“Magsalita ka na, Axel. Sabihin mo na sa amin kung nasaan si Rexter,” pangungumbinsi ni Amiera kay Axel habang nananatiling nakatutok dito ang baril na hawak-hawak ni Kaiden. “Fine,” saad ni Axel kasunod ng paglunok nito. Bakas sa mukha nito ang labis na pangamba at takot. “M-Magsasalita na ako. S-Sasabihin ko na kung nasaan si Rexter,” pagsuko nito na siyang parang ikinapalakpak naman ng tainga ni Kaiden. Sa wakas ay malalaman na niya kung nasaan ang tunay na Rexter na siyang pumaslang kay Floriane. “Nasaan siya? Nasaan si Rexter?” muling tanong ni Kaiden kay Axel. “S-Sasabihin ko sa ligtas na lugar. D-Doon tayo sa bahay ko,” hiling nito. “Ano? Bakit hindi mo na lang sabihin dito?” kunot-noong tanong naman ni Roman kay Axel. “G-Gusto kong masiguro ang kaligtasan ko. Kaya sasabihin k

