Chapter 55

1197 Words

"Mukhang matindi ang galit ng batang iyon." "Pasensya na kayo Don Rodolfo sa inasal niya. Malaki rin kasi ang naging epekto kay Roch sa nangyari sa Papa Leandro niya," nakayukong kwento ni Jasmine. "Hindi rin normal ang pagkapayat niya sa edad niyang iyan," napatango naman si Jasmine sa sinabi ni Don Rodolfo. "Umaga at gabi rin nagtratrabaho si Roch kaya minsan ay napapa-absent siya sa school. Pero sa awa ng Diyos ay nakapasa siya ng first year highschool na may mataas na marka." "Hinahayaan mo na magtrabaho ang bata sa ganyang edad niya?" "Huwag niyo po ako sana husgahan Don Rodolfo. Kahit anong pigil ko sa kanya ay hindi ko siya mapigilan. Gusto niyang makatulong sa akin sa pandagdag gastos dito sa hospital," proud na wika ni Jasmine habang kinukwento ang kabutihan ng kanyang anak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD