CHAPTER 2- Don't know what to feel

1286 Words
Charity's POV   "Kainis ka! Bakit ba nangingiliti ka na lang bigla bigla." nanggigigil na sabi ko kay Calvin nang makapasok na kami sa loob ng office.    Magkatabi lang naman 'yung office naming dalawa,  I mean 'yung working area namin.     "Hindi ka pa ba nasanay sa 'kin?" nakangiting tanong pa niya.   "Hay nako!" 'yan na lang naman ang naisagot ko sa kaniya.   "Oh, ano na naman 'yang dahilan ng sagutan niyong dalawa ha?" tanong naman ni Valerie, isa sa mga katrabaho namin nitong si Calvin.   "Ah wala wala. Ito kasi nasanay nang nangingiliti na lang bigla bigla. Ang ingay ko pa naman kapag ganun, baka mamaya may nag-mimeeting tapos narinig 'yung bunganga ko. Paano na lang?" paliwanag ko naman sa kaniya.   Ngumiti lang naman si Valerie sa aming dalawa. Kami pa lang namang apat 'yung nandito sa office, kasama si Louise, katrabaho din namin na busy na nag-aayos ng gamit niya.   "Lambing lang ni Calvin 'yan, Char!" sigaw naman ni  Louise.   Napataas naman ang isang kilay ko.   "Oo nga naman. Baka naman kasi ganoon lang maglambing si Calvin sa 'yo! Yhie!" gatong pa ni Valerie.   Nagkatinginan naman kaming dalawa nitong si Calvin.    Nagkibit-balikat lang naman siya habang nakangiti pa.   "Oo na! Sige na nga!" nakangiting sigaw pa niya.   "A-ano?" nauutal na tanong ko.   "L-lambing mo 'y-'yun?" dugtong ko pa.   "Oo. Lambing ko 'yun..." sagot niya sabay huminto ng ilang segundo at nagsalitang muli.   "As a friend." dagdag niya sabay kindat sa akin.   "Hay nako Calvin! Ewan ko ba sa 'yo!" natatawang sabi naman ni Valerie.   "As a friend nga ba?" pang-aasar pang muli ni Louise.   "Magtrabaho na nga tayo! Ang aga aga eh bakit kayo ganiyan?" nakasimangot kong tanong sa kanila.   "But, thank you sa lambing mo na 'yun Calvin, as a friend." sabi ko pa sabay umupo na rin ako at humarap sa laptop.   Hanggang sa nagdatingan na rin naman ang iba pa naming katrabaho at tama nga si Calvin, mayroon ngang meeting kanina.   Madadaanan kasi 'yung room kung saan nag-mimeeting 'yung mga boss namin bago makarating dito sa office namin.   Ilang oras pa ang lumipas at lunch time na rin namin ngayon.   "Oh, sabay na kayo?" tanong ni Valerie sa akin.   Tumango naman ako. "Wait tanungin ko lang si Calvin." sabi ko sabay dumating na rin naman si Calvin galing Comfort Room.       "Ano Calvin? Sabay na tayo sa kanila?" tanong ko naman sa kaniya.   "Ikaw? Gutom ka na ba?" tanong naman niya sa akin.   Tumango naman ako sabay sabing, "Yhup."    "Okay! Tara na!" sabi niya sabay akbay sa akin.   "Sana all may KAIBIGANG ganiyan kay Calvin!" sigaw naman ni Louise.    "True! Calvin ang sarap mo naman maging BESTFRIEND." nakangiting sabi naman ni Valerie.   Hay nako, ito talagang dalawang 'to. Simula pa nung una ganiyan na sila sa amin ni Calvin.   Magkaibigan lang kami nito no!   "Hanap din kasi kayo ng tulad ni Calvin." sagot ko naman habang nakangiti.   "Oo nga. Pero I guess wala yata akong katulad. Hindi ba Char?" tanong pa niya sa akin.   Halos lahat din yata sila Char ang tawag sa akin. Ewan ko ba, medyo pangit pakinggan minsan.    Char! Hello! Parang biro lang no? Pwede naman kasing buuin na lang eh, Charity!    "That's right! Isa ka lang kasi, and I'm so thankful talaga na may Calvin akong bestfriend." sagot ko rin naman.   "Katamis naman! Bwisit Louise!" natatawang sigaw pa ni Valerie bago kami makasakay ng elevator.   Umiling-iling na lang naman kami ni Calvin.   Habang nasa loob naman kami ng elevator ay biglang namatay ang ilaw.   "Sh*t!" sigaw ko. Ilang segundo lang naman ay hinawakan ng mahigpit ni Calvin ang isang kamay ko.   "Don't panic okay? Baka nagkaproblema lang saglit ." sabi naman niya.   "Hala naman! Gutom ka na nga tapos ganito pa." malungkot na sabi pa ni Valerie.   "Maayos na rin 'yan." sabi pa ni Calvin and ilang minuto lang naman at bumalik na rin ang kuryente.   "Yown!" sigaw nila Louise at Valerie.   Napangiti naman ako sabay napatingin kay Calvin.   "Oh 'di ba? Nagpa-panic kasi kayo agad." nakangiting sermon pa niya sa amin.   Napatingin naman sa mga kamay namin sila Valerie at Louise sabay nguso pa nila.     "Oh maliwanag na! Kitang-kita na!" ayan na naman po.    Kaya naman bigla kong hinablot ang kamay ko kay Calvin.   "Tumigil na nga kayo diyan! Nagugutom na rin kayo 'di ba? Kaya manahimik na lang kayo." nakangiting sabi ko pa. Nakangiti lang naman itong si Calvin.   Ganiyan lang naman 'to eh, hindi niya sinesermonan 'yung mga nang-aasar saming dalawa.    Tahimik lang kumbaga.   "Eto na nga tatahimik na ako, pero 'yung tiyan ko nag-iingay na." sabi ni Louise.   "Hay, same here." sabi pa ni Valerie.   Hanggang sa nakarating na rin kami sa ground floor at bumukas na rin ang elevator.   Dali-dali naman kaming lumabas ng elevator at napatingin naman ako sa main door ng building at...   Kumunot ang noo ko at medyo napangiti sa nakita ko.   Nakita kong muli 'yung babae kaninang umaga na nakasakay namin ni Calvin. 'Yung babaeng mabango.   Papabalas na siya ng building.    "Nagtatrabaho rin kaya siya dito?" tanong ko sa isip ko.   "Huy! Tara na! Akala ko ba gutom ka na rin?" bulong sa akin ni Calvin. Napatingin pala ako ng ilang minuto sa labasan.   "Sino bang tinitignan mo dun?" tanong pa niya.   "Ah wala. Tara na!" aya ko na rins a kaniya sabay hinawakan ko na 'yung kamay niya at lumakad na para sundan na sila Valerie at Louise na medyo nauna na sa amin.   Dito rin kaya nagtatrabaho 'yun? Pero... nakasibilyan lang siya kanina eh, sabagay pwede naman magsibilyan na damit minsan.    Hay, sana makita ko siya ulit para matanong ko kung anong pangalan niya.    Ewan ko ba? Parang gusto ko lang siyang makilala.   Nang makaupo naman na kami ni Calvin ay kumain na rin naman kaming dalawa.    'Yung dalawa nahiwalay sa amin ng table dahil madami dami na rin ang mga tao kanina dito sa Canteen pagdating namin. Kaya ayun, hindi kami magkakasama sa isang table lang.   Magkaharap naman kaming kumakain ngayon ni Calvin.   "Hi, Calvin!" bati ni Bianca sa kaniya. By the way, si Bianca nga pala 'yung madalas lumalapit lapit dito kay Calvin.    Humaharot harot ba hahaha. Pero, ewan ko ba kay Calvin kung bakit hindi niya madalas pinapansin itong si Bianca. Mabait naman siya, and mother niya 'yung parang cook or chef dito sa building particularly dito sa canteen.      Medyo makulit nga lang si Bianca.   "May gusto pa ba kayo?" tanong pa niya sa amin.   "Ah, wala na. Okay na kami." nakangiting sagot pa ni Calvin.    "Thank you for asking, and yhup, okay na kami dito." sagot ko naman.   "Hmmm... Kahit ice cream? Ayaw niyo?" tanong niya pa muli.   Umiling naman kaming dalawa ni Calvin habang ngumunguya pa.   "How about 'yung bagong desert? Cupcakes and donuts?" tanong niya na naman.   Nilakihan naman na ako ng mata ni Calvin, meaning naiirita na siya at ako na lang ang sumagot o magsalita.   "Ah, next time siguro Bianca." sagot ko naman habang patuloy lang naman sa pagkain si Calvin.   "Biancs!" tawag naman na nung kasama niya sa kaniya.   Kaedad lang naman namin si Bianca and Chef din siya katulad ng mother niya, ewan ko lang kung bakit dito na rin niya napiling mag-work and mag-stay.   "Wait!" sigaw niya.   "Oh, kapag need niyo ng something ha? Calvin, nandoon lang ako sa kitchen." bilin pa niya.    Pilit namang ngumiti si Calvin at tumango.   "Okay, thanks!" sagot ko naman sabay lumakad na rin naman siya palayo.   "Suplado mo talaga dun kay Bianca no?" tanong ko pa kay Calvin.   "Ewan ko ba, nakukulitan lang kasi talaga ako sa kaniya kapag ganiyan eh." sagot niya.   "As always." dagdag ko pa.   Hanggang sa nagpatuloy na lang din naman kami sa pagkain at nakita kong naka-focus lang din naman sa pagkain sila Louise at Valerie.       ITUTULOY...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD