“R-Roman,” mahinang pagsaway ni Kaiden sa pinsan nitong si Roman. Natatakot kasi siya sa kung ano ang pwedeng mangyari dito. Baka mapahamak lamang ito lalo dahil sa ginagawa nito ngayon. “Ano pang ginagawa ninyo? Bitiwan niyo siya!” sigaw ng pulis na bihag ni Roman saka binitiwan ng isang pulis si Kaiden. Marahan na tumayo si Kaiden palapit sa pinsan nito. Saka marahan din na humakbang si Roman habang hawak-hawak pa rin ang pulis na bihag nito. Mabagal naman siyang sinusundan ng tatlong pulis na kapwa nakatutok din ang mga baril sa kanya. Patuloy lamang sa paghakbang na ginagawa si Roman patalikod hanggang sa makalabas na nga sila nang tuluyan sa loob ng bodega. Doon lamang nila napagtanto na gabi na at maghapon ang lumipas nang makulong sila sa loob ng bodega na iyon. Hindi sila pamil

