Nabuhayan ng loob si Roch nang papasukin siya ni Don Rodolfo sa mansyon nito. Pero ngayong nasa harapan na niya si Don Rodolfo ay tila umurong ang kanyang dila. Ni hindi nga niya alam kung saan siya magsisimula. Ngayon na lang niya ulit nakaharap ang nakakatakot na Don ng mga Fajardo. Isa pa natatakot siya dahil kanina pa ito nakatingin sa kanya. Marahil ay hinihintay nito ang kanyang sasabihin. Napalunok naman si Roch dahil kinakabahan siya sa mga oras na ito. "Hinarang mo ang daraanan ko pagkatapos ay sasayangin mo lang ang oras ko!" naiinis na wika ni Don Rodolfo kaya naman mas lalong natakot si Roch. Kahit ilang taon pa sila hindi nagkita ni Roch ay nakilala niya ito agad. Paano ay sa mata nito na katulad ng kanyang anak na si Leandro. Nagtataka nga si Don Rodolfo bakit nakuha ni Roc

