IKATLONG KABANATA

1206 Words
Virginia’s POV                     “ANONG lagay niya?” tanong ni Uno sa kin, gamit ang napakababang boses.           “Nasuri na siya ng inyong manggamot, Uno. Ang sabi ay magkakamalay din daw siya sa lalong madaling panahon,” mahinahon kong tugon sa Panginoong Uno.           Isa siya sa tinitingala ng lahat sa aming mundo, kasama siya sa mga hanay ng pamilyang tinatawag naming kataasan-taasan kung kaya’t sa lubos ng aking makakaya ay nag-iingat ako sa mga salitang lumalabas sa aking bibig.           “Mabuti. Lubos lamang siguro siyang nalula sa mga pangyayari.” Tumahimik ang Panginoong Uno noong gumalaw ang iilan sa mga daliri ng binibini, sa unang pagkakataon ay nasilayan ko siyang ngumiti ng gano’n na lamang.           “Ikaw na ang bahala sa kan’ya.” Nataranta ako sa pagsasalita niya nang pabigla-bigla kung kaya ay napayuko na lamang ako bilang tugon atsaka inalalayan ang binibini upang makatayo.   Pilipina’s POV             Naalimpungatan ako sa hindi pamilyar na silid, karamihan ay kulay puti kung kaya sa aking sapantaha’y nasa isa akong paggamutan.           Unti-unti akong bumangon hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pag-alalay sa akin ni Virginia.           “Binibini, ano ang iyong nararamdaman?” bungad nito sa kin.           “Salamat ngunit ako ay maayos naman,” tugon kong may ngiti.           “Mabuti naman. Ako ay nagagalak na ikaw ay nagising na, ako nga pala si Virginia Alegria, ako ang magiging kasama mo sa nakatakdang silid pahingahan para sa’yo.” Nakangiti ito sa kin. Base sa aking nakikita ay mukhang mabait naman ang binibining ito.           “Kasama? Sa silid? Paano? NASAAN AKO?!” bigla kong paghuhumirintado. Napagtanto ko kasing maaring dinala na nila ako sa Unibersidad ng Maynila!           “Binibining Ina, ikaw ay huminahon muna. Kung nais mong maliwanagan tungkol sa lahat, maari na ba tayong pumuntang ating silid pahingahan?” Tumango na lamang bilang tugon kung kaya’t sa isang iglap bigla siyang naglaho.           Oo nga pala baka nakakalimutan kong nasa lugar ako ng mga bampira. Hindi ko lubos maisip na ang mga agam-agam lamang noon ay magkakatotoo at ako pa mismo ang makakasaksi ngayon.           “Kaya mo bang maglakad?”           “Ay kabayo!” bulalas ko. Bakit naman kasi pabigla-bigla siya!           “Pasensiya na, binibini! Nakalimutan kong ikaw pala ay isang mortal.” Natatawa niyang sambit. Mukhang masaya pa siya na nagulat ako?           “Ano bang gusto mong malaman?” tanong sa akin ni Virginia habang pareho na kami ngayong naglalakad patungo sa aming silid pahingahan.           “Marami. Ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula,” seryoso kong tugon.           “Iyan ay natural lamang na reaksiyon, binibini.” Kibit balikat akong tumugon.           “Siguro ay mag-uumpisa na lamang ako sa mga simpleng bagay tulad na lamang nang dito sa unibersidad ay may pamilyang tinatawag na ang kataas-taasan ibig sabihin, sila ay makapangyarihan at may mga pangbihirang lakas at galing. Sila rin ang namamahala sa buong lahi ng mga bampira,” huminto ito sa pagsasalita upang balingan ako ng tingin.           “Sa bawat henerasyon ay may itinakdang bampira na magsisilbing pinakamakapangyarihan at ‘yon ay si Panginoong Uno, siya rin ang pangulo ng samahan ng mga mag-aaral dito. Ngunit hindi lang ‘yon dahil si Panginoong Uno o Uno ay siya ring pinakamatalino sa buong unibersidad,” pagsasadula ni Virginia. Kung ganun ay talaga palang tinitingala ang Uno na iyon.           “Tama ka, si Panginoong Uno nga ay tinitingala naming lahat, walang sumusubok na sumalungat sa kan’ya, takot lamang nila.” Bakit parang nanakot siya sa paraan ng kan’yang pagsasalita?           Talaga bang nakakatakot ang Unong sinasabi niya?           “Ngunit ang hindi ko mawari, sa paanong paraan niya ako nakilala?” naguguluhan kong sagot.           “Siguro ay si Uno na lamang ang hintayin mo, binibini. Mas mabuti kung sa kan’ya mismo manggagaling ang mga kasagutan sa iyong mga katanungan. Naririto na tayo sa ating silid.”           Hindi na lamang ako umimik pa, sa halip ay sumunod na lamang ako kay Virginia hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang silid. Agad niya iyong binuksan at tumambad sa amin ang napakagandang silid.           “Dito ba talaga tayo matutulog?” mangha kong wika sabay takbo at umupo sa napakalambot na kama.           Siguro’y gawa ito sa natural na bulak hindi tulad ng aking kama, hinabing dayami lamang ang laman.           “Hindi ka nagkakamali. Ang puwesto mo ngayon ay siya talagang magiging puwesto mo. Sa kabila naman ay sa akin habang doon sa bandang kanan ay ang ating palikuran. Sa ilalim ng iyong kama nand’yan ang iba’t ibang uri ng saya na inihanda para sa iyo.” Matapos niya iyong sabihin ay sinunod ko ngang buksan ang ilalim ng aking kama, may mga kahon doong may lamang mga magagarang saya.           Para ba talaga sa akin ito?           “Para talaga sa’yo ‘yan, binibini. Kukuha muna ako ng ating tanghalian at mamayang ala-una ng hapon tayo ay may klase pa.”           Hindi niya na hinintay pa ang aking tugon at nawala na lamang na parang bula.           “Diyos ko! Napakaganda ng mga ito!” bulalas ko habang hawak-hawak ang isang saya na kulay asul.           Halos kasayaw ko na ang aking saya sa galak, humagikhik muna ako bago tuluyan magbihis sa palikuran.   Uno’s POV             Ako’y nakatayo sa ‘di kalayuan mula sa silid na pinasukan nila. Kita sa kan’yang mga mata ang galak kahit mukhang nangamba ito sa kan’yang pinasukan. Naririnig ko ang kanilang usapan ni Virginia hanggang sa lumabas si Virginia na patungo na nga sa kantina.           “Diyos ko! Napakaganda ng mga ito!” dining kong sambit niya. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang pamangiti.           Nagagalak akong makita kang nakangiti, aking mahal.   Pilipina’s POV             Tamang-tama ang dating ni Virginia na may dalang napakababangong mga pagkain. Nadatnan ko kasi itong nag-aayos ng aming munting hapagkainan.           “Tama nga si Minerva! Bagay na bagay sa iyo ang sayang iyan! Lumalabas ang iyong kutis na mala-porselana pati ang iyong simpleng ganda ngunit hindi nakaka-umay tignan,” dire-diretso niyang sambit. Napakunot ako ng aking mga noo.           “Bakit parang kilalang-kilala niyo ako?” saad ko habang naglalakad patungo sa kan’ya.           “Umupo ka muna, binibini. Pagsaluhan muna natin ang masasarap na mga pagkain na ito.” Tulad nang sabi niya, umupo nga ako sa harapan niya.           “Maari bang Ina na lamang ang itawag mo sa akin?” Hindi kasi ako sanay na mas’yado akong tinitingala, hindi ko nakasanayan ang ganung pamumuhay.           “Naiintindihan kita, binibini. Ngunit kung sa tingin mo ay simple lamang ang dahilan kung bakit nandito ka, doon ka nagkakamali. Isa ka sa mga taong titingalain ng kahit na sino man kung kaya’t patawarin mo ako kung hindi ko magagawang tawagin ka sa iyong ngalan lamang.” Ang haba ng sinabi niya. Gusto ko lamang ay tawagin niya ako sa mas kasuwal na pamamaraan.           “Sige, ikaw ang bahala,” sagot ko na lamang at hindi pa muling nakipagmatigasan sa kan’ya.           Inilapit sa akin ni Virginia ang mga pagkain kung kaya ay nag-umpisa na akong kumuha.           “Para sagutin naman ang iyong katanungan, hindi ka namin gano’n kakilala, nakita ka lamang namin sa paraan ng memorya ni Uno. Si Minerva ay talagang magaling manamit kung kaya ay hindi nagkamali ang Panginoong Uno na ipangkat kami upang alagaan ka habang nandito ka.”           Sino ba talaga ‘yang si Uno o si Panginoong Uno na ‘yan? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD