Chapter 40 Pagkarating nilang dalawa ni Roch at Vivoree sa site ay napatigil sa pagmamaneho si Roch dahil mayroong mga nagkumpulang mga tao doon. Napakunot ang noo ni Roch dahil wala namang naiulat na report sa kanya kung bakit madaming tao ngayon sa site. Nasabihan na kasi ni Roch ang namamahala dito na pupunta siya ngayong araw para mai-check ang lugar. "Mukhang nagwewelga sila," sabi ni Vivoree habang tinitignan ang paligid mula sa kinauupuan niya sa loob ng kotse. "Mukha nga. Teka ipapark ko lang ang kotse," sabi ni Roch at minadali niyang ipark ang kanyang kotse upang makababa na siya agad. "Dito ka lang huwag ka na sumama sa akin sa labas. Mas safe ka dito." "Pero gusto kong sumama sa 'yo Roch," nag-aalalang sabi ni Vivoree sa binata pero umiling lang si Roch sa kanya. "Mas impo

