"Nakita niyo na kung ano ang ginawa sa akin ng bastardong Roch na iyon, Don Rodolfo! Binastos niya ako!" sumbong ni Director Chan kay Don Rodolfo. Wala namang emosyon ang mukhang ipinapakita ni Don Rodolfo habang nakahiga siya sa hospital bed. Kakatapos lang din nila mapanuod ang video kung saan sinuntok, nagpaputok, at tinutukan ng baril ni Roch si Director Chan. Pero hindi nakita sa video kung ano ang naging dahilan kung bakit nagawa iyon sa kanya ni Roch. Bago kasi siya dumiretso kay Don Rodolfo ay naplano na ni Director Chan ang lahat para siraan si Roch. "Kakausapin namin si Roch patungkol sa bagay na ito. Alam naman namin na hindi gagawa ng ganong bagay si Roch ng walang dahilan," pasaring ni Hunter kay Director Chan. Siya kasi ang nagbabantay ngayon sa kanyang grandpa at siya rin

