Calvin's POV
I know there's something strange about her. Pero... ewan, I don't have enough self-confidence to confront her.
I don't know how either.
"Bye!" pagpapaalam na namin sa iba naming katrabaho.
"Bye, Ma'am, Sir." pagpapaalam na rin namin ni Charity sa iba naming boss habang papalakadna kami palabas ng office namin.
"Bye! See you again, tomorrow!" pagpapaalam na rin nila.
Nang makasakay naman na kami ni Charity sa elevator kasabay ng ibang tao dito sa building ay napasandal naman siya sa balikat ko at napapikit.
"You look so tired. Sabagay, ang daming bagong trainees ngayong week na 'to." bulong ko.
"True." maikling sagot naman niya.
Hindi naman na ako kumibo pa at hinayaan ko na lang naman siya.
Ilang minuto lang din naman at nakarating na rin kami sa baba ng building at nang makasakay ba rin kami sa kotse ko ay tahimik lang kaming dalawa.
7:00 pm na rin naman ngayon. 8:00 am kasi ang start ng work namin and 7:00 pm na kami nakakalabas o nakakauwi. Bale in a week kasi nasa 50 to 60 hours ang working hours namin in total.
Habang nasa byahe naman kami ni Charity ay umiglip lang naman siya at hinayaan ko na lang din naman. Ganiyan kasi siya lalo na kapag pagod talaga siya. Tahimik at itutulog na lang niya.
Ilang minuto lang naman ang layo ng bahay namin ni Char papunta sa Fragrantella Company. Mga nasa kulang 1 hour siguro or 45 minutes.
Kaya naman sinindihan ko rin 'yung audio dito sa kotse ko para mas ma-relax naman si Char. Ako kasi medyo okay lang naman kanina 'yung mga training, kaya ko naman i-manage kahit papano.
Hanggang sa ilang minuto pa at malapit na rin naman kami. Kaya naman ginising ko naman na rin si Charity.
"Char, gising na. Malapit na tayo." sabi ko habang kinakalbit kalbit siya.
Pero mukhang tulog mantika na naman siya kaya ayan. Mahirap na naman gisingin at hinayaan ko na lang muna.
Nang nasa harap naman na kami ng bahay nila ay dahan dahan ko na munang inalis 'yung seatbelt niya.
"Huy! Anong ginagawa mo?" nanlalaking tanong niya nang magising siya bigla.
Napatitig naman ako sa mga mata niya.
Sobrang ganda talaga ni Charity.
"Calvin. Huy!" sabi niya pa kaya naman bumalik na ako sa wisyo. Nagulat ako at nakapayakap pala ako sa kaniya.
"Ah, eh... K-kasi... h-hindi kita magising kanina, so I-I decided na tanggalin na muna 'yang seatbelt mo, and ayan nagising ka na rin. Tulog mantika." pagpapaliwanag ko naman sa kaniya.
Ito na naman 'yung feeling na 'to. D*mn.
"Ah, ganun ba. Sorry na ha? Alam mo naman, mas malalim pa sa balon kung matulog 'tong kaibigan mo. But, thanks. Antok na kasi talaga ako Calvin." sagot naman niya.
Ngumiti lang naman ako.
"Oh siya. Tara? Hatid na kita sa loob." sabi ko pa. Tumango naman siya sabay bumaba na kami ng sasakyan.
"Hay grabe dami kong naturuan na mga trainees kanina. Bukas na naman niya ulit." kwento pa niya.
"Hindi ka pa ba sanay haha. Of course malaking company ang pinagtatrabahuhan natin so, expected na. Mas madami nga lang ngayon ang mga trainees." sagot ko naman.
"True." sagot niya.
Hanggang sa naihatid ko na rin naman siya sa loob ng bahay nila at nagpaalam na rin ako sa parents niya.
Nang makauwi naman na ako ay nag-shower muna ako bago mag-dinner.
Ilang oras pa ang lumipas at habang naghahanap naman ako ng susuotin kong pang-itaas na damit ay nakita ko 'yung wallet ko noong college pa ako.
"Woah, nandito pala 'to." nakangiting sabi ko pa, and then I open the wallet.
Nakita ko namang may lumang 500 pesos pa sa wallet ko.
"Sabi nila kapag may ganito daw mag-asawa na hahaha. Girlfriend nga wala pa, asawa pa kaya? Sabi lang nila 'yun." natatawang sabi ko pa habang hawak hawak 'yung dating 500 pesos na 'yun sa wallet ko.
I remember na sukli ko pa 'to nung nanood kami ng sine noon sa mall nila mommy at daddy. Wala lang hindi ko na siguro naisipang gastusin kaya nabulok na dito sa wallet ko.
Sinoli ko naman na 'yung lumang pera na 'yun sabay kinalkal ko pa 'yung ibang pockets ng wallet na hawak hawak ko.
"Sh*t ang pangit ko pa dito haha. Charity... hindi pa rin nagbabago. As simple as before." nakangiting dagdag ko pa.
Nakaipit kasi sa wallet ko 'yung picture namin ni Charity noong Social Night namin.
Of coarse, si Charity ang ka-partner ko that night. She's so simple. Ewan ko ba, kahit na hindi siya ganoon kaayos sa sarili niya, or hindi siya mapag-ayos katulad ng ibang mga babae, ang ganda ganda pa rin niya.
She's so natural.
Magandang Dilag talaga.
Napailing-iling naman ako.
"What if..." sabi ko habang nakatingin sa picture naming dalawa, particularly kay Charity.
"Pero... Bakit ba kasi ganiyan ka Calvin?" tanong ko pa sa sarili ko.
"Oh sh*t!" sigaw ko nang biglang kumapit sa binti ko 'yung alaga kong aso. Kaya naman tinabi ko na rin 'yung lumang wallet ko.
Nagulat naman ako dito kay Cally. Ang tahimik kasi parang ako lang minsan.
Umupo naman ako at kinuha si Cally. Cally is a samoyed dog. Yhup samoyed ang breed niya.
"Cally ha, nanggugulat ka. Don't worry, sa Sunday magpupunta ulit tayo sa gym okay? Makakalabas ka na rin ulit." nakangiting pakikipagusap ko sa alaga kong aso.
"Arf! Arf! Arf!" pagtahol naman niya.
"I think that's a 'yes'. Kaya naman, magbibihis muna ako Cally okay? Nakakahiya naman at nakikita mo ang abs ko. Baka maglaway ka na naman diyan. Mahirap na. Magdudumi ka dito haha." biro ko pa kahit alam kong hindi naman niya ako naiintindihan.
Binaba ko naman na si Cally at nagbihis na nga ako. Nagsuot lang ako ng white na sando at naghiga na rin naman ako sa kama ko.
Paghiga ko naman ay kinuha ko naman na ang phone ko at nag-message ako kay Charity.
"Mag-alarm ka ng malakas ha? Ms. Tulog mantika. Mahirap na baka bukas magmadali ka na naman at magkauntugan pa tayo." message ko sa kaniya.
Ilang minuto lang naman at nag-reply na rin naman siya.
"Thanks for reminding me haha. Oo na, noted 'yan. Palagi. Sorry sa maliit na bukol sa noo natin hahaha." reply naman niya.
Napahawak naman ako sa noo ko at oo, may maliit na bukol nga and medyo masakit din.
Hanggang sa nagpalitan pa kami ng conversation ni Charity.
Ilang oras lang din naman ang lumipas at nakatulog na rin naman ako.
ITUTULOY...