Pagkatapos nilang maligong dalawa ay agad silang nagbihis. Sinabi ni Roch kay Vivoree na aalis muna silang dalawa at pupunta na sila sa Batangas. Gusto daw kasi makabawi ni Roch sa pamilya ng matandang inatake sa puso kaya silang dalawa na muna daw ang mag-aalaga sa apo nito habang nagpapagaling ang lolo nila sa hospital. Isa pa ay sisimulan na nila ng Jarexx ang proyekto sa nasabing lugar. Kaya ang gusto ni Roch ay siya na lang ang mismong maghawak doon upang nakikita niya mismo ang pag-usad ng proyekto nila doon. Ayaw na rin kasi maulit ni Roch ang nangyari patungkol sa masamang gawain ni Director Chan. Kasalukuyang nag-iimbestiga ang nakakataas patungkol sa pagnanakaw na ginagawa ni Director Chan sa kumpanya kahit noon na si Don Rodolfo pa ang nakaupo sa pwesto bilang CEO. Hindi hahayaa

