Simula ng araw na iyon ay mas madalas na mag-date sina Vivoree at Roch. Madalas na rin na may mangyari sa kanilang dalawa na tila libangan nilang dalawa iyon. Para kay Vivoree na si Roch ang nakauna sa kanya ay hindi na niya nakikita ang sarili niya na may makatalik na ibang lalake. Si Roch lang ang gusto niya at nakikita na niya ang sarili niya na makakasama niya panghabangbuhay niya si Roch. Tila naging mundo ni Vivoree si Roch at napapansin iyon ng binata. Ibinigay naman ni Roch ang pagmamahal na kanyang nararamdaman kay Vivoree. Pero sa mga sumunod na buwan ay naging busy na ulit si Roch sa proyekto na binubuo nila ng Jarexx sa Batangas kaya bihira nanaman silang magkita ni Vivoree. "Nagpapa-miss ka lang yata Roch," nagtatampong sabi ni Vivoree sa kanya sa kabilang linya. Nasa Batanga

