NATAPOS na kami sa aming mga gawain ng mas maaga sa ming dapat na uwian kaya kapuwa kami napa-upo ngayon ni Isiang sa sahig habang ang aming mga likuran ay nakasandal sa estanti ng librong tapos na naming punasan.
“Mukhang malakas pa po ang ulan sa labas, binibini. May dala ka po bang payong o kahit na anong pananggalang sa ulan?” ani ni Isiang kaya naglinga-linga ako.
“Umuulan pala?” tanong ko kahit na nakita ko na ang binatana ng silid aklatan na may mga tubig ngang dumadaloy at ang malakas na hangin na may dalang ulan.
“Opo, kanina pa po kaya, binibini! Hindi mo po ba napansin?” tanong naman sa kin ni Isiang.
“Hindi, eh! Mukhang masyado akong naaliw sa pagpupunas ng mga aklat at hindi ko na napansin ang pagbuhos ng matinding ulan. Kaya pala nilalamig ako dahil malakas pala ang ulan sa labas. Paano ka makakauwi nito?” nag-aalala kong turan dahil sigurado naman akong susunduin ako ni Virginia at alam kong magdadala iyon ng pananggalang sa ulan.
“Maliligo po ako sa ulan, binibini. Sanay naman na po akong maligo sa ulan kaya ayos lamang. Atsaka huwag mo na po akong alalahanin, mas mabuti pa po ay isipin ninyo kung paano kayo makakabalik sa inyong silid pahingahan. Nagsisimula na rin po kasing dumilim,” anito.
“Ah! Wala ‘yan sabi ni Virginia kanina ay susunduin n’ya ako ngayon kaya sa malamang ay papunta na iyon dito na may dalang pananggala sa ulan na ito at para sunduin na ako,” nakangiti ko namang banggit na siya namang ikinabago ng ekspresiyon n’ya.
Hindi nga pala sila maayos nila Virginia.
“Kaya po pala, mabuti po ‘yan. Dapat ka po talaga nilang alagaan ng mabuti lalo pa at mukhang ikaw na po ang susunod na magiging reyna ng unibersidad na ito.”
“Ha? Naku! Malabo yata ‘yan mangyari, Isiang!” pagtatanggi ko naman.
“Naku! Binibining Ina, kapag si Uno na po ang namuno sa buong unibersidad ibig sabihin po noon ikaw na rin ang ituturing na reyna ng buong unibersidad. Huwag n’yo na pong itanggi dahil halata naman!”Palabas na kami ni Virginia ng may mga nakasalubong kaming mga kababaehan na nagbubulong-bulangan at kasabay n’on ay ang kanilang maliliit na hagikhikan. Napapatingin na nga lang kami sa kanila dahil agaw pansin talaga kung paano sila kumilos.
Nakakapagtaka naman.
“Anong meron, Virginia? May ideya ka ba? Lahat na lang ng mga kababaehan na ating nakakasulubong ay pare-pareho ang mga reaksiyon,” pagsasatinig ko ng aking pagtataka.
Mabilis naman na napatingin sa kin si Virginia. “Kahit ako ay nagtataka rin po, binibini, ang lakas po ng ulan kanina n’ong ako ay dumating dito kaya hindi na ako nag-abala pang magtitingin sa paligid kung may mga aktibidad bang isinasagawa ang mga kataas-taasan o ang tanggapan nila Uno. Wala po ba siyang nabanggit sa ‘yo?” mahabang turan ni Virginia na siyang agad ko namang inilingan.
“Wala naman siyang nabanggit sa kin atsaka isa pa ay kakatapos lamang n’ong aktibidad nila kahapon kaya impossible naman sigurong meron na naman dahil alam nilang pagod naman na ang mga nilalang na ninirahan dito, sa tingin mo?” anang kong muli.
“Sabagay po! May punto po kayo d’yan, binibini. Tumuloy na po tayo? Baka po kasi lalong lumakas ang ulan at matagalan po tayong hintayin ang pagtigil ng ulan. Hindi ko po kasi alam sa inyo kung bakit lagi n’yong mas nais na maglakad mula rito pauwi, eh, pwede naman po tayong maglaho na lamang,” anito ngunit ngumiti ako sa kan’ya.
“Minsan mas mainam naman na makapaglakad-lakad upang mabilis na matunaw ang mga kinain natin atsaka sanay kasi akong naglalakad mula sa paaralan ko dati sa Intramuros hanggang pauwi. Pasensiya ka na kung pati ikaw ay napapagod sa kin,” ani ko na lamang.
“Naku! Sino pong nagsabi na napapagod ako? Mas mabuti nga po iyon kasi nakakapag-usap pa tayo habang tayo ay naglalakad pauwi sa ating silid pahingahan,” aniya ni Virginia at mabilis napinulupot sa aking kanang balikat ang kan’yang kaliwang kamay.
Napatawa naman ako habang tinitignan ko siya dahil masayang-masaya talaga itong naglalakad habang nakahawak sa kin. “Ang saya mo naman yata, Virginia? May nangyari ba?” tanong ko naman.
“Wala naman po, binibini! Masaya lang po ako kasi kanina habang nasa silid aklatan ka po ay may sinubukan akong bagong uri ng pagluluto. Matagal ko na po iyong sinusubukan na lutuin ngunit hindi ko lang po talaga makuha-kuha ang tamang lasa ngunit masayang-masaya po ako dahil n’ong sinubukan ko po ulit kanina na iluto ang putahe na iyon ay nakuha ko na po ang tamang tamis at alat!” pagmamalaki nito habang ginagawang tungkod ang dala-dala n’yang payong.
“Aba! Magandang balita naman pala! Nasabik tuloy ako na tayo’y tuluyan nang makauwi upang matikman ko na ang iyong sinasabi,” sagot ko naman.
Natahimik kaming naglakad palabas ng silid aklatan at mas lalo pa nga kaming nagtaka at paminsan-minsan ay nagkakatinginan ni Virginia dahil ang daming mga tao at bampira ang nakahilera rito sa may labasan ng silid aklatan na animo’y may pinapanood na kaaya-ayang palabas.
“Si Uno ba ‘yon?” tanong ng isang babae na malapit na sa amin. Nasa may likod na kasi sila banda.
“Hoy si Uno nga! Nagsasayaw siya sa ilalim ng ulan!” bulalas naman ng isa habang napatakip pa sa kan’yang bibig.
Hindi naman halata na gulat na gulat siya sa kan’yang nakikita.
“Hindi ako makapaniwalang nakikita ko si Unong sumasayaw sa ilalim ng napakalakas na ulan! Mas lalong lumalabas ang kan’yang kaguwapuhan kapag nababasa ang kan’yang buhok!” aniya ng isa sa tatlong babae na nagkukumpulan sa kanan namin.
Pinalo-palo pa n’ong babaeng nasa gitna ang babaeng nasa kan’yang kaliwa. “Lalong nakikita ang hubog ng kan’yang katawan!” sabi n’ya pang humahagikhik at nagtatalon-talon pa ng kunti.
Sinadya talaga namin ni Virginia na hindi muna magsalita at pakinggan na lamang ang mga sinasabi at mga maari pang sabihin ng pinahalong mga mortal at bampira sa aming harapan.
“Ano bang ginagawa ni Uno d’yan? Pinarusahan pa siya ng kan’yang lolo at lola?” dinig ko na namang saad.
“Kanina pa ba siya? Basang-basa na siya! Parang gusto ko na lang tuloy na lapitan siya at ako na lamang mismo ang magpahid ng mga tubig na dumadaloy sa kan’yang katawan!” kinikilig n’ya pang saad. Hindi ba nila alam na baka nasa paligid lang ang babaeng nililigawan ni Uno?
“Tumahimik ka nga! Baka marinig ka ni Binibining Hiyas o ‘di kaya ni Binibining Ina! Gusto mo bang masabunutan o ‘di kaya ay mapahiya?!” sita ng kasama n’ya. Mabuti pa ang isang ito hindi lang puro kalandian ang inuna dahil nag-iisip pa rin. Mas mabuti ang gan’yan mas malayo sa kapahamakan.
“Wala naman sila rito! Hayaan mo muna! Atsaka ang asawa nga naagaw, eh! Wala pa ngang sila! Kahit na sino sa dalawang babaeng binanggit mo ay wala namang karapatan na awayin ako dahil hindi naman sila!” madahas na ani ng babae kaya napatingin sa kin si Virginia. Nagkibit balikat lamang ako bilang tugon sa kan’ya.
“Alam mo may punto ka rin naman! Ang gandang lalaki talaga ni Uno, ano? Sarap tuloy sumigaw ngayon na palahi naman! Ganoon!” sagot naman n’ong isa.
Pilipina, mahaba ang pasensiya mo hindi ba? Habaan mo pa ang pisi mo! Kailangan mong magtimpi hindi kasalanan ng mga babaeng nasa harapan mo kung agaw pansin at talaga namang maganda ang lahi ng lalaking nanliligaw sa ‘yo. Walang may kasalanan, ang mahalaga naman ngayon ay ikaw naman ang niniligawan at hindi ang iba. Pangungumbinsi ko na lamang sa aking sarili. Hindi ko nagugustuhan ang mga naririnig ko kaso may punto rin naman sila na wala naman akong karapatan na awayin man sila kung sakali dahil hindi nga naman kami.
“Halikana, Virginia? Mukhang mamaya pa titila ang ulan na ito mas mabuti siguro kung magsimula na tayong maglakad upang makatulog na tayo ang sarap pa naman matulog ngayon dahil sa malamig na hangin,” bugnot na ani ko kay Virginia. Ayaw ko naman makipagsiksikan sa mga babaeng ito.
“Sigurado ka ba, binibini? Hindi mo lang po ba titignan si Uno?” tanong naman n’ya.
“Gustuhin ko naman ay hindi naman natin magawa. Tignan mo nga nagsisiksikan na sila d’yan sa may daanan,” sagot ko naman sabay nguso ng grupo ng mga babae na nagtutulakan na mapanatili lamang kung nasaan sila. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isipan nitong si Uno at nagsasayaw siya sa harapan pa talaga ng silid aklatan at sa malakas pa talagang ulan.
“Maari ko naman po silang pakiusapan na padaain tayo, binibini,” determinadong saad ni Virginia ngunit ako naman ang umiling.
“Hayaan mo na. Ano naman kasi ang pumasok sa isipan ng Panginoong Uno na ‘yan at nagsasayaw siya rito sa gitna pa talaga ng malakas na pagbuhos ng ulan,” maktol ko naman. Gusto ko rin naman siyang makitang sumayaw!
“Kinakapatid! Nandiyan ka na pala! Kanina ka pa hinihintay ni Uno!” malakas na sigaw ni Dos mula sa kanan ng pasilyo. Ayan tuloy lahat ng mga kababaehan kanina ay nilingon kaming dalawa ni Virginia.
“Binibining Ina! Padaanin n’yo nga ako! Bilis!” busangot na saad ni Tres habang nanggaling doon sa baba ng hagdanan na siyang dinadaanan upang makababa. Naglalakad ito paakyat habang si Dos ay papalapit din sa min.
“Anong kailangan n’yong dalawa sa kin?” takha kong tanong. Dahil sa kagagawan ni Tres ay unti-unti ko na nga nakikita si Uno na nagsasayaw sa gitna ng ulan. Nasaksihan ko na rin ang pinagkakaguluhan ng mga kapuwa ko babae kanina, tama naman sila n’ong sinabi nilang mas lalo pa ngang lumabas ang taglay na kaguwapuhan ni Uno matapos na mabasa ng ulan ang kan’yang buhok pababa ng kan’yang mukha at ng kan’yang katawan. Hindi ko rin naman ikinakaila na gumuguhit na nga sa kan’yang suot ang malalaki at maganda n’yang katawan lalo na sa may bandang tiyan, para bang may iilang umbok doon na parang pandesal ang laki. Bakit parang lalong lumakas ang karisma na meron si Uno.
Napahiyaw at napasinghap ang lahat ng bigla itong gumiling-giling.
