IKA-DALAWAMPU’T TATLONG KABANATA

4878 Words
            PAGKAHAKBANG na pagkahakbang ko pa lamang sa loob ng silid aklatan ay bumalandra na agad sa harapan ko si Ginang Melchor na matatalim na naman ang pinupukol na tingin sa kin. Guhit-guhit sa kan’yang mukha ang pangkaraniwan n’yang aburidong ekspresiyon at naka-ekis na ang dalawa n’yang kamay sa harapan.             “Nandito na pala ang paraluma ng gabi,” matigas n’yang bati. Nagtaka naman agad ako dahil ang aga ko pa nga kung tutuusin. Ano na naman ang nagawa kong kasalanan sa kan’ya?             “Magandang hapon po, Ginang Melchor,” alanganin kong bati. Nabigla ako ng bigla siyang naglilinga-linga sa paligid at ilang saglit lang ng hawakan n’ya ang aking mga kamay at hinila ako sa likod ng isang lalagyan ng mga aklat.             Nanginginig ang mga kamay n’ya at ang mga mata n’ya ay mukhang may gustong sabihin na importante sa kin. Anong nangyayari sa kan’ya?             “Ma-masama po ba ang pakiramdam n’yo, ginang?” mas kinakabahan pa yata ako sa mukha n’ya ngayon kaysa sa mga oras na pinagagalitan n’ya ako.            “Hinatid ka ba ni Uno kanina?” panimula n’ya. Hawak-hawak na n’ya ngayon ang dalawa kong mga palad.            Mas lalo akong naguguluhan sa mga inikilos n’ya.            “Opo, hinatid n’ya po ako may kailangan po ba kayo sa kan’ya? Maabutan n’yo pa po siya kung lalabas kayo ngayon,” ani ko naman.            “Hindi, hindi si Uno ang kailangan ko ngayon, ikaw,” seryoso nitog saad.            “Tungkol po ba saan ito, ginang?” ani ko naman. Nakatitig ako sa kan’yang mga mata at bigla na lang itong lumumbay. Ngayon ko lamang nakita ang gan’yang ekspresiyon sa kan’yang mga mata.            “May kailangan akong sabihin sa ‘yo. May kailangan kang malaman, kailangan mo itong sabihin kay Uno,” anito. Sasagot na sana ako sa kan’ya ng may mapansin akong anino sa may hindi kalayuan sa min.            “Ginang, mukhang may nilalang doon,” saad ko sabay turo ko sa kinaroroonan ng anino. Mabilis naman iyong tinignan ni Ginang Melchor pero nawala ang anino bigla.            “Putangina ka talagang bata ka! Kahit kailan pinapainit mo ang ulo ko! Wala ka man lang ginawang tama! Ang sarap mong sabunutan!” biglang singhal na n’ya sa kin at aambihin pa sana n’ya akong sasampalin.            ‘Yong totoo? “Ginang, ano na naman po ang mali kong ginawa sa inyo? Parang lahat na lang po ng gagawin ko ay mali sa paningin n’yo,” aniya ko naman. Hindi ko siya naiintindihan biglang babait tapos ngayon manininghal na naman. Nasisiraan ba siya ng bait kaya ganito na lamang siya umasta?            “At talagang sumasagot ka pa?! Anong pinagmamalaki mo sa kin ngayon?! Porket ikaw ang reyna ng gabi kagabi!? Akala mo naman kung sino kang maganda! Kagabi lang ‘yon huwag kang ilusiyonada! Ngayon balik ka na sa pangkaraniwan mong buhay kaya utusan na kita sa lugar na ito! Pupunta-punta ka rito ng maaga?! Sino ka sa tingin mo para lumabas at pumasok sa silid aklatan na ‘to sa tuwing gusto mo lang?! Hindi sa lahat ng oras ay nandito si Uno para protektahan ka kaya hindi kita sasantuhin!” singhal na naman n’ya. Napadiin na ang pagkakahawak n’ya sa dalawa kong mga palad kaya tahasan ko na iyong iwinaglit atsaka ako lumayo sa kan’ya.            “Ginang, huwag n’yo pong hintayin na mawalan ako ng respeto sa inyo bilang mas nakakatanda. Ano pong pinagsasabi n’yo? Wala na po kayo sa lugar!” bawi ko naman kaya mas lalo n’ya rin akong pinandilatan ng mga mata.            “Balita ko nagkasagutan kayo ni Binining Hiyas kagabi. Kamusta? Pinahiya ka ba n’ya? Sabi ko naman kasi sa ‘yo hindi kayo nababagay ni Uno kaya huwag kang umasa na hanggang sa huli ay paninidigan ka n’ya, ayan tuloy kawawa ka, umaasa ka, eh, nangangarap ka ng sobrang tayog na hindi naman nababagay sa ‘yo,” saad nito habang nakataas na ang mga kilay.            Natawa ako sa mga sinabi n’ya. “Mukhang iba po yata ang balitang dumating sa inyo, ginang. Itanong n’yo po sa Binibining Hiyas ninyo kung sino ang napahiya sa min matapos akong kampihan ni Uno. Sino po kaya sa min ang nanggagalaiti matapos akong isakay ni Uno sa kabayo n’ya at dalhin sa lugar na gustong-gusto n’ya? Hindi naman po sa nagmamayabang po ako, ginang, pero higit pa sa nakikita ninyo ang relasiyon na meron kami ng Panginoong Uno n’yo. Marami pa po kayong hindi alam tungkol sa min kaya maghinay-hinay po kayo sa pagbabaliktad sa kin. Kahit ano pang sabihin at gawin n’yo babalik at babalik sa kin si Uno. Natanong n’yo bakit? Kasi pati tadhana nakikiayon sa kung anong meron kami ngayon,” sarkastiko kong saad habang pinalalakihan na rin siya ng mga mata. Hindi naman pwedeng lagi na lang sila ang manalo. Hindi nga ako sinisinghalan ng nanay ko sa pamamahay namin tapos sila singhal sila nang singhal sa kin kung kailan lang nila gusto? Hindi naman ako pinalaking duwag ng mga magulang ko.            “Pwe! Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo ano, Amador? Talaga bang gan’yan kakapal ang iyong pagmumukha? Hindi na ako nagtataka kung bakit namumukod tangi ka sa selebrasiyon kagabi. Sa sobrang kakapalan ng mukha mo pati ang mga dapat hindi mo inaangkin, inaangkin mo na. Hindi ka ba natatakot na kapag narinig ng iba ang mga pinagsasabi mo ay maari ka nilang saktan dahil pawang kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo?” asik na naman n’ya sa kin pero hindi ako nagparindi.            Ngumisi ako sa kan’ya. “Bakit naman po ako magsisinungaling? Hindi ko na po kailangang magsinungaling pa dahil lahat ng mga sinasabi ko ay totoo, lahat ng narinig mo po, ‘Ginang Melchor’, ay totoo. Bakit ako matatakot na sabihan at isiwalat ang katotohanan?”            “Alam mo ang dami mong sinasabing bata ka! Inuna mo pa ang makipagsagutan sa kin kaysa umpisahan ang mga gawain at tungkolin mo rito. Wala ka talagang modo kahit kailan!” sumbat na naman n’ya. Kita mo talaga ang isang ‘to. Siya nga itong nagdala sa kin dito tapos ako na naman ang mali. Saan ako lulugar sa kan’ya.            “Ito na po magsisimula na po,” ani ko naman atsaka ako naglakad papabalik sa mesang lagi kong pinapatungan ng mga dala ko.            “Binibining Ina!” bulalas ni Isiang na kakarating lamang. Ngumiti ako sa kan’ya at mabilis siyang pinalapit sa kin.            “Binibini, ang ganda mo naman po kagabi! Sabi ko na nga ba at ikaw ang hihiranging paraluma ng gabi, eh!” aniya.            Ngumiti naman ako sa kan’ya ng ubod ng lapad. “Salamat, Isiang!”            Sabay kaming naglakad at nagsimula na namang ayusin at punasan ang mga llibrong napuno na ng alikabok sa tagal ng hindi nakukuha sa lalagyanan. “Kahit sa malayo ako nakatingin kitang-kita ko pa rin po ang kagandahan ninyo pati na rin ni Panginoong Uno, binibini! Nagsasaya po kaming mga magkakasama ko sa komunindad dahil nakita namin kung paano kayo hadkan ng Panginoong Uno! Mukhang ito na po ang pagkakataon at ang tamang panahon para makaligtas na kami at makapagpahinga na po kami sa pang-aalipusta at pang-aalipin sa min ng mga bampira,” saad ni Isiang na siyang natigilan ako. Napatingin talaga ako sa kan’ya ng ubod ng diin. Gusto kong makita ang mga mata n’ya kung tugma ba ang sinasabi n’ya sa mga sinasabi ng kan’yang mga mata ngunit hindi siya nakatingin sa kin at nagpapatuloy lamang na magpunas ng librong kaharap n’ya.            “Hindi ba, binibini? Maasahan naman po namin ang inyong pag-intindi?” muli n’yang untag sa kin kaya nagmamadali akong sumagot.            “O-oo naman! Basta nasa lugar at nasa katwiran kayo ay talaga namang maasahan ninyo ang aking pag-intindi, ako pa mismo ang tutulong sa inyo,” sagot ko naman. Napansin ko ang pagkawala ng kan’yang mga ngiti ngunit agad n’ya iyong ikinubli sa pag-iwas sa kin ng kan’yang mga balintataw at muli iyong ibalik sa kan’yang ginagawa.            Sino nga ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa inyo? Ayaw kong manghusga kaya hanggang kaya ko ay mas gugustuhin ko na lamang na tignan ang mga bagay-bagay sa mas malaking larawan. Kailangan kong mangalap ng impormasiyon mula sa iba. Pinagkakatiwalaan ko sila Virginia lalo na si Uno ngunit hindi ko rin naman maaring baliwalain ang mga narinig at nakita ko n’ong napunta ako sa kanilang komunidad. Hindi naman ako nanggaling sa marangyang pamilya ngunit mula n’ong makita ko ang sitwasyon ng mga kapuwa ko mortal ay inusig din ang aking puso. Ano man ang sabihin nila ay kalahi ko pa rin sila Isiang. Ngunit kapag natuklasan kong sila ay nagkamali at nagsisinungalin sa kin ako pa mismo ang magnanais na sila ay tuluyan nang parusahan. Hindi na sumagot pa sa kin si Isiang kaya natahimik na kaming dalawa habang pinagpatuloy ang aming ginagawa.   Third Person’s POV               Sa tanggapan ng mga mag-aaral ay makikita ang tatlong lalaki na siyang tinitingala at renerespeto ng lahat. Sila ay seryoso na animo’y pinapupulungan ang isang napaka-importanteng bagay, sina Uno, Dos at Tres.             “Talaga bang maganda ang gan’yan, Dos? Alam mo bang ang pinagtawanan n’ya ang iyong itinuro sa kin na kurdon!” singhal ni Uno kay Dos kaya agad itong napa-atras at lumayo kay Uno.             “Sigurado ka ba? Ano ba namang klase ng babae ‘yang si Ina, Uno! Halos lahat ng ginawan ko ng ganoon halos maghandusay na sa harapan ko dahil sa kakiligan. Walang paltos iyon!” pagmamalaki naman ni Dos.                      “Nagustuhan naman daw n’ya ngunit pakiramdam ko naman ay hindi n’ya naman ganoon ka gusto,” muling wika ni Uno.             “Baka naman kasi naiisip ni Ina na ginawa siyang aso ni Uno, hindi ba at nilalagyan ang mga alagang aso ng kurdon bilang palatandaan?” natatawa namang saad ni Tres kaya naningkit ang mga mata ni Dos.             “Ang sabihin mo, Tres, wala kang alam sa mga bagay patungkil sa panliligaw. Palibhasa wala ka ng ibang ginawa kundi ang kontrahin at kontrahin ako. Huwag kang masyadong maglalapit sa kin dahil hindi tayo talo, pare,” tugon na naman ni Dos.             “Ulol mo! Hindi naman kasi ibig sabihin na nagustuhan ng mga naging babae mo ang bagay na iyon, Dos, ay magugustuhan din ni Ina. Iba-iba ang mga babae kaya kung para sa karamihan iyon ay nakakausig ng puso baka naman kay Ina ay hindi, ganoon lamang iyon kasimple,” paliwanag naman ni Tres at dumekwatro na, sabay lagay ng dalawa n’yang kamay sa likod ng kan’yang batok.              “Ano nga? Ano nga ang mas mainam na gawin? Bigyan n’yo ako ng mainam na plano na dalawa dahil kung hindi magpasensiyahan na lamang tayo pero ibibitin ko kayo ng patiwarik,” pananakot ni Uno na nagkakasalubong na ang kilay at seryosong-seryoso ng nag-isip.             “Ano ba kasi ito, pinsan! Akala ko ba naka-amin ka na kay Ina? Bakit kailangan mo na naman ng panibagong pakulo? Hindi ba at napakarami mo ng ginawa para sa kan’ya? Aba’t ang guwapo naman ng lahi natin para mansuyo nang mansuyo ng mga babae! Dapat sila nga ang sumuyo sa tin, sayang lang ang lahi natin kung ikukubli lamang sa dilim,” mahangin na namang ani ni Dos habang ang dalawa ng mga paa ay nakadantay pa sa mesa at minamasahe pa nito ang paligid ng kan’yang bibig.             “Dos, sa tingin mo nakikipagbiruan ako?” nag-iigting na ang bagang ni Uno kaya mabilis na napalunok si Dos at napaayos na nang upo.             “Ayan kasi, inuna pa ang dada kaysa mag-isip ng matinong paraan,” sabat naman ni Tres kaya nakatikim din siya ng matalim na titig mula kay Uno.             “Oh, siya, siya. Ano bang nais mong mangyari? Bakit nga ba kasi tayo nag-iisip ng panibagong plano upang masurpresa si Ina. Ano bang meron? Kaarawan n’ya? Unang pagkikita n’yo? Ano, pinsan, ano?” asik na naman ni Dos kay Uno.             “Kailangan n’yo pa ba talagang malaman? Hindi ba pwedeng isipan n’yo na lang ako ng mga mainam na gawin upang mapasaya ang isang babae?” aniya naman ni Uno.             Inusog ni Dos ang silyang kan’yang kinauupuan mas dikit sa mesang nasa harapan nila. “Pinsan, paano kami makakapag-isip ng matino kung hindi naman namin alam para saan ba ang gagawin mo? Mas mainam naman na may alam kami para naman maiangkop naman namin ang mga suhestiyon na aming ibibigay,” pagrarason naman ni Dos.                Natahimik si Uno at bigla itong napapikit. Nagkatinginan naman si Dos at si Tres. Panay pa ang senyas ni Dos kay Tres na suportahan nito ang kan’yang sinasabi. “Paminsan-minsan talaga gumagana naman ang utak nitong pinsan mo, Uno. Ngayon ay sasang-ayon ako sa sinabi n’ya napakarami naman kasi ng maaring rason bakit mo kailangang supresahin ang isang babae. Para mas mapaliit natin ang mga bagay-bagay, kailangan naman talaga naming malaman kung bakit at para saan,” pagsasang-ayon naman ni Tres.            Pumakawala muna ng malalim na buntong hininga si Uno bago n’ya ipinuwesto ang kan’yang magkahawak na kamay sa mesa. “Sa totoo n’yan ay gusto ko na siyang tanungin kong pwede na ba naming bigyan ng tuldok ang kung ano mang meron kami.”            “Putangina! Anong ibig mong sabihin, pinsan? Aalukin mo si Ina na maging kabiyak mo na?!” gulat na gulat na saad ni Dos at napatayo pa sa kan’yang kinauupuan.            “Gulat na gulat, Dos? Ano pa bang paliwanag ang nais mong marinig? Kahit kailan talaga ang hina ng utak mo,” kontra na naman ni Tres.            Sasabat na naman sana si Dos sa kan’yang kaibigan ng suminggit naman si Uno. “Tatanungin ko na siya ngayon kung pwede na bang maging kami. May problema ka ba roon, Dos?” tanong ni Uno sabay direktang tinapunan si Dos ng masamang tingin.            “Sabi ko nga ‘di ba? Uupo na lang ako, masyado akong mataas kaya ayaw kong mangalay ang mga leeg ninyo sa kakatingala sa kin,” anito at napahilamos pa.            “Ngayon sinagot ko na kayong dalawa. Ako naman ang sagutin ninyo ng matino, ano ang mas magandang gawin?” muling tanong ni Uno sa dalawa.            “Ano bang sa tingin mo ang gusto n’ya? Higit naman sa lahat ay ikaw ang nakakasama n’ya, Uno. Impossible naman na hindi mo napapansin kung saan siya mas masaya at saan siya hindi? Madali lang naman kasing mapasaya ang taong mahal mo lalo na kung kilala at alam mo ang ayaw at gusto n’ya,” mahabang wika ni Tres na siya namang nagpalaki sa mga mata ni Dos at nagpauwang sa kan’yang bibig.                                             “Kailan ka pa naging bihasa sa mga gan’yan, Tres? Ikaw ba ay nagkaroon na ng babaeng minahal? Bakit hindi ko ‘yan alam?” pang-aasar naman ni Dos kay Tres ngunit napaayos na siya ng tuluyan nang mapansin n’yang hindi na maganda ang paraan nang pagtingin sa kan’ya ni Uno.             “Maari mo siyang supresahin mamaya pagkalabas na pagkalabas n’ya sa silid aklatan. Maari kang kumanta o sumayaw, bahala ka. Mas maganda kasi na mas ipakita mo ang iyong pagmamahal sa kan’ya sa paraan na hindi lang siya ang nakakakita. Mas nakakagalaw nga naman ng puso kapag nakita mo ang lalaking hinihingi ang iyong kamay ay kaya kang ipangalandakan sa buong mundo,” seryoso namang suhestiyon ni Dos.             “May punto naman si Tres, higit sa lahat gawin mo ang mga bagay na magpapasaya sa kan’ya. Ang pagtatanong naman kasi sa babae kung maari mo ba siyang maging kabiyak ay parang pagpitas ng ubas sa inyong taniman. Kailangang masusi at maingat dahil kapag nagkamali ka ng pagpitas maari mong masira ang kabuoan ng mga ubas.”             “Binigyan mo pa si Uno ng palaisipan. Wala ka namang isip, puro kahinganan ang laman n’yang utak mo,” anas naman ni Tres.             “Alam ko na, basta mamaya ko na siya tatanungin kong pwede na bang maging kami,” determinadong saad ni Uno. Lingid sa kaalaman nilang tatlo ay nakatayo na pala sa harapan ng pintuan ng kanilang tanggapan si Binibining Hiyas Escudero habang nagpupuyos ng kan’yang galit. Ilang saglit pa ang katahimikan sa lugar habang malalim na nag-isip si Uno.             “ANONG IBIG SABIHIN NG MGA NARINIG KO, ZACARIAS?! NABIBINGI NA BA AKO O SADYANG IKAW ITONG NAHIHIBANG?!” paghuhurumintado ni Hiyas. Napatayo si Dos at Tres habang dire-diretso naman si Hiyas na tinahak ang daan papunta kay Uno. Aambahin sana n’yang sampalin si Uno ng mabilis na nakatayo si Uno at masapo ang kan’yang kamay.             “Anong pakialam mo? Buhay ko ito kaya wala kang karapatan na kuwestiyunin o pigilan ang gusto ko. Sino ka ba sa tingin mo? Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko sa ‘yo kagabi? Hiyas, mahiya ka naman. Huwag mong ipilit ‘yang sarili mo sa bampirang ayaw naman sa ‘yo,” matigas na ani ni Uno habang madiin na nakatitig sa mga mata ni Hiyas na ngayon ay nagbabadya na ang mga luha. Sumisipol-sipol naman si Dos na kunwaring hindi nakatingin sa eksenang gawa-gawa ni Hiyas at ng kan’yang pinsan.             “ZACARIAS! NANGAKO ANG LOLO AT LOLA MO SA PAMILYA KO NA AKO ANG MAPAPANGASAWA MO! MGA BATA PA LANG TAYO AY NAKATAKDA KA NG IKASAL SA KIN! HINDI KA NAMAN TUMUTOL NOON, AH? BAKIT NGAYON ITO KA NA? BAKIT NGAYON BIGLA-BIGLA KA NA LAMANG NAG-IBA?!” sumbat ni Hiyas kay Uno. Malakas na binitawan ni Uno ang kamay ni Hiyas.             “Hiyas, kailan mo pa ako nakitang nakilahok sa usaping ginawa ng mga ninuno ko at ng mga magulang mo? Kahit isang beses ba ay nakita mo akong humarap sa inyo? Hindi ba wala naman? Hindi ba at kahit kailan hindi ako nangialam sa inyo? Hindi pa ba ‘yon sapat para ipamukha ko sa ‘yo na ayaw ko sa ‘yo at ang mga ninuno ko lang ang may gustong ikasal tayo?” malaking sampal kay Hiyas ang mga sinabing iyon ni Uno. Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha n’ya sa kan’yang mga mata.             “Zacarias, parang awa mo na! Huwag mong gawin sa kin ‘to! Mahal na mahal kita parang awa mo na, maawa ka naman sa kin! Ayos lang! Oo ayos lang kahit si Pilipina ang mahal mo, ayos lang na sa kan’ya ka umuwi araw-araw na mas siya ang ituring mong asawa mo, ayos lang, titiisin ko lahat basta magpakasal ka lang sa kin. Tutulungan ko pa kayo! Ako pa mismo ang magsasabi sa mga kataas-taasan na pabayaan at hayaan na mahalin ninyo ang isa’t isa basta pumayag ka lamang na ikasal sa kin. Zacarias, parang awa mo na! Hindi ko kaya kapag nawala ka sa buhay ko. Hindi ko kaya!” paghuhumirintado na n’ya. Halos lumuhod na nga siya sa harapan ni Uno.             “ANO BA, HIYAS!” hiyaw sa kan’ya ni Uno ng nagsimula itong halikan si Uno sa kan’yang leeg paakyat sa kan’yang tenga at mukha. Pilit na winawaksi ni Uno si Hiyas ngunit nagmamatigas si Hiyas.             “HALIKAN MO AKO! HALIKAN MO AKO, ZACARIAS! MAS MAGALING AKONG HUMALIK KAYSA SA MANG-AAGAW NA ‘YAN! MAS MAGALING AKO SA KAMA KAYSA SA MALANDING ‘YAN!” anito habang patuloy ang paghalik sa leeg ni Uno ngunit hindi na siya pinabayaan pa ni Uno. Malakas na n’ya itong tinulak kaya napasalampak siya sa sahig.             “HUWAG NA HUWAG MONG TATAWAGIN SI INA SA MGA PANGALAN NA ‘YAN! HINDI SIYA MANG-AAGAW AT MAS LALONG HINDI SIYA MALANDING BABAE! HINDI SIYA KATULAD MONG PATAPON!” malakas na hiyaw ni Uno na siyang umalingawngaw sa buong kuwarto. Mas lalong nangyayapos si Hiyas sa galit, ang dalawa n’yang kamay ay unti-unti na n’yang kinukuyom habang kan’yang mga mata ay punong-puno na ngayon nang pinaghalong paghihinagpis at galit.             “SA TINGIN MO SA GINAWA MO SA KIN NGAYON MAS LALO KONG HAHAYAAN NA HINDI KA MAPUNTA SA KIN?! KAYANG-KAYA KONG PATAYIN ‘YANG PILIPINA NA ‘YAN NGAYON DIN! SA TINGIN MO SUSUKO AKO NANG GANOON-GANOON LAMANG? ZACARIAS! LAHAT NG MGA NILALANG NA NINIRAHAN DITO NINANAIS KA PERO ANG PINAGKAIBA KO LANG SA KANILA AKO MALAPIT NA AKO SA ‘YO!” sigaw ni Hiyas pabalik, tumayo siya na animo’y wala lamang nangyaring away sa pagitan nilang dalawa. Pinahid n’ya ang kan’yang mukha at inaayos ang kan’yang buhok. Umupo siya sa harapan ng lamesa na talagang nagsisilbing tanggapan ni Uno sa loob ng kuwarto.             Tinitignan siya ng tatlo ngunit ngumiti ito ng nakakaloko. “Iwanan n’yo kami, Dos at Tres. Kailangan naming mag-usap ni Uno ng mas masinsinan,” madiin nitong utos.             “Sinong nagsabi sa ‘yong mag-uusap tayo?” salungat ni Uno sa isinaad ni Hiyas.             “Balita ko nasa silid aklatan ngayon ang babaeng mortal na ‘yan. Paano ba ‘yan mukhang wala ka ng maabutan mamaya kapag hindi ka umupo sa harapan ko ngayon. Hindi ako madaling kalaban, Zacarias, kaya sa ayaw at gusto mo uupo ka rito at makikipag-usap ka sa kin kung ayaw mong maabutan mong wala ng hininga ang babaeng mortal na iniibig mo?”            Hindi nakasagot si Uno sa sinabi ni Hiyas. Nagdadalawang isip ito kung maniniwala ba o hindi.               “Dos? Tres? Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko kanina? Umalis na kayo! Iwanan n’yo na kaming dalawa rito ni Uno kung ayaw n’yo na pati kayo ay madamay sa bagsik ng paghihiganti ko,” muling saad ni Hiyas. Nagkatinginan silang tatlo at nagsimula lamang na maglakad sina Dos at Tres n’ong tumango si Uno.             “Iwan n’yo muna kami. Puntahan n’yo na lamang si Ina,” utos nito. Kapuwa tumango si Dos at Tres kay Uno, tinapik nila ang kan’yang balikat bago tinahak ang daan paalis.             “Uupo ka o baka gusto mong ako pa ang magpa-upo sa ‘yo?” muling pagtataray ni Hiyas kay Uno kaya napailing ito at tahimik na sinunod na lamang ang gusto ni Hiyas.             “Alam mo naman siguro na isang salita ko lang sa mga magulang ko ay agad nila iyong susundin, hindi ba?” pagtatanong n’ya ngunit napatikham ito ng mapansin n’yang mukhang wala namang plano si Uno na sagutin siya.             “Alam kong alam mo rin naman na hindi matatanggihan ng lolo at lola mo ang mga magulang ko. Hindi naman sa pinapakailaman ko ang buhay mo. Zacarias, mahal na mahal kita’t kaya kong magtiis para lang sa ‘yo. Magbibigay ako ng pagkakataon, ang gusto ko lang naman talaga rito ay ako ang pakasalan mo. Tapos ang usapan. Wala akong pakialam kung saan ka umuwi o kung sino ang uuwian mo basta ako ang asawa mo sa papel, tapos. Hindi ko isusumbong sa mga magulang ko ang ginawa mo sa kin kagabi at ngayon. Walang ibang makakaalam nito, ako lang at ang dalawa mong mga kaibigan. Sisiguraduhin kong hindi makakarating sa mga magulang ko ang tungkol sa inyo ng mortal na ‘yan,” mahaba nitong litanya.             “Anong kapalit?” tipid na anas ni Uno na hindi man lang siya tinatapunan ng ngiti.             “Susundin mo lahat ng gustong ipagawa sa ‘yo ng mga ninuno mo, lahat na konektado sa kin susundin at gagawin mo. Ganoon lang kasimple,” pakikipagnegosasyon ni Hiyas kay Uno.             Napangisi si Uno at napailing. Hindi ito makapaniwalang nagsalita “Hindi rin ako tanga. Tulad ng sinabi mo kaya mong hingin lahat sa mga magulang mo, paano ako makakasigurado na hindi ka hihingi ng kung ano-ano sa kanila upang gawin natin ng magkasama? Hiyas, gusto mo naman yatang kunan ako ng talino,” anito.             “Aasahan mong hindi mangyayari iyon dahil tulad ng sinabi ko gusto ko lang ay maikasal sa ‘yo. Kung ayaw mo sa kin eh ‘di ayaw mo! Tapos ang usapan. Walang pakialaman sa buhay natin basta ang gusto ko maikasal ka sa kin. ‘Yon lang ang gusto kong mangyari Uno,” pangungumbinsi nito. Tumayo si Uno sa kan’yang upuan at naglakad na paalis.             “Hindi ka makakalabas sa kuwartong ito na hindi mo sinasagot kung gusto mo ba  o hindi ang suhestiyon ko, nasa baba ngayon ang mga magulang ko kaya napakadali ko lang isasagawa ang gusto ko. Pumili ka,” pananakot na naman ni Hiyas.             Ngunit biglang napasinghap si Hiyas ng mabilis na nakalapit si Uno sa kan’ya at agad nitong siya’y sinakal. Nanggagalaiti itong humarap sa kan’ya. “Hiyas, huwag mo akong tinatakot dahil hindi nakatatak sa propesiya ang pangalan ko kung basta-basta lamang akong bampira. Pag-iisipan ko lahat ng sinabi mo kaya maghintay ka. Wala akong pakialam dahil hindi ako natatakot sa ‘yo at lalong-lalo na sa mga magulang mo dahil ngayon pa lang kayang-kaya kong kitilin ang mga buhay ninyo. Ngayon, kanino ka matatakot?” pagbabanta ni Uno bago n’ya unti-unting luwagan ang pagkakasakal n’ya kay Hiyas.             Napasinghap si Uno ng imbes na hayaang makaalis ni Hiyas ay kinuha n’ya ang pagkakataong magkalapit silang dalawa upang hawakan ang kamay ni Uno at agad itong ilagay sa kan’yang hinaharapan. Diniin n’ya ang mga kamay ni Uno sa magkabila n’yang mga hinaharap at kusa n’ya rin iyong pinasakmal sa mga palad ni Uno. “Damhin mo! Hindi ba at gusto mo ‘to? Hindi ba at naglalaway ka dito? Ayan na! Hawak-hawak mo na! Handa akong ialay ang lahat sa ‘yo ngayon din Uno. Hawakan mo! Dali!” hiyaw na naman n’ya. Kinukuha ni Uno ang kan’yang mga kamay sa kan’ya ngunit hindi nagpapadaig si Hiyas mas lalo n’yang diniin ang mga kamay ni Uno sa kan’yang hinaharap at mas lalong nanlaki ang mga mata ni Uno ng marahas n’yang ibinaba ang kamay ni Uno at ipasok iyon sa loob ng saya n’ya.             “Hiyas! Ano ba!” bulalas ni Uno ng tahasang ilagay ni Hiyas ang mga kamay n’ya sa kan’yang p********e.             “HAWAKAN MO SABI! HAWAKAN MO ‘YAN, ZACARIAS! MAS SASAYA KA SA KIN SA KAMA! MAS MAGALING AKO SA KAMA! KAYA PARANG AWA MO NA! AKIN KA NA LANG! SA AKIN KA NA LANG!” muling pagsusumamo ni Hiyas kay Uno ngunit si Uno na mismo ang malakas na lumayo sa kan’ya. Sa malakas na pagkakahatak n’ya ng kan’yang kamay ay hindi na n’ya nakontrol pa ang kan’yang kapangyarihan at siya na mismo ang tumilapon at bumunggo ang likuran n’ya sa pader. Napangiwi si Uno pero mabilis lamang iyon dahil agad namang bumalik ang kan’yang balat sa dati na isa rin sa kan’yang mga kapangyarihan.             “Hindi nagbabago ang aking isipan, pag-iisipan ko itong lahat. Huwag mo nang sagarin pa ang pasensiya ko, Hiyas. Kapag hindi pa ako nakapagtimpi ay baka hindi na rin kita matandaan pang babae ang kaharap ko.”             Mabilis na naglaho si Uno sa hangin kaya napasabunot si Hiyas ng sarili n’yang buhok. “ARGH! ZACARIAS! BUMALIK KA RITO!” hiyaw n’ya ngunit alam n’ya rin wala na iyong saysay.             Muli siyang napakuyom ng kanyang mga kamay. “Kasalanan mo ‘tong lahat, Pilipina Amador! Isa ka lamang na ordinaryong mortal kaya wala kang karapatan na sirain ang buhay ko!”             Dos’ POV             “Putangina! Hindi ko inaasahan na kayang magpakababa ni Hiyas ng ganoon para sa pinsan ko! Iba talaga ang alindog naming mga Gevacio!” pagmamayabang ko habang kasabay kong naglalakad ang mukhang unggoy na si Tres. Wala talaga sa kalingkingan ko ang lalaking ito, kaawa-awang nilalang.             “Pwede ba, Dos? Tigil-tigilan mo ang pag-aamok mo? Hindi nakakatuwa,” pabalang naman n’yang sagot sa kin. Kita mo na? Napaka-ampalaya talaga basta pagdating sa kin! Palibhasa alam n’yang walang binatbat ang kaguwapuhan n’ya sa taglay kong kaguwapuhan. Tangina!                      “Ano na namang naiisip mo? Na nagseselos at naiinggit na naman ako sa kaguwapuhan mong taglay? Pwede ba, Dos? Gumising ka nga paminsan-minsan, gising ka naman pero utak mo laging tulog,” asik sa kin ng mukhang unggoy.             “Alam mo, Tres? Bakit ikaw kaya ang matulog baka sakaling kapag natulog ka ng ilang araw at mapantayan mo lang ang kaguwapuhang taglay ko? Subukan mo lang kasi malay mo naman may himalang mangyari at magbago pa ‘yang tabas ng pagmumukha mo. Pero huwag kang umasang magiging kapantay kita kasi kami lang na mga Gervacio ang may taglay na kaguwapuhan na ganito. Hindi ka naman Gervacio kaya payo ko sa ‘yo ay kailangan mo ng puspusang pagdadasal sa mga Bathala upang gantimpalaan ka nila, sabihin mo kahit kalahati lang kamo ng kaguwapuhan ni Dos. Nakikinig ka ba sa kin, Tres?” ani ko ngunit napakamot na lamang ako ng aking batok ng mapansin kong wala na siya sa aking tabi.             Sayang naman ang pinagsasabi ko. Hindi n’ya narinig ang payo ng poging katulad ko. Sayang talaga at mukhang malabo na talaga ngayon na maging maayos at kaaya-aya pa ang kan’yang pagmumukha.            “Tsk! Tapos na ba silang mag-usap? Gusto ko na lang matulog sa tanggapan namin kaysa ang makita ng mga babae. Mahuhumaling na naman sila sa kin at ako’y naawa dahil hindi ko naman masusuklian ang pagmamahal na meron sila.” Malapit na ang buwan ng mga yumao pero ang mga babae rito sa unibersidad patay na patay na sa taglay kong kaguwapuhan.            Tangina! Iba talaga pagtatak Gervacio. Iba talaga kapag si Joaquin Gervacio ang kaharap mo.             Wala, eh, ito lang ako, simple pero guwapo.   Pilipina’s POV               Natigil ang pag-uusap namin ng dumating na si Virginia. Dala-dala na n’ya ang mga gamit ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kan’ya paalis.             “Si Uno ba ‘yon?” “Hoy si Uno nga! Nagsasayaw siya sa ilalim ng ulan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD