Kabanata 34

2065 Words

Umayos ng pagkakaupo si Kaiden sa backseat ng sasakyan, ganoon din naman si Roman na ngayon ay halata mong nabigla pa sa nangyaring aksidente sa kanila. Pagkatapos ay muli niyang tinapunan ng tingin ang lalaking nagmamaneho sa kanilang harapan. “A-Anong ginagawa mo dito? Bakit mo kami… tinutulungang makatakas?” sunod-sunod na tanong niya sa lalaki. Natatandaan niya ito. Ito ang lalaking pinuntahan nila ni Amiera noon upang magtanong tungkol kay William Mavez. Ito ‘yong lalaking may-ari ng pawnshop na siyang nagsiwalat sa kanila ni Amiera ng ibang impormasyon tungkol kay William. “Kilala mo siya?” sabat na tanong ni Roman sa kanya. “Ginagawa ko po ito dahil kailangan,” tugon naman ng lalaki sa kanya. “Ano?” kunot-noong tanong niya dito. “Sino ka ba?” pagkuwan ay maangas na tanong naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD