Marahan na nagmulat ng mga mata si Kaiden nang tumama sa kanya ang liwanang na nagmumula sa kung saan. Kaagad siyang nakaramdam ng bahagyang pagkirot ng kanyang ulo na kalaunan ay naibsan din. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata saka siya muling nagmulat. Bumungad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag ng araw na siyang bahagyang natatakpan lamang ng mga dahon ng punong-kahoy na nasa kanyang tabi. Maliwanag at maaliwalas ang kalangitan ng kanya itong panaka-nakang pagmasdan. Saka lamang siya napaisip. Nasaan siya? Agad siyang bumangon nang may labis na pagtataka. Iginala niya ang kanyang paningin at bumungad sa kanya ang mga halaman at punong-kahoy sa kanyang kapaligiran. “Nasaan ako?” mahinang tanong niya sa kanyang sarili saka mabilis na nagbalik sa kanyang isipan ang mga huling nang

