Maya-maya ay nag-announce na para sa magaganap na pagrampa ng mga nasabing modelo. Hindi alam ni Vivoree na may paganap pa lang ganito sa party. Akala niya ay isa lang itong bongga na party para sa mayayamang negosyante. Pagtingin ni Vivoree sa bandang unahan ay nakita niya si Mr. Garcia na kanina pa pala siya tinitignan. Itinaas niya ang hawak na basong may laman na wine kay Vivoree bago ito ngumiti. Pero naiinis pa din siya kay Mr. Garcia kaya nman hindi niya pinansin ito at inirapan na lang. Madami pang naganap sa party bago ipakilala kung sino ba talaga ang nakabili ng share nila. Hindi nga nila aakalain na kailangan pa talaga na mayroong paparty para lang iaannounce kung sino ang nakabili ng share nila. Naiisip tuloy ni Vivoree na ginawa ata itong party para sa kanila ng papa niya. er

