Isang buwan na hindi nagkikita sina Vivoree at Roch. Paano ba naman ay parehas muna nilang tinuon ang atensyon at isipan nila sa kanilang trabaho. Pero kapag silang dalawa na lang ay kapwa nila naiisip ang isa't isa. Kapwa nila iniisip kung ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa. Parehas nilang naiisip na baka nabibilisan lang sila sa pangyayari sa buhay nila. Pero isa lang ang sigurado. Parehas silang nangungulila sa isa't isa. Napatigil si Vivoree sa paghilot sa kanyang sentido dahil may tumawag sa kanyang cellphone. Sinagot niya iyon at gano'n na lang ang gulat niya ng marinig na nagising na ang kanyang ama at hinahanap siya nito ngayon. Nagpapasalamat pa din siya sa Diyos dahil nagising ang kanyang ama. "Papa?" masayang sabi ni Vivoree habang nakatingin siya sa kanyang ama na nak

