Chapter 9: The Fight and Slap

1347 Words
Chapter 9 "Kanina mo pa tinitignan. Lapitan mo na kaya bro," nakangising sabi sa kanya ni Zach. Napatingin naman sa kanya si Roch. Parehas silang nasa dance floor na dalawa kasama sina Pariston, Jason at Maximo na napapalibutan na rin ng mga sexy na chix. Makikita sa mukha ni Jason ang pagkainis dahil hindi siya makaalis sa dance floor dahil bantay sarado siya nina Pariston at Maximo. At ang lalong kinaiinis ni Jason ay siya ang sinasayawan ng dalawa. Habang sina Octavo at Giordano naman ay nakuntento na lang na panuorin ang mga kaibigan sa kanilang mga kalokohan. "Huwag mong sabihing nahihiya ka? Wala iyan sa dugo natin," bulong pa ni Zach kay Roch para hindi sila marinig ng tatlo sabay tapik sa balikat nito saka muling itinuon ni Zach ang atensyon sa mga babaeng nakikisabay sa kanyang sumayaw. "Sira," bulong ni Roch sabay tawa saka niya muling tinignan yung babae sa bar counter. Halata na rin dito ang pagkalasing. Nakakaisang hakbang pa nga lang si Roch ay may lumapit na sa babaeng dapat ay lalapitan niya at nakita niya kung paano nagpumiglas ito dahil hinihila siya ng lalake. Mukhang binabastos siya nito kaya napakuyom ang kamao niya saka siya lumapit doon. Habang mabilis siyang naglakad papunta doon ay nakita niya kung paano sinampal ng babae ang mukha ng lalake kaya naman napangisi siya. Nagalit ang lalake kaya naman akma niya rin itong sasampalin pero nakarating na si Roch kaya naman hinawakan ni Roch ng mahigpit ang pulsuhan nito. Tila nagulat pa ang lalake sa pagsulpot niya kaya akma siya nitong susuntukin pero inunahan na siya ni Roch na suntukin sa mukha. Nakaagaw ng pansin iyon kaya naman napatayo sa kanyang kinauupuan sina Octavo at Giordano na agad na nilingon ang pinanggalingan ng sigaw at kumosyon. Agad naman nilang tinawag sina Pariston, Zach, Jason at Maximo. "Hindi tayo na-inform boxer na pala si Roch?" natatawang sabi ni Maximo. "Hoy, baka mapaano si Roch!" natatarantang sabi ni Octavo kaya napatingin sa kanya si Jason. "Ang OA, alam naman nating kaya niya iyan," sagot ni Jason. "Oo nga kaya nga niya. Pero mukhang masarap makisali eh," sagot naman ni Giordano pagkatapos ay lumagok siya sa basong hawak niya na may lamang alak pagkatapos ay inilapah niya iyon sa lamesa. "Tamang-tama wala akong exercise kaninang umaga!" sabi naman ni Zach sabay patunog sa kanyang mga daliri sa kamay. "Ano sama ka Pariston?" "Game! Alangan namang kayo lang ang mag enjoy!" sagot ni Pariston at inayos pa ang suot niyang damit. Napatingin naman si Roch sa babaeng pasuray-suray ang paglalakad. Medyo nawalan kasi ito ng balanse dahil sa pagsampal sa lalake at dahil na rin sa kalasingan. "H-hoy ikaw na m-manyak ka! Ang tigas ng mukha mo!" natawa naman si Roch dahil sa sinabi nito sa lalake. "Sino ka ba?! Bakit nangingialam ka!" bulyaw ng lalake kay Roch sabay kuha ng bote sa table na kanyang binagsakan at binasag niya iyon sabay tutok kay Roch. Hindi napansin ni Roch na may aatake sa kanyang likuran na may hawak na upuang kahoy mabuti na lang dahil tama lang ang dating ng mga kaibigan niya. May mga kasama pa pala yung lalakeng nambastos sa target ni Roch. Isang ngisi lang ang ibinigay ni Roch sa lalake sa tanong nito sa kanya. Wala na pinalagpas na oras ang lalake at inatake na niya si Roch. Panay naman ang iwas ni Roch sa lalake dahil ayaw niyang masugatan ang makinis niyang mukha atsaka naghahanap pa siya ng tiyempo. Habang si Giordano yung sumipa sa lalakeng dapat ang hahampas sa likuran ni Roch na agad namang tumalsik sa isang table. Agad namang lumapit doon si Giordano at hinawakan sa buhok ang kalaban sabay hampas sa babasaging lamesa ang pagmumukha nito. Hindi tumigil si Giordano hangga't hindi nababasag ang mukha ng kalaban niya. "Ang boring niyo namang kalaban!" sabi pa ni Giordano sabay pagpag ng kanyang kamay. Tinigilan na niya ang kakahampas sa ulo ng kalaban sa lamesa dahil nawalan na ito ng malay at umaagos na din ang dugo nito sa kanyang ulo. Si Zach naman ay inatake din ng isa pa sa tauhan ng nambastos sa target ni Roch. Naiwasan ni Zach ang suntok ng kalaban. Pagkaiwas ni Zach ay pumihit siya pakanan at binigyan ng isang upper blow sa panga na siyang ikinabulagta ng kalaban niya. "Sisiw!" "Ano wala na bang lalaban sa akin jan?" sigaw nito na tila nanghahamon pa at napapaatras naman ang mga matatapatan niya. "Walang kwenta!" sabi ni Zach at tinapakan pa ang kamay ng kanyang kalaban. Pinuntahan pa ni Zach si Giordano na kasabay niya lang din na natapos. "Mahilig ka pala sa dinuguan?" sabi ni Zach at napangiwi siya nang makita niya ang basag na mukha ng nakalaban ni Zach. "Loko! Nasaan na ba ang iba?" sabi ni Giordano saka niya tinignan ang kanyang relos na suot. "Pupuntahan ko pa si Chanel." "Oh ayun si Jason oh! Tapos na rin ata. Tara," aya niya kay Giordano. "Bro, ano tulog ah," sabi ni Zach kay Jason na kakatapos lang din sa kalaban niyang namimilipit sa sakit. Paano ba naman binalian ni Jason ng kamay. Sakto namang dumating si Pariston na mukhang hindi nasiyahan. "Mahinang nilalang!" sabi ni Pariston sa tatlo niyang kaibigan na iniwanan ang naging kalaban na nakabulagta rin sa may dance floor. Saka naman sabay na dumating sina Octavo at Maximo na pinagtulungan ang kawawang naging kalaban nila. Nakita din nila na nag-apiran ang dalawa. Si Roch naman ay siya na ang may hawak ng basag na bote dahil naagaw niya iyon. Nasa ibabaw na rin siya ng kalaban niya na ngayon ay nahihilo na din sa suntok na natamo nito mula sa kanya. Ibinaon muna ni Roch ang basag na bote sa palad ng kanyang kalaban bago siya may ibinulong doon na ikinaputla ng lalake. Aalalayan na dapat ni Roch yung babae kanina pero nagulat na lang siya ng sampalin siya nito sa kanyang pisngi. Halata pa din sa babae ang pagkalasing dahil namumula pa din ito. Hindi naman makapaniwala si Roch sa ginawa ng babae sa kanya pagkatapos niyang muntikan na ibuwis ang buhay dahil sa pambabastos sa kanya ng babae. Maging ang mga kaibigan ni Roch ay tila natigilan din sa ginawa sa kanilang kaibigan. "Manyak! Bastos!" pagkatapos nitong sigawan si Roch na bahagya pa ding tulala ay pasuray-suray itong naglakad palabas ng bar na para bang walang nangyari. Tinanguan naman ni Maximo ang mga kaibigan saka nila nilapitan si Roch. Alam din naman ni Roch na tinulungan siya ng mga kaibigan niya kanina. Nahagip din ng mga mata ni Roch na dumating na yung mga bouncer para kunin yung mga katawan ng mga walang malay na lalakeng nakalaban nila. Alam din ni Roch na malaki din ang babayaran niya, pero para sa kanya ay maliit na halaga lang iyon. Ngunit ang hindi matanggap ni Roch ay yung pagsampal sa kanya ng babaeng iniligtas niya. "Masarap ba Roch? Este masakit?" biro sa kanya ni Maximo pero tinignan lang siya ng masama ni Roch. "Biro lang bro." "Sample ko sa 'yo bro?" seryosong sabi ni Roch na ikinabigla ni Maximo dahil kahit biruin niya si Roch noon ng ganun ay tatawa lang ito. Marahil nga ay wala sa mood ngayon si Roch. "Ikaw kasi," bulong sa kanya ni Octavo pero rinig naman nila. "Biro lang eh," naka-pout na sabi ni Maximo. "Nagmukha ka namang pato Maximo," natatawang biro naman ni Pariston. "Biro lang din bro," natatawang sabi ni Roch sabay tapik sa balikat ni Maximo kaya naman ngayon ay si Maximo naman ang tumingin sa kanya ng masama. Nag peace sign na lang si Roch sa kanya. "Ayan biro pa," biro ni Jason kay Maximo. "Pero ayos din yung babae no? Siya na nga niligtas siya pa itong nanampal," naiiling na wika ni Zach. Kung sakanya kasi ginawa iyon ay hindi niya papatakasin ang babaeng sumampal sa kanya. Hindi nga niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Roch. "Ano na balak mo bro?" tanong naman ni Giordano kay Roch na mayroong kakaibang ngiti sa kanyang labi. "Ipapaubaya ko na sa tadhana." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD