Chapter 39 "Roch," napalingon si Roch sa kanyang Grandpa dahil tinawag siya nito. Inaasahan na niyang makakarating sa kanyang Grandpa ang pagsuway nito sa kanya na huwag muna pumasok sa kumpanya. "Hindi ba binigyan kita ng bakasyon?" maawtoridad na tanong sa kanya ni Don Rodolfo. "Sinusuway mo ba ako Roch Ian?" "I'm sorry Sir Rodolfo, ngunit hindi po ako sanay na hindi nagtratrabaho o walang ginagawa. At kung patungkol naman po sa paghahanap sa kaibigan ko ay gumawa po kami ng schedule ng iba ko pang mga kaibigan," nakayukong sagot ni Roch sa kanyang Granpa. "Isa pa po mas mahalaga ang project natin with Jarexx Group. Hindi ko po pwede isantabi iyon." "Nabasa ko na rin po ang ibinigay niyong files at documents. Wala po akong aalisin sa mga designs na inyong ginawa ngunit may mga babagu

