Chapter 41 "R-Roch," pangalan ng binata lamang ang kanyang nabanggit habang akay-akay pa din ang matandang hinahabol ang hininga. Kaya lamang napaluha si Vivoree ay dahil akala niya ay may nangyari nang masama kay Roch. Nakahinga siya ng maluwag habang tumutulo pa din ang luha dahil nasa stage pa din siya ng shock. Nakatingin na siya ngayon kay Roch habang hawak ang baril na kanyang pinaputok sa itaas upang matigil lang ang kaguluhan sa lugar na iyon. Mas lalong naalarma ang Director at ang mga tauhan niya. Upang matigil ang mga tauhan ng Director sa pananakit sa mga tao ay tinutukan niya ng baril ang Director. Habang nakikipagsuntukan si Roch sa isa sa mga tauhan ay nagawa niyang maagaw ang baril nito. Pati rin ang mga taong nagrarally ay napatigil na lang dahil sa putok ng baril na si

