“Maligayang pagdating, Kamahalan!” mainit na pagsalubong ng mga tao sa pagdating nina Henry sa kabilang dulo ng Monarchy Kingdom, na kung tawagin ay Bayan ng Luntian. Nagbigay galang ang mga taong naroroon sa kanyang harapan na siyang nagdulot ng kagalakan sa kanyang puso. Dito ay nakita niya ang tahimik na pamumuhay ng mga tao na piniling lumayo sa bayan at sa palasyo dahil sa pang-aabuso ng kasulukuyang hari na si Edwin Mavez. Mahigit anim na oras ang kanilang naging paglalakbay patungo sa lugar na ito na naging sulit naman dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taong naroroon. Binigyan sila ng mga ito ng tutuluyan at ilang mga pangangailangan nila tulad ng pagkain at ibang mga kagamitan. Nakabukod siya ng silid habang magkasama naman sa kabilang silid ang dati niyang asawa na

