Kabanata 1

1386 Words
Hinatak niya ang kamay ko dahilan upang mapaupo ako sa kandungan niya. Halos malaglag ang dala kong basket na punong-puno ng bulaklak, mabuti na lang at nasalo niya. Ipinatong niya iyon sa kandungan ko at hindi sinasadyang masagi ang aking hinaharap. Nagulat ako pero hindi naman ata niya sinasadya. Napatitig ako sa kamay niya nang ihawak niya iyon sa bitbitan ng basket. Hindi ko maiwasan bigyan ng pansin ang maputi at maugat niyang kamay. “What are you looking at?” nakagat ko ang ibabang labi sa kasungitan niya. Iyong tipong gusto kong sumagot ng pabalang pero hindi ko magawa kasi boss ko. Gusto kong mag-iwan ng magandang impression kaya hangga’t maaari magtitiis mo na ako. Ayoko pa naman masisante kaagad at baka si nanay ang i-target niya. “Tinatanong kita, Aza. What are you looking at?” Napapikit ako ng mariin nang hawakan niya ang aking panga paharap sa kanya. “Uhm, your beautiful hand, Sir.” Sagot ko saka dahan-dahan nagmulat ng mata na pinagsisihan ko. Nanlambot ako bigla sa paraan ng paninitig niya sa akin. Pakiramdam ko hinihigop ng mga mata niya ang enehiya sa katawan ko. “So, you find my hand beautiful huh? How about my face?” he asked full of authority. Hindi ako aware na magre-rate pala ako ng physical appearance rito. Ililipat ko sana ang tingin ko nang higpitan niya ang pagkakahawak sa aking pa nga. “Subukan mong ilihis ang mata mo, dudukutin ko iyan.” Napalunok ako ng wala sa oras. Kaya niyang dumukot ng mata? Leche! Of course he can, Ruscov iyan eh. They can do whatever they want with their power. No one can mess up with them dahil paniguradong bul4gta sa sahig. Sobrang taas ng tingin sa kanila ng mga tao dito sa Bukidnon.Pakiramdam ko nga sila iyong nakahawak sa pagiging mayor dahil panay punta sa kanila ang mga tao para maghiram ng kung anu-ano imbes na sa opisyal. Gahaman ang mga nakaupong opisyal dito sa amin kaya hindi na ako magugulat kung isang araw mapaalis sila. Ruscov family will fit in the position, but I don’t think insteresado sila sa politika. Base kasi sa narinig ko puro sila pagpapatakbo ng kumpanya at business, hindi lang sa pilipinas kundi sa iba’t-ibang sulok ng mundo. “Aza,” nabalik ako sa realidad sa bigat ng boses niya. “You’re not being attentive. Gusto mo bang masisante agad?” “H-hindi po, na-starstruck lang po ako sa ganda ng mukha niyo.” Pagdadahilan ko na ikinataas ng kilay niya. “Kung siguro po i-re-rate ko ang itsura niyo, nasa 9/10.” Nakakahiya ang pinagsasabi ko rito. Wala na kasi akong maisip na idadahilan. Ikaw ba naman titigan ng gano’n kalalim na akala mo hinuhukay ang pinakatatagong sikreto. Umarko ang sulok ng labi niya. “Bakit hindi 10?” Ngayon, nangangapa ako ng isasagot sa kanya. Dapat pala sinabi kong 9 para hindi siya magtanong, hot seat tuloy ako. “Ah, eh… iyon po ang opinion ko. Kung siguro sa iba baka po 10.” “Ikaw lang ang sumagot ng 9 sa lahat ng napagtanungan ko.” Umawang ang bibig ko sinabi nito. I’m doomed. “Now, tell me Aza, 9 pa rin ba ang sagot mo?” diin ang tanong niya na ikinalunok ko ng ilang beses. Pero alam ko sa sarili ko na sigurado ako. “Opo, Sir. 9 pa rin po.” Napapikit siya ng mariin. “Alright, 9.” Hindi ko naman siguro ikamam4tay ang pagiging honest ko sa kanya? Kung 10 naman, eh ‘di parang walang kapintasan ang mukha niya. Hindi siya ang mga tipo ko. Ayoko ng sobrang manly, gusto ko iyong sakto lang, cute na hindi nakakasawang tingnan tapos—hindi nga pala ako interesado magkalalaki. Sakit pa sa ulo. Sinundan ko siya ng tingin no’ng maingat niya akong i-angat paalis sa kandungan niya at pinaupo sa kanyang tabi. “I’m Thanatos Ruscov, the first born.” Pagpapakilala niya. “I’m not the one who requested that basket of flowers, sa bunsong kapatid ko.” Akala ko siya, iyong bunso pala. “Ano pong pangalan no’ng bunso niyong kapatid, Sir?” chikahan ko na lang. Mukhang hindi naman mangangain ng buhay. “Pierce Ruscov. Siya ang maiiwan sa mansyon kaya mag-iingat ka,” aniya na ikinatahip ng dibdib ko kaba. Mukhang totoo nga iyong sinabi ni nanay na dapat kong iwasan ang bunsong kapatid nitong lalaki. “I will not be around, so please take care of him.” Inihahabilin ba niya sa akin si Pierce? Paano ko siya iiwasan? Bahala na nga, mag-iingat na lang siguro ako para hindi maagang matig0k. “Yes po, Sir. Asahan niyo po iyan.” Buong pusong sabi ko. Nagawa ko pa talagang yumuko na ikinatawa niya. “Parang magiging 10 po iyong rate ko sa inyo kung ngingiti po kayo ng ganyan.” Tumikhim siya saka ulit sumeryoso. Ang bilis mag-iba ng mood eh. Katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Sumilip ako sa bintana kung malapit na kami at ayon natatanaw na mula rito ang mansyon. “Aza,” nabaling ulit ang tingin ko kay sir. “Please don’t fall in love with Pierce, okay?” He’s pleading? Why? Anong meron sa kapatid niya at ganito na lang ang sinasabi niya sa akin? Nginitian ko na lang ito. “Namasukan po ako bilang kasambahay, hindi po para ma-in love sa amo ko.” Paninigurado ko sa kanya. “Huwag kang magsalita ng patapos, hindi mo pa nakikita at nakilala ang bunso kong kapatid.” Matigas niya sabi. Nalilito na tuloy ako kung ipinupush niya ako kay Pierce o ano? “Hindi po ako ma-i-in love kay Pierce.” Sinalubong ko ang mga mata niya. Ilang Segundo bago siya tumango. Nahihiwagan ako sa pagkatao ni Pierce. Bakit pakiramdam ko nasa bing1t ng kam4tayan ang buhay ko dahil lang sa nakakabata niyang kapatid? “Sir, nandito na po tayo.” Pagbibigay alam ng driver kaya napasilip ulit ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang ako aapak sa mansyon na ‘to. Palagi kasi akong nasal abas ng gate dahil ayaw ni nanay na pumasok ako. Weird pero hindi rin naman ako interesado na pumasok. Hindi ko mapigilan ang sarili mamangha nang awtomatikong bumukas ang naglalakihang gate. Natuwa ako nang daanan namin ang mini forest sa tabi na may fountain and the rest of the path were full of flowers. Sagana talaga sila sa bulaklak rito, ang sarap tuloy mamitas. “Pierce like flowers,” rinig kong sambit ni Sir Thanatos na tinanguan ko. “Especially tulips. Naka-assign ka sa greenhouse ‘di ba?” Hindi ko masagot ang katanungan niya dahil hindi ko alam. First time ko palang dito. “Ah, I remember it’s your first time here, right?” “Opo.” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya dahil sa pagka-aliw sa mga bulaklak na nadadaanan namin. Nang tumapat na kami sa entrance ng bahay, tumigil din ang kotse. Ilang sandal palang ay bumukas ang pinto. Hinintay kong maunang makababa si Thanatos ngunit mukhang may kausap siya sa phone. “Mauna kana, Aza.” Aniya kaya dali-dali akong bumaba. Awang ang bibig kong napatingala sa napakalaking bahay. I never been in a mansion like this. Grabe ang design, halatang gawa lahat sa mamahaling materyal. “Ikaw si Aza? Pasok ka hija sa loob.” Lumipat ang tingin ko sa babae’ng sumalubong sa akin kaya agad akong sumunod. Tingin ko siya na si Lydia, iyong sinasabi ni nanay na mag-aasikaso sa akin rito. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa tumigil kami sa lugar na sa tingin ko ay kusina. Sinampal na naman ako ng kahirapan sa garbo nito. Natakam ako bigla nang dumako ang tingin ko sa mga nakahaing pagkain lamesa kasunod ang pagtunog ng aking tyan. Wala nga pala akong kain kanina pa. “Maupo ka hija at kumain. Akin na iyang dala mong bulaklak at dadalhin ko kay Sir Pierce.” Kinuha niya sa kamay ko ang basket at nagmamadaling binagtas ang daan papunta sa kung saan man iyong lalaking iyon. Inilibot ko ang tingin sa lugar. Oo’t maganda ang loob ng bahay ngunit kapansin-pansin ang pagiging walang buhay nito. Sa sobrang laki, habang tumatagal ay nagiging creepy. Parang may something sa mansyon na 'to na hindi ko maipaliwanag. Kinikilabutan ako, bwesit. “You’re the new maid?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD