"Papa? Pinatawag niyo daw po ako?" sabi ni Vivoree sa kanyang ama na kinabukasan ay pwede na lumabas sa hospital. "Kamusta ang pakikipag-usap mo noong nakaraang araw kay Mr. Garcia?" tanong nito sa kanyang anak na kakarating lang. "Maayos naman po. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang proposal ni Mr. Garcia. Nakapag-signed na rin po ako ng kontrata kahapon. Hindi ko lang nasabi sa inyo dahil madami rin po akong inasikaso sa opisina," nakangiting kwento ni Vivoree sa kanyang ama. "Anak?" seryosong tawag sa kanya ng ama. "Pasensya ka na kung ikaw ang nag-susuffer sa mga ginawa kong kamalian noon." "Ibig po ba sabihin niyan may natatandaan na kayo?" nagsisimula na tumulo ang luha ni Vivoree lalo na nang tumango ang ama nito sa kanya. "Papa," hagulgol na tawag nito sa kanyang ama sabay niy

