Chapter 38 "Boss, Miss Lopez is here now," rinig na sabi ng lalake sa nakaupo patalikod sa upuan at sa pag-ikot nito ay hindi inaasahan ni Vivoree kung sino ang tinawag ng lalake na boss. Pagkatapos sabihin iyon ni Oliver ay lumabas na ito ng opisina gaya ng utos ng kanyang boss sa kanya. Napakurap-kurap naman siya ng kanyang mata kung totoo ang kanyang nakikita. Nakangisi lang sa kanya ang lalake habang pinagmamasdan siya bago ito nagsalita na nagpabilis ng kanyang puso. "How are you my kitty?" hanggang sa nakatayo na si Roch sa kanyang harapan ay hindi pa rin magawa ni Vivoree na maniwala. Kinurot pa nga niya ang kanyang sarili dahil baka nananaginip lang siya. "Aww," daing niya dahil napalakas ang kanyang pagkurot sa kanyang mukha. "Bakit tila hindi ka makapaniwala na makita ako di

