Mabilis na inilabas ni Henry ang kanyang sandata habang tumatakbo ito patungo kay William. Ang buong kapaligiran niya ay napuno na ng paglalabanan ng magkabilang panig, ngunit wala nang mas mahalaga pa ngayon sa isipan niya kung hindi ang mapagbasak ngayon si William. Sinangga ni William ang pag-atake niya ng espada gamit din naman ang espada nito. Saka siya nito masayang tinawanan. “Sa tingin mo ba talaga ay mananalo ka sa akin? Kahit kailan ay hindi ka mananalo. Tinalo ko na ang ama mo noon. At ilang buhay na din ang kinuha ko. Gusto mo pa ba na dagdagan ko? Hindi ka ba naaawa sa mga mahal mo?” malakas na pang-aasar sa kanya ni William. “Tumahimik ka!” gigil na sigaw naman niya dito saka niya ito muling inatake gamit ang kanyang sandata. Nag-aalab ang galit na nararamdaman niya ngayo

