Habang si Vivoree ay namasyal na din sa labas ng simbahan dahil may garden doon. Tuwang-tuwa nga si Vivoree dahil siya lang ang tao doon kaya naman malaya siyang nakakapag-selfie. Pero ang akala niyang siya lang ang tao sa garden na iyon ay nagkamali siya. Dahil sa may likod ng puno ay may narinig siyang dalawang babaeng nag-uusap. Hindi na sana niya papakinggan ang pinag-uusapan nila pero narinig niyang nilalait ng isang babae yung isa. Bahagya siyang sumilip at nakita niya na nakasuot na wedding dress yung isang babae. Sa hula niya ay siya yung ikakasal sa pinsan ni Roch. "Kahit anong gawin mo hinding-hindi ka mamahalin nina mommy, daddy at mamita. Sana nga hindi na lang kita naging kakambal eh. At tandaan mo na hindi kita mapapatawad dahil sa 'yo maagang nawala si Lolo," galit na wika

