Kabanata 5

1157 Words
Sylestia I've been bawling my eyes out since I found out what happened to my father and to Joaquin's mom. Tumigil lamang ako sa kaiiyak kaninang umaga dahil ayaw kong umuwi na namamaga ang mga mata. Akala ko noon ay matindi ang galit ko sa tatay ko dahil sa rami ng naging pagkukulang niya sa amin. Sa akin. Pero kapag pala nawala na ang tao, makalilimutan mo bigla ang lahat ng galit at sama ng loob. All you will remember are the good memories, along with the regret that comes after. Mabigat ang dibdib akong sumakay sa sasakyan ni Joaquin matapos niyang makuha ang maleta ko para ilagay sa likod. He's on a phone call with his girl. Ayaw ko namang makinig sa usapan nila dahil wala akong lakas ngayong umusyoso kaya lang ay nakababa ang mga bintana sa harap. "I'm gonna call you once we get there. Get some rest and don't forget your meds." He opened the door on the driver side. "I love you, too." Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. Ang sikip na nga ng dibdib ko dahil sa nalaman kong nangyari sa tatay ko at tita, lalo pang sumama ang loob ko dahil sa huling sinabi ni Joaquin. Their phone call ended before he went inside the car. I tucked my hair behind my ear, pretending that I didn't hear anything. I love you, too? Sa akin ang mga salitang iyon noon . . . "Seatbelt," malamig ang boses niyang sabi. Tumango lamang ako't sinunod na ang kanyang utos. I wore my seatbelt and didn't say anything. Hindi ako kumikibo habang nasa byahe. Sa peripheral vision ko ay napapansin ko ang mga pagsulyap niya na para bang pinakikiramdaman ako dahil masyado akong naging tahimik. Humugot ako ng hininga. "Pwede ba tayong makinig ng music? Para lang hindi boring sa byahe." He didn't throw me a glance but he pressed the tab and then put it on Bluetooth mode. "Connect your device," he said. I jerked my head and glanced at the screen. Ni isang device ay walang naka-record doon. Para bang ako pa lamang ang makakapag-connect. Hindi ba mahilig si Mysha na makinig ng music kapag nakasakay rito? I pushed the thought away. Ayaw ko nang saktan pa ang sarili ko. Nag-connect na lamang ako sa Bluetooth ng kotse saka ako pumili ng kanta. I went through my Spotify and accidentally pressed the song called "Maling Panahon" by Arthur Miguel. Unang beses ko iyong maririnig kaya nang magsimula ang kanta at unti-unti kong naintindihan ang lyrics ay kusang umawang ang aking mga labi. My chest began to tighten as the meaning of the song slowly triggered my memories of him. I remembered the first time we met. How the crowd faded in the background during the event. We were looking at each other as if we own the world. That it only revolves so we can spend a lifetime together. I remembered how he confessed his feelings. How serious his eyes were while his hands were cold because he was anxious while telling me how much he likes me. I remembered how my cheeks turn red each time I'd catch him looking at me. I remembered our first kiss, first hug, first I love you's. Our first everything. Wala na ba talaga lahat ng iyon? Nasa maling panahon na ba talaga ang pag-ibig ko para sa kanya? Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan bago pa man matuloy sa pagpatak ang nagbadya kong luha. Tumingin na lang din ako sa labas ng sasakyan para hindi niya makita ang namula kong mga mata. We were both silent until the song was over. Hindi ko sigurado kung inintindi rin ba niya ang kanta pero noong sinulyapan ko ay nakaigting na ang panga at naghahalo na ang galit at sakit sa seryoso niyang mga mata. Lalong nanikip ang dibdib ko. Humugot ako ng hininga't lakas-loob na inilagay ang palad ko sa kanyang hita. "Sorry . . ." tangi kong nasabi. Joaquin held the steering wheel tighter as if my apology made him angry. "Sorry for what, hmm?" he asked before he glared at me. Lumamlam ang mga mata ko. "Alam kong mahihirapan akong kunin ulit ang loob mo pero hindi kita susukuan, Joaquin. Mahal kita. Minahal kita—" "Enough with your bullshits, Syl. I'm not in the mood to hear your goddamn lies." Lalong dumilim ang kanyang ekspresyon. "Tumahimik ka na bago ako mapikon." I gently caressed his thigh with my thumb. "Wala akong pakialam kahit na ilang beses mong ipamukha sa akin na ayaw mo na. I'll take your anger if that's the only thing you're willing to give me right now. I'll settle for it—" "Could you even be lower, hmm? So disappointing," asik niya. Isang basag na ngiti ang lumandas sa aking mga labi. "Siguro nga sobrang baba ko ngayon dahil desperada na kong mapatawad mo. Siguro nga nawawalan akong lalo ng delikadesa sa ginagawa ko pero wala akong pakialam. Gusto kitang bumalik sa akin—" "Para ano?" His eyes darted on mine. "Hindi ka pa kuntento sa naidulot mo?" "Joaquin, babawi ako. Papatunayan ko—" "I don't need you as much as I needed you back then, Syl so let's get this straight. You wanted money so I'm gonna give you what will make you happy. But never expect that I will still be stupid enough to let you into my life again." He scoffed. "Tapos na kong maging tanga para sa'yo." My eyes stung. "Joaquin . . ." I sniffed. "Huwag mo naman sabihin 'yan. Subukan mo naman kahit paunti-unti. Hindi mo ko kailangang bayaran—" "Enough." He inhaled a sharp breath. "If you will just insist this, baka mas mabuting ibalik na lang kita sa club. I don't need this kind of stress, Sylestia. Hindi ito ang dahilan kung bakit kita inalis sa putanginang impyernong 'yon." Tuluyan nang lumabo ang mga mata ko dahil sa luhang hindi ko na kaya pang pigilan. "Kahit kaunti man lang ba, hindi mo ko ginustong alisin doon dahil may kakarampot ka pa ring pagmamahal sa akin?" His jaw clenched. "I don't love you. Do you know why?" he asked with darkened eyes. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "B-Bakit?" Joaquin breathed in a sharp breath before he drifted his gaze back to the road. "Because you are no longer the Syl I was begging God to come home to me." He removed my hand on his lap. "And I am no longer the stupid Joaquin who's willing to lose his f*****g mind for that woman so stop before I get tired of your tricks . . ." Tuluyang gumulong ang aking mga luha pababa ng aking mukha. Looks like this would be way harder than I thought. I sniffed as I wiped my tears. Diyos ko. Baka hindi ko kayanin oras na hindi ko mapalambot ang puso ng lalakeng ito. Hinding-hindi . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD