, sorry, sorry ha?" sarkastiko kong sagot sa kaniya. "Parang siya lang naman ang nasaktan kung makapagsalita. Bwisit." pabulong ko pa. "Narinig ko 'yun." sabi pa niya. "Sorry, okay? Alam kong hindi mo naman sinasadya na mabunggo ako kanina, pero kasi... ang sakit lang. Medyo namumula na rin siya oh." pag-iinarte pa niya habang nakatingin sa salamin sa harap ng sasakyan niya. "Nasan? Pakita nga?!" sigaw ko sabay iniharap ko 'yung mukha niya sa akin. "Hmm... Medyo namula nga. Sa akin din kaya." dagdag ko pa. Sabay pinagmasdan ng ilang segundo ang noo niya at napatingin sa mga mata niya. "A-ah... E-eh... Tara na nga!" sabi niya sabay iwas na nang tingin sa akin. Problema nito? Sabay nag-drive na nga siya paalis ng bahay. Papasok na nga pala kami ngayon sa trabaho. Halos two years na nang simula kaming magtrabaho ni Calvin. We're working at a perfume company named Fragrantella. Si Calvin and ako ay nagtatrabaho as Human Resouce Manager. "Hi, dude!" bati naman ni Gio kay Calvin nang makarating na kami sa company building. By the way, si Gio ay ka-age lang namin ni Calvin. Classmate namin noon during High School si Gio but hindi na siya nag-college dahil sa financial problems. Close friend din naman ni Calvin si Gio kaya naman si Calvin ang dahilan kung kaya't nandito ngayon si Gio sa Fragrantella. I mean, si Calvin ang nagpasok kay Gio dito as a one of the Security Guards ng building. "Sige dude akyat na kami sa office." pagpapaalam na ni Calvin sa kaniya. "Good morning again, Gio. Akyat na kami." pagpapaalam ko rin naman. "Sige, sige po. Mga Ma'am and Sir." pagbibiro pa niya sa amin ni Calvin habang nakangiti. Ngumiti lang din naman kami pabalik sa kaniya sabay lumakad na kami ni Calvin papuntang elevator. Pagpasok naman namin sa elevator. Nagulat kami ng may biglang humarang sa pintuan nito dahilan upang bumukas muli 'yung elevator. "Oh my God! Oh my God! Sa wakas nahabol ko pa! Sh*t! Kainis! Ang traffic naman kasi!" narinig kong sigaw nito. Nahulog kasi 'yung I.D ko na naka-clip sa may uniform ko kaya pinulot ko ito. Pagtungo ko naman ay nakita kong isang babae pala 'yung humabol sa pagsara ng elevator kanina. Hingal na hingal pa ito habang inaayos 'yung damit niya at 'yung buhok niya. Nakatingin lang naman ako sa kaniya. Pinagmamasdan ko siya habang bumubulong bulong pa ito. Napakaganda niya. Napaka-cute niya. Basta. Simple lang 'yung mukha niya. May mahabang buhok, maputi, medyo ka-height ko lang din siya na 5'4 feet, at higit sa lahat... "Ang bango." sabi ko. Nagulat naman akong bigla nang mapatingin siya sa akin at napatigil ito sa pagsusuklay ng buhok niya gamit ang kamay niya. Natawa naman ng bahagya si Calvin. Bakit naman tumatawa 'tong mokong na 'to? "Ah... Hi?" nahihiyang bati ko doon sa babae. Ngumiti lang naman siya sa akin kaya naman hindi na ako nagsalita pa. Oo na. Mabango nga naman kasi talaga siya. Kainis lang. Kung bakit lumabas sa bibig ko 'yung gusto ko lang sabihin sa isip ko. At medyo napalakas pa yata. Pero, medyo suplada yata siya. Paano ko nasabi? 'Yung ngiti niya kasi hindi ngiting masaya, I mean parang sarkastiko. Maganda pa naman. Sayang lang. "Ting!" tunog naman ng elevator. Kaya naman pagbukas ay dali dali na ring lumabas 'yung babae. Habang kami naman ni Calvin ay nagtinginan sa isa't-isa. Tinignan ko naman siya ng masama. "Ikaw ha! Tumatawa ka pa kanina. Baka isipin nung babae tinatawanan mo siya o natin siya." sabi ko naman sa kaniya. Inakbayan naman niya ako. "Ikaw naman kasi. Alam kong iniisip mo na napakabango nung babae kanina sa elevator. Pero... hindi mo na yata napigilan kaya lumabas na rin sa bibig mo." nakangiting sabi niya. Napakamot naman ako sa ulo ko sabay ibinaba ko na 'yung kamay niya nakaakbay sa akin. "Oo na. Ang bango bango naman kasi. Wala lang... tsaka kasi..." napatigil akong bahagya sa pagsasalita ng pumasok muli sa isip ko 'yung itsura nung babae kanina sa elevator. "Kasi?" nakaabang na tanong pa ni Calvin sa akin. "Kasi ang cute din niya... Kaso mukhang suplada naman, kaninang binati ko, hindi man lang sumagot, ngumiti lang. Ngumiti na parang emoji na fake 'yung smile." sagot ko naman. "Oo na, kahit ako naamoy ko siya, mabango naman talaga. Pero mas maganda ka pa dun!" sabi naman niya sabay tusok niya sa tagiliran ko gamit ang isang daliri niya dahilan para makiliti ako nang bahagya. "Calvin!" sigaw ko sabay tumakbo naman na siya. "Ssshhh... Baka may nag-mimeeting, quiet ka lang Charity." paalala pa niya nang maabutan ko siya. Kaya naman napatikom agad-agad ang bibig ko habang nakakunot pa ang noo ko at diretsong nakatingin sa kaniya. "Humanda ka talaga sa 'kin. Ako ang kikiliti sa 'yo mamaya hanggang sa mapahiga kang loko ka." pagpapaplano ko pa. Hilig niya kasi ang ganiyan, ang mangiliti. Pero minsan, ewan ko ba. Parang ang awkward. Lalo na at hindi na kami mga bata pa tulad ng dati. Hay, ewan ko ba sa 'yo, Calvin. ITUTULOY...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook