"Anong nangyayari papa?" tanong ni Vivoree sa kanyang ama dahil kakarating pa lang niya sa mismong opisina nila ngunit nasa labas pa lang siya dahil tinawagan siya ng kanyang ama na pumunta sa kanilang kumpanya. Hindi alam ni Vivoree ang dahilan ng kanyang ama kung bakit siya nito pinagmamadali na pumunta hanggang sa makarating siya sa kanilang kumpanya at gano'n na lang ang pagtataka ni Vivoree nang madaming mga tao at bulldozer ang gumigiba sa kanilang kumpanya. Natutop ni Vivoree ang sariling bibig nang mag-sink in sa isipan niya kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid. halos manghina ang kanyang tuhod habang pinpanuod ang mga bulldozer at mga tao na gibain ang kumpanya nila. "Ang pinaghirapan ko ng ilang taon wala na," nanghihinang sabi ni Edric at narinig naman iyon ni Vivoree.