“Gan’yan nga, pinsan, gan’yan! Ibaba mo pa nandito na si kinakapatid na Ina!” hiyaw naman ni Dos kaya mabilis na itinaas ni Uno ang kan’yang mga mata at nang magtama na nga ang aming mga tingin ay agad itong ngumiti sa kin.
“Napakatamis naman!” agad na komento ni Virginia at siniko pa ako sa aking tagiliran.
“A-ano bang nangyayari? Hindi ba siya magkakasakit sa ginagawa n’ya? Bakit kasi nagsasayaw siya sa ilalim ng malakas na ragasa ng ulan na ito?” bulalas kong tanong sa dalawa n’yang kaibigan pero paminsan-minsan ay tinitignan ko naman si Uno na hindi na kinuha ang tingin sa kin kaya paminsan-minsan din ay napapangiti ako habang nagsasalita.
“Hintayin mo lang kasi, kinakapatid,” tugon naman ni Dos.
“Anong ibig mong sabihin na hintayin ko, Dos? Hihintayin kong mahimatay na lang ‘yan kasi basang-basa na at lamig na lamig na? Kahit gaano kalakas ‘yang pinsan mo lalamigin at lalamigin talaga siya, tignan n’yo nga! Basang-basa na siya!” bulalas ko naman.
Kibit balikat lang ang nakuha kong sagot mula sa dalawa kaya biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napamewangan ako. “HOY IKAW NA LALAKI KA! TUMIGIL KA NA NGA SA GINAWA MO AT PUMUNTA KANA RITO SA MIN UPANG MAKASILONG! GUSTO MO BANG LAMIGIN KA? ANONG AKALA MO SA SARILI MO? BATO NA HINDI MAKAKARAMDAM NG LAMIG? GUSTO MO TALAGA YATANG MAHIMATAY D’YAN! SIRAULO ‘TO!” paghuhumirintado ko. Tumigil naman siya pero hindi siya umalis sa kinatatayuan n’ya. Ngumiti pa nga ang mokong sa kin at tumayo ng maayos.
“ANONG NGININGITI-NGITI MO D’YAN? ANO? WALA KA BANG BALAK NA SUMILONG AT PAKINGGAN ANG SINASABI KO?!” muli kong sita sa kan’ya. Gusto pa yata nitong palitan ang rekord na nagawa ko sa pagpapabalik-balik sa pagamutan.
“PINSAN, NGAYON NA!” hiyaw din ni Dos at may kung anong malaking pinta ang inihagis si Tres na agad namang nasalo ni Uno.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na naman ang kalahati ng aking mukha sa pinta na iyon ngunit mas nakuha ng nakasulat sa kalahati ng pinta na iyon ang aking atensiyon.
Anong ibig sabihin ni Uno?!
“HALA! BINIBINI! MAARI RAW PO BANG MAGING KAYO NA NI UNO! HALA!” bulalas ni Virginia sa kin atsaka mahina na akong pinagpalo-palo sa aking balikat. Pati na rin ang mga ibang nandirito ay naghiyawan na rin. May iba pang sumisipol.
Ma-maari bang maging tayo na, aking binibini? Pagababasa ko sa aking isipan ng mga katagang nakasulat sa kan’yang ginawang pinta.
“BINIBINI! NAKU PO!” dinig ko na namang bulalas ni Virginia.
“SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN!” umpisang kantiyaw ni Dos kaya sumunod naman sa kan’ya ang iba.
“SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN!” kantiyaw ng mga nandirito at lumalakas nga ito ng lumalakas kasabay din ng paglakad ng ulan.
“UNO! TIGILAN MO NA NGA ‘YAN! SUMILONG KA NA MUNA RITO!” nagawa ko pang isigaw dahil higit sa kasiyahan na nararamdaman ng puso ko ngayon ay hindi mo mawawala ang kabang meron ako dahil baka lamigin na siya sa kan’yang ginagawa.
“HINDI AKO SISILONG HANGGAT HINDI MO AKO SINASAGOT!” balik din n’yang hiyaw lalo at kung gagamitin lang namin ang pangkaraniwang lakas ng aming mga boses sa pagkakataon na ito ay sa malamang hindi na kami magkakarinigan.
Nalambot naman ang mga tuhod ko sa sinabi n’ya. “HU-HUWAG KA NA NGANG MAGMATIGAS D’YAN! DITO NA TAYO MAG-USAP SUMILONG KA NA MUNA KASI!” muli kong giit ngunit inilingan n’ya ako.
“Sagutin mo na lang kasi, kinakapatid. Hindi mo ‘yan mapapasilong hanggat hindi nakukuha n’yan ang gusto n’ya. Bahala ka, lamigin pa naman ‘yang si Uno n’ong mga bata kami kaya kung matatagalan pa siya sa ilalim ng ulan ay talagang mangyayari ang naiisip mo. Buti na lang talaga ako guwapo lang,” pangongonsensiya pa sa kin ni Dos. Hindi ko alam kung talaga bang nag-aalala s’ya sa pinsan n’ya o pinagmamalaki n’ya na naman na guwapo siya.
“Anong sasagutin? Bakit ba kasi? Pwede naman na dito na lang, ah?” bulalas ko na naman.
“UNO! ANO BA! LALO NG LUMALAKAS ANG ULAN! SUMILONG KA NA KASI!” iritado ko ng saad. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Kung dapat ba akong magalit o masayahan sa ginawang ito ni Uno.
“SAGOT NA KASI! ANO? PWEDE NA BANG MAGING TAYO?” sagot naman ni Uno sa kin. Napapadyak na lang ako, ang tigas ng ulo ng isang ‘to!
“Mukhang nakikiayon pa nga ang ulan. Mas lalo pang lumalakas,” aniya ni Dos kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin pero pasimple siyang sumipolsipol at iniba ang direksiyon ng kan’yang mukha.
“SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN!” pagpapalakas na naman ni Dos ng kanilang sigaw. Napailing na naman ako sa pinaggawa nila.
“BINIBINI! SAGUTIN MO NA PO KASI SI PANGINOONG UNO!” hiyaw naman ni Virginia, lumakas na kasi ang hangin at pati kami na nakatayo rito sa b****a ay nababasa na rin.
“OO NGA PO! SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN!” sabat naman ng mga nasa likuran namin.
Argh! Bakit parang wala na akong ibang pagpipilian?!
“UNO! ANO BA! MAKINIG KA NA NGA SA KIN! SUMILONG KA NA RITO AT DITO TAYO MAG-USAP NA DALAWA!” muli kong hiyaw ngunit nanatili siyang nakatayo roon.
“SIMULA N’ONG ARAW NA NAKITA KITA SA KAINAN ALAM KONG TINAMAAN NA AGAD AKO NG PANA NI KUPIDO. PAMBIHIRA NA NGA ANG IYONG TAGLAY NA KAGANDAHAN MAS LALONG MO PANG PINAHANGA ANG ISANG KATULAD KO SA TAGLAY MONG KABAITAN. SIMULA N’ONG NAGKAHIWALAY ANG LANDAS NATIN PINANGAKO KO NA SA AKING SARILI NA HIHINTAYIN KO, NA ANG TADHANA NA MISMO ANG MULING MAGTAGPO SA TIN, KUNG HINDI MAN AY GAGAWIN KO ANG LAHAT MAKITA LAMANG KITANG MULI. AKALAIN MO NGA NAMAN IYON, PAREHONG NANGYARI, TALAGA NGANG NAKIAYON ANG TADHANA SA ATIN.”
Siraulo ‘tong lalaking ‘to! Balak na naman yatang paiyakin ako!
“ILANG TAON AKONG NAGTIIS NA SUNDAN AT TIGNAN KA LAMANG SA MALAYUAN. NAKONTENTO LAMANG AKONG MAHALIN KA AT IPARAMDAM SA ‘YO ANG AKING PAGMAMAHAL SA PAMAMAGITAN NG AKING PAGPINTA. PAGPINTA KO SA IYONG KAAYA-AYANG MUKHA. HINDI KO MAGAWANG MULI KANG LAPITAN KAHIT KAYA KO NAMAN, KAHIT MAY PAGKAKATAON NAMAN. ALAM MO KUNG BAKIT? KASI GANOON KITA KAMAHAL NA MAS MABUTI NA LAMANG NA MASAYA KA KAHIT SA PILING NG IBA.”
Ano bang pinagsasabi n’yang iba!?
“SA NAGDAANG MGA ARAW MAS LALO PA KITANG NAKILALA, MAS LALO KO PANG NAKASAMA ANG BABAENG LAGING NASA AKING PANAGINIP. ANG TANGING BABAENG NAKAKAPAGPATIBOK NG AKING DADAMDAMIN SA TUWING SIYA AY NGINGITI. ANG TANGING BABAE NA NAGDUDULOT SA KIN NG MALAKAS NA SENSASYON SA TUWING NAGKAKALAPIT ANG AMING MGA BALAT. ANG TANGING BABAE NA MAMAHALIN AT PATULOY KO PANG MAMAHALIN. SANA ANG BABAE RING IYON AY PAGBIGYAN ANG AKING KAHILINGAN. SANA MAGING AKIN KA NA LAMANG, HABAMBUHAY.” Biglang naghiyawan ang lahat habang ako ay abala nang pinupunasan ang aking mga luha habang si Virginia ay hinahaplos ang aking likuran.
“PILIPINA AMADOR! ISANG TANONG, ISANG SAGOT. PWEDE BANG MAGING TAYO NA?”
“SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN! SAGUTIN NA ‘YAN!” malakas na naman na kantiyaw ng mga naririto.
Bungisngis ako habang umiiyak. Unti-unti akong naglalakad pababa ng hagdan at nagsimula ko na ring maramdaman ang malakas na pagpatak ng ulan sa aking balat. Nakangiti si Uno habang mabilis n’yang binitawan ang hawak-hawak na pinta at agad na binuka ang kan’yang dalawang mga kamay upang hintayin ang aking pagyakap.
Kasabay ng pagdaloy ng tubig ulan sa aking mukha ay ang mga luhang bumabagsak mula sa king mga mata. Tuluyan na akong nakababa ng hagdan kaya mabilis kong tinakbo si Uno at yumakap ng mahigpit sa kan’ya habang humihikbi. Nagtagal ang yakapan na iyon ng ilang segundo bago ko inangat ang aking mga mata.
Pinunasan ko ang basang-basa n’yang mukha gamit ang aking mga palad. “Ngunit paano si Hiyas? Hindi ba at nakatakda kang magpakasal sa kan’ya?” agad kong tanong sa kan’ya na agad naman n’yang sinuklian ng halik sa aking noo. Nakapulot na rin ngayon sa king bewang ang dalawa n’yang kamay habang ang dalawa ko namang kamay ay nakapulupot na rin sa kan’yang leeg.
“Kaya kong iwanan lahat basta para sa ‘yo. Hindi nila ako mapipilit sa hindi ko naman gusto. Huwag ka ng mangamba, Ina, mahal na mahal kita,” aniyang nanunuot sa king kalamnan. Muli akong yumakap sa kan’ya ng mahigpit atsaka ko tinango ang aking ulo.
“Ay, oh! Tumango na! Tumango na, pinsan!” naunang pang bulalas ni Dos sa likod.
“Anong ibig sabihin ng tango mo, aking binibini?” paninigurado naman nitong siraulo.
Kahit basang-basa na rin ang mukha ko dahil sa ulan ay muli ko siyang tiningala at ngumiti ako sa kan’ya. “Ano pa bang ibig sabihin ng pagtango, Uno? Syempre, oo! Pumayag akong maging tayo na!” natatawa kong sagot pero agad kong naramdaman na binubuhat na n’ya ako.
“PUMAYAG NA SIYA!” hiyaw ni Uno atsaka ako inilibot-libot sa ere. Napuno ng palakpakan at hiyaw ang paligid ngunit nanatiling nakatuon ang aking atensiyon sa lalaking nasa akin ngayong harapan. Ibinaba n’ya ako at muling inayos ang aking mga buhok bago n’ya ako biglang hinalikan.
Nakangiti akong tinutugunan ang mga halik na binibigay n’ya sa kin. Muli kong pinulupot ang dalawa kong mga kamay sa kan’yang leeg habang ang kan’yang mga kamay ay nasa aking bewang upang tulungan akong makaangat at maabot siya. Ilang minuto rin bago kami naghiwalay upang kapuwa suminghap ng hangin. Sa aming pagbitaw ay pareho pa ring nakatuon ang aming mga mata sa ming mga labi.
“Mahal na mahal kita, Pilipina,” bulong nito habang inaagaw ang kan’yang hininga. Ngumiti naman ako sa kan’ya at muling tumango.
“Ganoon din naman ako,” sagot ko naman. Muli kaming nagyakapan na dalawa at muli n’yang inangkin ang aking mga labi. Sinakop na ng kan’yang palad ang kabila kong pisngi habang mas lalong dumidiin ang pagniniil ng aming mga labi.
Inay Pilar, ama, ang anak n’yo marunong nang humalik. Natatawa man ako sa aking iniisip ay damang-dama ko naman kung paano ako halikan ng lalaking nasa aking harapan na punong-puno ng pagmamahal, respeto at kalinga.
Masayang-masaya ako sa araw na ito, saksi ang malakas na ulan na ngayon ay bumagsak sa kung paano kami magiging kaisa ni Uno.
“Salamat, salamat, maraming salamat, Ina. Maraming salamat kasi dumating ka sa king buhay.”
Sanura’s POV
“Minerva! Isang palo mo pa sa balikat ko bibigwasan na kita!” singhal ko kay Minerva na nasa tabi ko ngayon habang nakatayo kaming apat sa hindi kalayuan kung nasaan ngayon si Binibining Ina at ang Panginoong Uno ay gumagawa ng eksena.
Maari namang mag-usap na lamang sila ng mas pribado, maari namang maghalikan na lamang sila kapag sila lang ang magkasama. Pero hindi nila ginawa, hind ko maintindihan kung bakit kailangang gan’yan pa. Mamatay pa rin naman kaming lahat.
“Kahit kailan ka talaga, Sanura! Wala ka man lang kaamor-amor sa buhay! Hindi ba pwedeng kinikilig lamang ako dahil sa sobrang tamis ni Binibining Ina at ni Panginoong Uno sa isa’t isa?!” sagot naman n’ya sa kin at mabilis na namang kinakalmot-kalmot ang balikat ko. Kita mo talaga ang isang ito! Kikiligin na nga lang mananakit pa!
Napabaling naman ako kay Karmila at Natalia na ngayon ay nagyayakapan na habang inuugoy-ugoy pa ang isa’t isa habang nakatingin pa rin sa dalawang magkasintahan na ngayon.
“Minerva! Hindi na ako natutuwa sa pinagagawa mo ha!” sita ko na naman kaya mabilis na inilayo ni Minerva sa kin ang sarili n’ya. Buti naman naisipan n’yang lumayo, nalililyo lang ako sa panay kilos n’ya na parang butete.
“Tsk! Kahit kailan ka talaga, Sanura! Ilan na naman bang ampalaya ang tinira mo at gan’yan ka na naman kapait?” saad na naman sa kin ni Minerva bago ako pasadahan ng tingin.
Sasagot pa sana ako ng bigla n’ya akong itulak at nakipagyakapan siya kina Natalia at Karmila. Nag-ingay lang sila nang nag-ingay na tatlo habang ako ay nakaekis na ang mga kamay sa aking harap habang nakatingin pa rin kina Binibining Ina at Panginoong Uno. Hindi ko rin naman mapigilang hindi mapangiti dahil dumanting na ang araw na aming lubos na hinihintay. Masaya ako para kay Binibining Ina at kay Panginoong Uno ngunit mas masaya ako sa ngalan ng ina ni Panginoong Uno. Sigurado akong nakangiti ‘yon ngayon habang pinagmamasdan ang kan’yang anak at ang babaeng mahal nito sa malayo.
Napatingin si Virginia sa gawi ko kaya agad kaming nagkangitian. Wala na akong ibang iniisip ngayon kundi ang kasiyahan dahil sa wakas ang apat na babaeng ito na tinuturin ko ng aking mga kapatid ay makakalaya na sa dilim ng nakaraan. Sa wakas hindi na namin kailangan pang mangamba pa dahil baka hindi namin maisagawa ng mabuti ang aming mga katungkulan. Makakatulog na kami ngayon ng mahimbing dahil alam na naming lahat ng aming mga ginawa ay nagbunga na.
Sa wakas lahat ay nasa ayos na. Sana wala ng magbago pa.
Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuoan ng pasilyo ng nagkatagpo ang mga mata namin ng mortal na pinakahuli kong gustong makita sa mga oras na ito. Mabilis na nagbago ang emosiyon sa kan’yang mga mata mula sa kasiyahan at pagkasabik habang pinagmamasdan din sila Uno ay bigla na lamang itong napalitan ng galit at paghihiganti.
Tinapunan n’ya ako ng nanlilisik na mga tingin bago ito naglakad paalis at tinahak muli ang daanan papasok ng silid aklatan kung saan din maaring dumaan upang makapunta sa kanilang komunindad.
Isiang, hanggang kailan ba kayo mabubuhay sa kasinungalingan?
Pilipinas’ POV
“Uno! Lumapit ka na rito sa kin at ng mapunasan ko na ang basang-basa mong buhok! Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng gawin ay ‘yon pa ang naisip mo?” singhal ko sa kan’ya. Nakabihis na ito ng panibagong damit ngunit basa pa rin ang kan’yang buhok may iilan pa ngang butil ng tubig ang nanalaytay sa kan’yang mga braso.
Umupo siya sa paanan ng kan’yang higaan kaya lumapit naman ako sa kan’ya habang nakaluhod sa taas ng kan’yang higaan. Maingat kong ipinulupot sa kan’yang buhok ang hawak-hawak kong tuwalya na pinahanda ko sa kan’yang kasama sa bahay.
“Wala naman talaga sa plano ‘yong ulan. Hindi naman namin alam na uulan pala. Nandoon na rin naman ako kaya ginamit ko na ang kagandahan ng ulan,” rason naman n’ya sa kin kaya diniinan ko ang pagkakahawak ng tuwalya sa kan’yang buhok.
“Totoo bang lamigin ka? Kung totoo man! Siraulo ka! Hindi mo ba naisip na baka kung anong mangyari sa ‘yo roon kanina? Paano pala kung nataggalan pa ako sa paglabas o ‘di kaya ay nakauwi na ako, anong gagawin mo? Magpapaulan ko roon buong magdamag?” sumbat ko naman.
“Dahan-dahan lang naman, huwag masyadong madiin,” anito ngunit mas lalo ko pang ngang diniin ang pagkakahawak. Hinawakan n’ya ang likod ng aking palad na nakahawak sa tuwalya atsaka muling nagsalita.
“Gusto ko lang naman ibigay sa ‘yo ang mga bagay na pinaka sa pinaka. Alam ko naman na lalabas kana sa silid aklatan ng ganoong oras kaya alam kong hindi naman na ako magtatagal sa ulanan. Ikaw lang ‘tong ang tagal sumagot kaya ayan tuloy basang-basa ako,” anang n’ya.
“Kasalanan ko pa pala? Ako pang sinisi mo sa mga pautot mo! Sino ba naman ang nagsabi sa ‘yong magagaganoon ka? Pwede naman nating pag-usapan ng mas masinsinan ang mga bagay na ‘yon na kahit tayong dalawa lang!” singhal ko na naman. Ayan tuloy saksi pa ang karamihan at alam pa ng mga mag-aaral na nandoon kanina ang nangyari sa min.
“Kung pwede nga lang sa harapan ng lahat ng tao o bampira ako magganoon ayos lang. Gusto ko kasing ipagmalaki ang babaeng mahal ko. Hindi naman nararapat sa ‘yo na ikubli! Sa ganda mong iyan ay dapat ka lang naman talagang ipagmalaki!” pamumuri n’ya.
Mabilis n’yang hinawakan ang kanan kong kamay at hilahin ako pa-upo sa kan’yang kandungan. Itinapat n’yang ang tungki ng aming mga ilong sa isa’t isa bago ako tignan direkta sa aking mga mata.
“Mahal kita kaya ayaw kong maagaw ka pa ng iba.”