Tahimik na ginagamot ni Amiera ang mga sugat ni Kaiden na natamo sa pakikipaglaban kay William. Kasulukuyan na silang bumalik sa bahay ng dalawang matandang mag-asawa matapos silang matakasan ni William Mavez. At mula no’n ay hindi na naalis pa sa isipan niya ang biglaang pagliwanag ng suot niyang kwintas, na ngayon ay bumalik na sa dati nitong itsura. Ilang sandali pa nang matapos na si Amiera sa paggagamot sa kanya, ay si Roman naman ang nilapitan ng dalaga upang bigyan din ng paunang lunas ang mga galos at sugat na natamo nito, sa pakikipaglaban sa mga tauhan ni William Mavez. Kapansin-pansin naman ang pagiging tahimik ni Amiera at walang imik matapos ang insidenteng pagsunod nito kay William kanina. Bagay na siyang ikinababahala niya. Tila may kung anong nangyari sa dalaga na hindi n

