Syl
Panay ang sulyap ko kay Joaquin habang nasa sasakyan kami. We're on our way to the cemetery to pay a visit to my father's grave. Dumaan kami kanina sa bilihan ng mga bulaklak at kandila. He helped me pick some flowers for my dad because I was already getting emotional just by thinking that I was buying flowers for my dead father.
Gumalaw ang kanyang panga. "Just tell me what you wanna tell me. Hindi 'yong panay ka lang sulyap," masungit niyang sabi.
I inhaled a sharp breath. "S-Saan ka nagpunta kagabi? Parang narinig ko kasing may ugong ng barko. Nasa pier ka ba?"
Napansin kong dumilim ang kanyang ekspresyon. I thought he was not going to answer me. Nabalot kami ng katahimikan kaya umiwas na ako ng tingin sa pag-aakalang mananatiling tikom ang bibig niya.
"I had to take care of some business transactions. Yes, I was at the port to check the cargo vessels," sa wakas ay sabi niya.
"What's your business, Joaquin?" I asked.
His thumb stroked the steering wheel. "We do international shipments," seryoso niya lamang na sagot.
"Ah," tugon ko na lamang. "Kaya pala ang yaman-yaman mo na. Balita ko ay malaki talaga ang kita sa ganyan."
"Why? One of your customers was into cargo business as well, hmm?" may iritasyon sa tinig niyang tanong.
I inhaled a sharp breath to control myself. Hindi ko papatulan ang init ng ulo ng lalakeng ito kahit na hindi niya talaga ako pinaniniwalaan.
"Nagri-research ako palagi tungkol sa magagandang negosyo dahil balak ko noon, kapag nakaipon na ako nang malaki ay aalis na ako sa club. I wanted to study and build a business, kaya ko nalamang malaki ang kita sa ganyan." I sighed before I placed my hand on his thigh. "For the last time, walang naging iba. I just danced naked in front of other men, but none of them managed to lay a finger on me. Sa'yo ko lang ibinigay at ibibigay ang sarili ko. When will you ever believe me?"
Umigting ang panga ni Joaquin. Hindi na rin siya kumibo pa hanggang sa nakarating kami sa sementeryo. Hindi ko na lamang din kinulit pa at baka lalo lamang mag-init ang ulo sa akin.
We went out of the car with the flowers we bought. I looked around and realized that we're at a memorial place for those who can afford more expensive memorial lots.
"Dito nailibing si Papa?" tanong ko. "Paano nabayaran 'to noon?"
"I had his and my mother's remains transferred here. Pinatayuan ko silang pareho ng musoleo noong nagkapera na ko," seryoso niyang sagot bago na naunang naglakad papasok ng gate.
My heart felt a different kind of warmth while I watched his back. Sa kabila ng galit niya sa akin, nakakaantig isiping hindi niya kinakalimutan ang mga taong alam niyang importante sa buhay ko. Pwede namang pabayaan na lang niya ang tatay ko roon sa mas abot-kayang sementeryo pero hindi. Pati sina Mama pinatayuan niya pa ng mas maayos na bahay. If that isn't love then I don't know what is.
Pinakawalan ko ang hangin sa aking dibdib bago ako nagsimulang sumunod sa kanya. Huminto siya sa harap ng magkatabing musoleong parehong may puting pintura at tiles. He gave me the key for the one on the left and then told me that it was my father's.
"Susunod ako. I'll just put these in mom's," aniya bago lumapit sa katabing musoleo.
I stared at the key for a few moments. Ngayon pa lang ay sumisikip na ang dibdib ko at umiinit ang sulok ng aking mga mata. Parang hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa akin na wala na ang Papa ko. But here I am now, getting slapped by the biggest proof that my father is gone. That he died looking for me.
Tinitigan ko ang nitso sa loob habang namumuo ang aking mga luha. May karapatan ba talaga akong dumalaw rito? Ako ang may kasalanan, 'di ba? Namatay siya kahahanap sa akin.
I swallowed the lump in my throat. Kahit na nanlalambot ay pinilit kong humakbang palapit sa musoleo. I unlocked the gate and forced myself to walk in. Ngunit nang mabasa ko na ang pangalang nakasulat sa lapida ay tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.
"Papa ko!" I cried. Napaluhod ako sa sahig habang hinahaplos ang lapida. "Papa!"
Nilamon ako ng galit sa sarili at matinding pagsisisi sa lahat ng nagawa ko. I thought it was the right thing to do back then, but all the money I was able to gain will never be enough to bring back everything and everyone I had lost while I was in the club.
Umalog ang mga balikat ko dahil sa labis na pag-iyak. "I'm sorry. Pa, I'm s-sorry. S-Sorry . . ."
Pain clawed my heart so badly. Humahagulgol na ako nang husto sa harap ng nitso. Ni hindi ko na masindihan ang kandila o mailapag man lang nang maayos ang mga bulaklak.
I heard Joaquin's footsteps but I was too hurt to still pay attention to him. Naramdaman ko na lamang ang pagluhod niya sa aking tabi bago niya ako kinabig upang ikulong sa kanyang mga bisig.
My tears stained his shirt as I cried my heart out. Para akong pinapatay sa sakit ngunit wala ring magawa para maibsan ang nararamdaman ko.
"K-Kasalanan ko . . ." I sobbed. "Joaquin, kasalanan ko. Si papa, oh God . . ."
Humigpit ang yakap niya sa akin. It was as if he wanted to take my pain but all he could do is hold me close until it doesn't hurt that much anymore.
Ang sakit-sakit. Bakit ngayong wala na ang papa ko ay saka ko lang naisip kung gaano ko talaga siya kamahal? Sila ni mama? Sa kabila ng mga naging pagkukulang nila't mga maling desisyon sa buhay, mahal ko sila.
I was too blinded by anger. Binilang ko kung ano ang kulang. Kung ano ang mga hindi nila kayang ibigay, pero bakit iyong magaganda at mga pilit nilang ipagkaloob sa amin ng mga kapatid ko, bakit hindi ko 'yon nakita? Bakit hindi ko binilang?
I remembered how my father would swallow his pride and borrow money from our relatives just so he could buy me something on my seventh birthday. Nakita ko kung paano siyang minata at kinutya ni tito bago siya inabutan ng isandaan. Namumula siya sa sobrang hiya noong mga panahong 'yon pero pagkatapos niyang makahiram ng pera, idinala niya ako sa nagtitinda ng burger para bilihan ng pagkain.
Iyong maaga niyang paggising sa umaga at gabi nang pag-uwi dahil sa trabaho, bakit hindi ko man lang 'yon pinasalamatan? Ganoon ba talaga ako ka-entitled? Just because it was his responsibility to feed us, does that mean he doesn't deserve a simple thank you? Mahirap ba talagang magpasalamat? Tumanaw ng utang na loob? Umintindi kapag talagang ginawa na niya ang makakaya niya pero kulang pa rin talaga?
Humikbi ako. "Joaquin . . ." My tears trailed down my cheeks. "M-Mahal na mahal ko ang Papa ko . . "
Joaquin inhaled a sharp breath before he caressed my hair. "He knows," sagot niya sa namamaos na boses bago niya tinitigan ang lapida. "Tito . . ." He inhaled a sharp breath. "She's finally here. Naiuwi ko na gaya ng ipinangako ko . . ."
My lower lip trembled. Naisara ko ang mga mata ko kasabay ng pagyakap ko kay Joaquin. I know he hates me, but I want to appreciate him for making a promise to bring me back to Sta. Ana, and for keeping it despite his anger towards me.
"Joaquin . . ." I inhaled a sharp breath. "D-Dito muna ako, please. Kahit balikan mo na lang ako . . ." naiiyak kong pakiusap.
He rubbed my back as he sighed. "We're both gonna stay until you feel better."
Gumuhit ang munting ngiti sa aking mga labi. Maybe, just maybe, he still has a small space in his heart left for me.
And maybe, just maybe, I'd still manage to make that space bigger while we're together.
Iminulat ko ang mga mata ko't tinitigan ang lapida ni Papa.
Hindi ko susukuan ang taong 'to, Papa kaya please tulungan mo ko. Tulungan mo kong mapatawad ako ni Joaquin . .