bc

#Gorgeous

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
others
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Isang "Babaeng Bakla" kung tuksuhin si Kelly. Sa halip na ikapikon ay pinagtatawanan na lamang niya iyon.

Pawang mga beki ang dalawa niyang close friends.

Minsan siyang napagkamalang bading ng isang lalaking pumukaw ng kanyang pansin, si Andrew.

Na hindi naiwasang isipin ni Kelly na may hindi yata naging magandang karanasan sa mga bading.

Nang maging nobyo niya ito ay ipinaiwas siya nito sa dalawa niyang 'gumamelang friends.'

Bakit tila ganoon na lang kung makaiwas si Andrew sa mga beki?

Hindi kaya napagsamantalahan ito noon ng bakla?

O imbyerna ito sa mga kaibigan niya dahil isa pala itong paminta?

chap-preview
Free preview
chapter one
ISANG segment sa noon time show ang nagpa-inspire kay Kelly para i-post sa f*******: ang ugly picture niya noong mga panahong maitim pa siya. Nilagyan niya iyon ng caption na, "Proud to be me!" Naka-relate siya sa isang humihingi ng payo na palaging nabu-bully ang phisycal appearance. Minsan na rin naging biktima ng pambu-bully si Kelly. Marami ang naging bansag sa kanya noon. May tumatawag sa kanya ng baluga, negra, sunog, tutong. At ang higit na ikinapipikon niya noon ay pagtawag sa kanya bilang Taong-Libag. Ang mas ikinaaasar pa niya, 'yung mga 'kapal muks' na nanunukso sa kanya - akala mo naman ay kay gagandang mga nilalang. Sarap busalan ng packing tape ang mga bibig. Sadyang maitim siya noon hindi dahil may dugo siyang Black-American. Nasunog lamang ang balat niya sa madalas na pagbibilad sa araw tulad ng ilang tipikal na kabataan noon na nakikipaglaro sa lansangan. Subalit nitong magdalaga si Kelly ay nawala na ang pagiging negrita niya. Medyo pumusyaw na ang kulay ng balat niya. Gayunman ay hindi pa rin siya nakakaligtas sa panunukso ng mga taong sadyang mapamintas at mapanglait. Ngayon ay mayroon namang bagong bansag sa kanya. Isa naman siya ngayong 'Babaeng Bakla.' Sa halip na ikapikon iyon ni Kelly ay tinatawanan na lamang niya. Wala nang pangit na salita ang maaari pang maikabit sa pangalan niya na makakahila pababa ng kanyang self-steem. Dahil unang-una ay tanggap niya sa sarili kung ano ang mayroon siya na hindi nakikita ng ibang tao base lamang sa panlabas niyang anyo. Maraming pamantayan ngayon ang mga tao na nilikha lamang ng mga ito para pumasa sa panlasa at masabihan ng mga ito na maganda. Kiber ba niya. Maganda ako, ani Kelly sa sarili habang nakatingin ngayon sa salamin ng kanyang compact pressed powder. Totooo namang maganda si Kelly sa edad niya ngayong nineteen. Papasa siyang candidate ng isang beauty pageant. Insecure lamang sa kanya ang mga tumatawag sa kanya ng Babaeng Bakla. Palibhasa'y sadyang maharot siya kung kumilos at walang hinhin kung makatawa. Dahil na rin iyon sa impluwensya ng dalawang beki niyang kaibigan na sina Harrold at Leonard. Bagaman parehas na bading ay magkaiba ang dalawa. Si Harrold na 'Harriet' na ang pangalan ngayon ay isa nang operada. Babaeng-babae na. Hindi naman niya ikina-i-imbyerna kung minsang nasasabihan siya na mas maganda pa sa kanya ang kaibigang bakla. Hawig si Harriet kay Heart Evangelista. Samantalang ito namang si Leonard ay isa namang paminta. Hindi pa naglaladlad ng kapa. Takot lang nito sa ama nitong pulis. Pag magkakasama silang tatlo ay doon lamang ito nagiging totoo sa sarili. "Hoy, palaka, bilisan mo na d'yan. 'Wag ka nang masyadong magpaganda dahil hindi naman ikaw ang sasali sa gay beauty pageant. Baka humulas na itong makeup ko at magmukha na 'kong halimaw." Natatawang nilingon ni Kelly ang kaibigang si Leonard. First time nitong sasali sa gay beauty pageant. Ngayon lamang ito nagpustura at bihis babae. In fairness, hindi naman ito nagmukhang trying hard na beki na nais magpakababae. Lumi-level din ang beauty nito kay Harriet, na siya namang nag-ayos dito, at siyempre ay tumulong din siya. "Hmp... Ang sabihin mo, excited ka nang rumampa sa entablado," aniyang tinukso ito. Masaya siya para sa kaibigan dahil batid niya kung ano talaga ang gusto ni Leonard noon pa man. Iyon nga ay ang makasali sa gay beauty pageant. Si Harriet ang unang nag-udyok kay Leonard na sumali sa patimpalak. Sa simula ay nag-alinlangan pa si Leonard dahil sa pangamba na baka umabot iyon sa kaalaman ng ama nito. Subalit hindi na nito natanggihan ang sinabi ni Harriet na sa ibang lugar sila dadayo para lumahok. At noon nga ay naroon na ang excitement sa mga mata ng kaibigan nilang si Leonard. Lumipas ang sandali ay nakalulan na sila sa kotse ni Harriet habang patungo sa lugar kung saan may gaganaping gay beauty pageant. Ang theme ng pageant ay pang-Miss Universe na ang bawat kalahok ay may bansang ire-represent. Nang magpakilala na si Leonard ay sila ni Harriet ang may pinakamalakas na palakpak. "Good evening ladies and gentlemen. My name is Curacha, ang babaeng walang tinidor. Lumalaklak ng expired na Emperador sa tapat ng sirang bentilador - representing, El Salvador!" Namukhaan ni Kelly ang isa sa mga hurado na si Aling Adeng. May-ari ng carinderia sa kanto sa lugar nila. Madalas silang kumain na tatlong magkakaibigan doon. Patay! aniya sa isip. Bigla siyang nangamba na baka makilala nito si Leonard. Siyempre ay hindi alam ni Aling Adeng ang tunay na pagkatao ng kaibigan niyang beki. Akalain mong dumayo rin sa lugar na iyon si Aling Adeng para maging hurado! Gayunman, si Aling Adeng ay likas dito ang pagiging maunawain at hindi ito ubod ng chismosa na tipong nakatutok ang mga mata sa bawat galaw ng mga kakilala. Magagawa siguro nila itong mapakiusapan kung sakali man. Nakapasok si Leonard sa top 10, hanggang top 5. At dumating na ang punto para sa final question and answer portion. "What is the essence of being a gay?" tanong ng emcee na kamukha ni Pokwang pero kaboses ni Inday Garutay. Si Leonard bilang 'Curacha' sa gabing iyon ay taas-noong sumagot. "Thank you for your wonderful question... The essence of being a gay is the same with the essence of both man and a woman. Gays have the same rights in the society to express feelings, to exercise his capacity in order to show that he is capable of doing many things in life. Meaning gays are normal in all aspects, the fact gays are talented and very well known in almost all fields." Palung-palo ang sagot ng bakla. Si Kelly ay pabirong sinakal ang katabing si Harriet habang tumitili sa tuwa. Bagaman ang sagot ni Leonard ay alam niyang na-search lamang nito sa Google na isa sa mga kinabisado nito para may 'bala' sa naturang laban; At nataon namang na suwak ang sagot na iyon sa naging final question. Ang ibig sabihin ay para talaga kay Curacha o Leonard ang gabing iyon. Pasok sa banga ang beauty ni Leonard dahil ito ang tinanghal bilang Miss Gay Universe ng barangay na iyon. Nang iputong dito ang korona na yari sa beads na may kasama pang sash ay halos mapaluha sa tuwa ang lola. Si Aling Adeng pa ang nagputong ng korona kay Leonard. Mukhang hindi naman nakilala ng ginang ang nagngangalang Curacha sa gabing iyon. Masaya si Kelly para sa kaibigan. Subalit ang kasiyahan na pinagsasaluhan ng tatlong magkakaibigan, kalaunan ay may kapalit na pangyayari na hindi nila inaasahan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook