"Totoo po ba talaga ang narinig ko Doc? Buntis ako?" hindi makapaniwala na tanong ni Vivoree sa doctor. Sa katunayan ay ilag beses na niyang pinaulit-ulit na itanong iyon sa doctor at nakangiti pa rin siyang sinagot ng doctor na tunay ang kanyang narinig na buntis. "Kung hindi ka naniniwala ay pwede ka magpa-ultrasound dito din sa hospital. Mag-nine weeks pregnant ka na Vivoree. Congratulations ulit hija," sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ang kanyang emosyon kaya naman napahagulgol siya ng iyak bagay na naiintindihan ng doctor kapag nagbubuntis ang isang babae ay nagiging emosyonal ito. "B-buntis ako," ulit ni Vivoree sa pagitan ng kanyang paghagulgol. "Ayos ka lang ba hija? Alam ko na nagulat ka din pero biyaya ang batang iyan," nakangiting sabi sa kanya ng doctor. "Masaya la

