Chapter 51

1569 Words

Chapter 51: Flashback "R-Roch, n-nakakatakot ka," dahil sa sinabing iyon ni Vivoree ay bigla na lang siyang natauhan. Nakonsensya naman siya dahil nakita niya sa mga mata ni Vivoree ang labis na pagkatakot. Hindi naman niya intensyon na takutin si Vivoree pero sa tuwing naalala niya ang nakaraan niya ay hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin. "Pumunta na tayo sa hospital para makita ng mga bata ang lolo nila," matamlay na pagkakasabi niya kay Vivoree saka siya tumalikod at sumakay. Dahil bahagya pa na hindi nakakabawi sa pagkatakot si Vivoree ay hindi siya agad nakasunod kay Roch sa sasakyan. Nakita ito nina Shasha at Jun saka sinundo nila si Vivoree. "Tara na po mama," sabi ni Shasha kay Vivoree na siyang nagpabalik sa wisyo niya. Ngumiti at tumango naman siya sa mga bata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD