Kabanata 2

1228 Words
Dinaga ng kaba ang dibdib ko. Dahan-dahan kong nilingon ang nagsalita at nakahinga nang maluwag nang makita kong kasambahay din pala. Pero kasi kanina boses lalaki ang narinig ko. Mali lang ba ako ng dinig? Hilaw ko na lang ngitian ang babae kahit ang awkward niyang manitig. Iyong vibe niya halatang hindi ko makakasundo. Maldita ang atake. “Opo, ako ang bagong kasambahay.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “Hindi kita tinanong.” Sandaling nanlaki ang mata ko. Eh sino iyong nagsalita? Bwesit, nagsisimula na talaga akong matakot. Makakatagal pa ba ako rito? “Uh, eh… sorry, akala ko kasi tinanong mo ako.” Sandali akong yumuko habang naghaharumentado ang dibdib sa kaba. Hindi ba talaga siya iyon? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kung kakain pa ba ako o uuwi na lang. Nanlalamig na ang kamay ko sa totoo lang. Gusto ko nang lumabas, bahala nang hindi na kumain. “Nagsisimula na siyang magparamdam sa’yo. Ikaw pa naman ang naka-assign sa greenhouse kung saan paborito niyang tambayan. Dahil wala na rito ang nanay mo, paniguradong paglalaruan ka no’n—” “Hilda! Huwag mong nganga takutin si Aza. Baka gusto mong ireport kita kay Sir Thanatos.” Napa-angat ang tingin ko kay Lydia. “Bumalik kana sa trabahao mo. Hija, hindi ba sinabi kong kumain kana? Anong pang tinatayo-tayo mo dyan?” nasungitan pa nga ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod at tahimik na lamang na kumain. “Maiwan muna kita rito at may aasikasuhin lang sandali. Huwag na huwag kang aalis kung ayaw mong maligaw.” Tumango na lamang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pagkain. Pagka-alis niya, nakaramdam ako na parang may nakamasid sa akin kaya naman inilibot ko ang tingin sa lugar pero wala naman. I’m getting paranoid for heaven’s sake. Nagtatayuan ang balahibo ko sa ‘di malamang dahilan. Damang-dama ko talaga na parang may nakatingin sa akin sa likod. Ngayon sigurado na ako na may mal isa bahay na ‘to. Parang akong minumulto, bwesit. Siguro isang oras ang tinagal ko kusina para hintayin si Lydia bago siya nakabalik. Bukas pa man daw ang ang official start ko kaya tour-tuor na lang muna kami sa mansyon para makabisado ko. Ipinaliwanag niya rin sa akin lahat ng gagawin ko and mostly sa greenhouse ako maglilinis at mag-aasikaso ng mga flowers since doon naman ako magaling gaya ng nanay ko. Pagkatapos ng tour, pinauwi agad ako. I didn’t get the chance to meet my boss or let us say Pierce dahil wala raw ito sa mood. Hindi ako nakatulog kinagabihan sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. I was curious sa kung anong meron sa bahay na iyon at sa nakakabatang kapatid Thanatos. What’s wrong with him? Hindi ko namalayang nakatulugan ko na kakaisip. Kinabukasan, pumasok ako ng maaga gaya ng sabi ni Lydia sa akin. Wala namang weirdong nangyari no’ng araw iyon at tumambay na lang din ako sa greenhouse, nagtatanamin at namitas ng bulaklak. Bukod doon, nandito pa rin talaga iyong feeling na parang may nakamasid sa akin kahit saan man ako magpunta. May instances din na nahahagip ng mata ko ang pigura ng isang lalaki pero agad din nawawala. Nakakabaliw hanggang sa nasanay na lang din ako. Buwan ang lumipas bago ko makapa ang pamamalakad ng mga tao sa mansyon at pagkabisado na rin sa mga gawain doon. Hindi ko rin na inasahan na gano’n kalaki ang swelduhan nila na parang nasa abroad ka lang. “Ilang buwan kana rito pero hindi mo pa rin nakikita si Sir Pierce? Iniiwasan ka ata no’n.” Napatingin ako kay Sheena, ang halos kasabayan ko rin pumasok na naging kaibigan ko dito. Kalog kasi at matalak, hindi maubusan ng chika. Nililinis namin ngayon ang fountain dahil mga ilang araw na lang ay darating ang mag-asawang Ruscov mula ibang bansa. “Hindi naman ako interesado. Kung ayaw niya sa akin, eh ‘di anong magagawa ko ‘di ba?” nakangiwing sagot ko. Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawa para iwasan niya ako. Tinanong ko na rin si Lydia pero wala siyang maisagot sa akin. Ewan ko ba, bahala ang Pierce na iyon. Hindi tuloy niya mabisi-bisita ang tulips since nandoon ako palagi. I was told not to touch the tulips since siya ang nag-aalaga no’n. Eh hindi naman puwede na ako ang mag-adjust dahil trabaho ko iyon. “Pinag-aaralan kapa ata no’n.” Dagdag ng kasama ko. Kumunot ang noo ko. Bakit kailangan pa pag-aralan? Weirdo talaga ng kapatid ni Thanatos. “Sus, uutusan lang naman niya ako. Ang dami niyang eme sa buhay. Nakita mo na ba yon?” Umiling siya. “Hindi pero base sa narinig ko, softie daw.” Tumaas ang kilay ko. “You mean galaw babae?” She nodded. “He could be mistaken as a girl.” Anito na ikina-awang ng aking bibig. So, pretty boy pala ang aalagaan ko? “Maniniwala lang ako kapag ako na mismo ang nakakita sa kanya.” Sambit ko at itinapon ang mga dahon na nakuha ko sa tubig sa trashcan na dala niya. “What if siya pala iyong palaging nakasunod sa’yo? Wala naman akong nafefeel na negative energy sa mansyon, ikaw lang talaga.” Aniya na ipinagtaka ako. Kung totoo ang sinasabi ni Sheena, bakit hindi na lang niya ako harapin? Hindi iyong kailangan pa niya akong sundan at pag-aralan. Natatakot ba siya na baka laitin ko dahil softie? Galaw babae? Hindi ako gano’n klase ng tao. “Hindi ko rin masabi eh. Ang galing magtago.” Tugon ko saka lumipat ng posisyon saka naman siya sumunod. “Hulihin mo kaya? Aktuhan mo kumbaga. Magpalipas ka ng gabi rito. Hindi ba nagbakasyon ang nanay mo sa mga kapatid niya?” napatingin ako sa kanya. May punto naman siya pero kailangan ko mo nang magpaalam. Hindi ko na kasi kinakaya minsan na magigising na lang ako dahil parang may nanonood sa akin. Puwede naman akong matulog rito kung kailan ko gustuhin. Lahat naman ng kasambahay rito ay may sariling kwarto rito. “Tulungan kita. Dito naman ako natutulog eh. Curious din ako sa mukha ng bunsong boss natin. Malay mo yummy pala, eh ‘di sarap magpatira.” Pabirong sabi niya na ikina-ismid ko. Aside sa pagiging makulit ni Sheena, puro spg din minsan ang bukambibig niya. Nasisita nga siya ni Lydia dahil doon. Mabuti na lang at hindi siya pinapaalis. “Gaga ka, anong tira ka dyan.” Inirapan ko nga. “Virgin ka pa?” tila naggugulat niyang tanong. Hindi ba halata na virgin ako? Bwesit. Mukha naba akong matandang dalaga sa paningin niya? “Ano naman kung virgin pa ako?” pagsusungit ko sa kanya na tinawanan lang niya. Kapag ‘to hindi ko matansiya, baka makasakal ko ng wala sa oras. “What if peyborit ni Sir Pierce ang virgin? At ikaw ang tirahin niya? Payag ka?” ngising tanong niya. Agad siyang lumayo nang ambaan ko siya ng hampas. “Baliw kana talaga ‘no?” sermon ko pero dumila lang ang gaga. “Paano kong i-utos niya sa’yo na ‘Aza, inuutusan kitang tumuwad sa akin’ papayag ka?” seryosong tanong niya na ikinailing ko. Malala na ang isang ‘to. “Aza! Tawag ka ni Sir Pierce!” sigaw ni Lydia mula sa entrance ng mansyon. Totoo naba talaga ‘to? Pinapatawag niya ako for the first time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD