Kumalam ang sikmura ni Kaiden nang makaamoy siya ng tila napakasarap na niluluto mula sa kusina. Iyon ang nagpagising ng kanyang mahimbing na natutulog na diwa. Dahil doon ay marahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa kanya at ramdam na ramdam niya ang nanghihina pa rin niyang mga paa. May kaunting pagkirot pa ito na tila ba pagod na pagod. Ngunit kahit na papaano ay medyo gumaan naman na ang pakiramdam niya. Humigit siya ng malalim na paghinga saka niya muling ipinikit ang kanyang mga mata. Bumilang siya ng hanggang tatlo sa kanyang isipan saka siya muling marahan na nagmulat ng mga mata. Namangha siya nang hindi nagbago ang bagay na kanyang nakikita ngayon. Puting kisame pa rin iyon. Saka niya marahan na iginala ang kanyang mga mata sa paligid. Nakahinga

