"Ang hawak mong kontrata ay peke. Kaya walang kwenta iyan kung iyan ang ipanglalaban mo sa akin," napamaang na lang si Vivoree sa sinabi ni Mr. Garcia sa kanya. Ibig sabihin ay naloko siya at naging tanga siya sa pagpirma ng kontrata? "Ni hindi nga ako nakapirma jan at wala din jan ang pangalan ko at ng kumpanya ko," nakangisi na sabi ni Mr. Garcia. "Ito ang totoong kontrata na may pirma natin pareho," pakita ni Mr. Garcia sa kanya ng papeles saka niya ito kinuha t binasa. Halos malukot nga niya ang kontrata dahil lahat ng nakalagay doon ay maspabor kay Mr. Garcia. "Gumaganti ba kayo dahil hindi ako tumuloy sa arrange marriage natin?" iyon lang naman ang tanging dahilan upang gawin ni Mr. Garcia ang bagay na ito sa kanila ng papa nila. "Sabihin na nga natin na gano'n pero mas may malali

