Mabilis na dinaluhan ni Kaiden si Roman at agad itong inalalayan na makaalis sa kanilang kinaroroonan. Katuwang si Amiera ay mabilis nilang inakay si Roman palayo sa tinakasan nila. Sinuong nila ang matataas na d**o, hindi inalintana ang mga galos na kanilang natatamo dahil sa mga tinik at matutulis na kahoy o bato na kanilang nasasalubong sa kanilang mabilis na paghakbang palayo pa sa lugar na kanilang pinanggalingan. Nang bahagya na silang nakalayo sa bahay ni Jona kung saan naroroon ang mga pulis upang hulihin sila, ay maingat nilang iniupo pasandal sa isang punong kahoy si Roman. Malalalim naman ang bawat paghinga ni Roman dahil sa hapo na kanyang natamo sa pagkatas nila, bukod doon ay kumikirot din ang sugat na kanyang natamo. Tinamaan siya ng bala ng baril ng pulis nang paputukan s

