Chapter 37 "Kung ganon Vivoree. Ihanda mo na ang sarili mo dahil malapit ka na ikasal. Ipapakasal kita sa kakilala ko upang masiguro ang pagbangon muli ng ating kumpanya," napatulala naman si Vivoree sa narinig niya mula sa kanyang ama. "Seriously Papa? Ipapakasal mo ako sa taong hindi ko pa nakikita o mahal man lang?" tumayo si Vivoree mula sa pagkakaupo niya sa sahig saka niya hinarap ang kanyang ama. "Hindi na importante kung hindi mo siya mahal. Mas importante ang mag-merge ang kumpanya natin sa pamilya ng Garcia! Papakasalan mo si Alfonso Garcia gusto mo man mo ayaw mo!" nagulat lalo si Vivoree sa sinabi ng kanyang ama dahil kilala niya ang binanggit na pangalan ng kanyang ama. "Papa! Nasa katinuan pa po ba ang pag-iisip niyo? Si Mr. Alfonso Garcia ang ipapakasal niyo sa akin? Eh

